Chapter 15

8 0 0
                                        

Apart

___________________________________

Ang sabi ko no'n susubukan kong magkaroon ng bagong pahina sa buhay ko pagkalipat namin dito sa probinsiya. Noong mag-isa kong pinananood ang lahat ng nakasanayan ko na mawala pa unti-unti sa amin, wala akong nagawa kung hindi tanggapin.

Mainit ang Marso noong napadpad kami dito. Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam sa mga dati kong kaibigan dahil noong araw na natapos ang klase kaagad kaming umalis. It was hard. But I figured it might be harder for my parents so somehow it was bearable. Life after all is full of surprises. Nothing is certain so I thought if I know how to bear it all then I can make it. Kailangan lang magkaroon ng pag-asa kasi hindi naman ganito nalang palagi.

So when I found friends to share my everyday life in this small town in Western Visayas, I know I can make it. I can fit in and live my life as a student here in this town, far from the noisy streets of Manila. Life here is slow that it'll make you feel grateful for every genuine moment you had with the people around you.

So, I thought that it's my fault.

Kasalanan ko ring masyado akong nag-isip sa mga bagay-bagay na hindi ko naman dapat inuuna. Ren only showed me the bare minimum. Kaibigan niya ako at natural siyang mabait kaya bakit ako aasa ng kung anong pagtingin mula sa kanya dahil tama na naman ang pagtrato niya sa akin bilang kaibigan. Tapos ngayon na malalaman kong may nagugustuhan pala siya, sasama ang loob ko kasi hindi ako 'yon kahit pa noong una pa man wala naman talaga siyang sinabi na gusto niya ako. I hurt myself and then I overthink and ruin me.

Ren doesn't owe me any explanation. Mamahalin niya ang kung sinong gusto niya nang malinis ang intensiyon na titingin siya sa mga mata ko dahil hindi niya kasalanan 'yon. I am actually ashamed of myself. Sa loob ng utak ko halos hindi ko mabilang kung ilang beses kong natanong kung bakit hindi niya mabaling ang atensiyon sa akin. But then, does he owe me that? Do I have to like him and expect him to like me back? Hindi, kasi ako naman ang nagkagusto.

Alam ko. Alam ko 'yan pero kapag pala nasa harap mo ang hirap manatili sa wisyo. When expectations are held up so high and the truth drags them down, the fall is too fast you can't almost gather sanity.

"Oh? Ayos ka lang?" hinawakan ako ni Kat sa balikat.

Ngayon ko lang namalayang nakaabot na ako rito sa upuan namin kanina. Inilibot ko ang tingin sa paligid. The boys are still loud and vibrant from the remnants of their win. Kahit si Kat na tiningala ako habang nakaupo may bahid pa ng tawa ang mga mata. While I think that was the longest walk I've ever had.

"Y-Yeah....ano...medyo naligaw lang." sabi ko at umupo na.

"Huh? Sana nagtanong ka." luminga-linga si Kat para tingnan ang dinaanan ko.

I sighed and tried to assure her I'm fine then took a sip of water.

"Javier! Sa'n ka ba nagpunta?"

Tinakpan ko ang bibig dahil muntik pa akong mabulunan sa biglang pagkabog ng dibdib dahil sa pagtawag ni coach sa kanya.

Now I regret I went here. This isn't suppose to be our gathering. But then no matter how fast the fall it can't keep falling. So, even if it's late or barely convincing I must gather my thoughts.

Muli 'kong dinala ang baso para paunti-unting sumimsim ng tubig doon kahit hindi ko naman kailangan. It's an excuse to see him in my periphery while just casually taking a sip-kuno.

Napansin ko siyang umupo doon. Seconds later I saw Jea hurriedly walked past us to go to her friends. Nandoon sila sa kabilang banda ng mga kaibigan niya. Kailangan pa munang dumaan sa banda namin bago makapunta doon kaya mukhang wala siyang choice kahit nakayuko siyang dumaan. Now I know why they're here tonight. I thought it was weird to accidentally see them here kanina.

Love, AliceWhere stories live. Discover now