Never
___________________________________
Nakatingin ako pero para lang silang naka-timelapse. I only stare at her—Temi. Everytime she jumps at whatever is pleasing her, I stare at her. Kahit si Cas na nakabalik na ay hindi ko na napansin.
Ren, he....he likes someone else. Tama bang sana hindi nalang ako nagtanong? Wala akong maintindihan. Kanina pa natapos pero wala akong naintindihan. I sat on the far seat near the exit. Nakapalit na ng damit at huling advice nalang doon sa coach nila habang nakapabilog doon sa gitna. Isang hiyaw at kaagad silang nagsitakbuhan sa mga gamit.
"Ren!" I heard her again.
Sumulyap ako, nakita ko si Ren na nakatayo ilang distansiya nalang mula sa direksiyon ko. Iniwas ko ang tingin at nagkunwaring abala sa kung ano. He jogged towards her.
"Nice game, Ren!"
"Una na kami!"
"Ingat kayo, pare."
He raised a hand to them then went back to their group.
Kat and Cas were with them, nakatabi sa gilid habang niyayabangan ni Spence si Cas na mukhang naiirita.
"A water for your thoughts?" bote ng mineral water ang humarang sa tingin ko.
Inangat ko 'yon para lang salubungin ng pamilyar na ngiti. That guy from earlier, doon sa dispenser.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero inabot
'yon.Tumawa siya. "Wow, naka selective focus ba 'yang mata mo para hindi man lang ako mapansin?"
I rolled my eyes. "Stop the cheesy lines, hindi bagay sayo."
Ngumisi siya. He lightly flicked my forehead.
"Ah!" sinapo ko 'yon.
"Baliw. Kanina pa ako doon sa laro oy."
"Huh?"
Ngumisi lang siya at inangat ang jersey na may last name.
Jaype. And the number 2 in it.
2? Wait isn't he?
"James Jaype. 4th year. Sayang ilang three points din 'yon kanina a, hindi ka naman pala nakatingin."
James, siya iyong tinutukoy ni Kat kanina? Ren's enemy?
Ibinalik ko ang tingin sa kanya, may halong talim iyon na kinataas ng kilay niya.
"Oh? Bakit parang galit ka pa?"
I sighed. Oh, well. It's a different story.
Umiling ako sa kanya. "Hindi ko napansin, pero congrats pa rin at goodluck sa inyo sa thrusday." sabi ko.
Sumipol siya, ayon na naman ang nakakalokong ngiti.
"Ganito pala ang feeling na may bumabati sayo matapos ang laro." he said it, a bit loud.
I frowned. Hindi naman ganoon iyon gaya ng inaakala niya. I'm just trying to be nice when I have all the right to ignore him dahil hindi naman kami close at kakakilala palang.
Tumawa siya. " Chill ka lang. Tinutulungan na nga kita dito e." aniya, inginuso ang nasa likod ko.
Bumaling naman ako doon at nakita lang si Ren at Temi na magkausap at tinutukso ng mga kasama nila sa basketball at maging kaibigan ni Temi.
"Paano mo ako tinutulungan?"
He shrugged and went beside me, nakatingin din doon sa tinitingnan ko.
"Sinasamahan ka. Para hindi ka mukhang malungkot. Kawawa ka naman."
YOU ARE READING
Love, Alice
Fiksi RemajaAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...