Chapter 7

1 0 0
                                    


Light
____________________________________

"Ano sa tingin niyo ang ibig sabihin ng salitang ito?"

Light. Basa ko sa nasa pisara.

The source of brightness, the sun, and the day.

"The visible light spectrum is composed of what we commonly know as the ROYGBIV......."

Pinalibot ko ang mga mata sa kabuuan ng klase. Tahimik ang lahat pero hindi nakaguhit sa mga mukha nila ang interes sa topic namin ngayon kay Sir Jongco.

An old teacher of the subject science. Matalino at halatang hindi na kailangan ng libro para maturo ang topic ngayon. Halos yata bawat words sa pahina ay kabisado niya.

Napapansin ko na ang ilang halos tumama na ang mukha sa writing desk dahil sa antok. Ang iba naman ay busangot dahil sa gutom. Pagkatapos ng subject na 'to, maglu-lunch na.

"Ngayon, can I have somebody to tell me about the meaning of the word here?"

Tahimik ang lahat sa klase. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa labas. Tirik ang araw at walang senyales ng paparating na ulan.

"Sir."

Bumalik ang tingin ko sa loob ng classroom. Si Jea iyon na class president namin ang nagtaas ng kamay.

"Yes, Miss Hernandez."

"It's brightness, Sir. Something that enables all things visible to human eye."

Some of her group cheered. Umingay ang klase para purihin ang sagot niya.

"Listen, listen, class. Thank you, Hernandez for your answer, it has a point." tumango-tango ito.

"Sino pa ang may ibang sagot?" luminga - linga siya para tingnan kami.

He nodded, but didn't stop. Dalawa lang ang ibig sabihin, it may had a point, but it's not the exact answer or the answer created a loophole.

"Class, did you know that there are only few colors visible in the naked-eye?"

I smiled. It did create a room for a follow-up question.

"Ano ba 'yan, gutom na ko." reklamo ni Cas sa tabi ko.

One of the form of necessities why life is thriving—has a limit. Light, isn't as limitless as we thought.

"Colors are the wavelengths of light reflected back in our eyes. At iilan lang sa kanila ang kita sa mga mata ng tao."

I've always thought how science is cool. A branch of knowledge that encompasses explanation of origins for all things.

"Violet is not visible in our eyes due to having a high frequency and a short wavelength. That's why when we look at the rainbow, halos hindi na siya kita."

I've also heard it, that the sky was supposed to be violet if only the naked-eye can handle its frequency.

Dala-dala ko ang isiping iyon hanggang matapos ang klase. I think that the discussion left a room for me to ponder. But, most of them are theories at dahil doon, takot akong sumagot sa klase.

"Nako naman! Nagpa-quiz pa!" kamot ni Cas ang ulo habang inaayos ang bag.

Nagre-ready na ang lahat para lumabas pero nasa ganoong ayos parin ang writing desk ko na may ballpen at notebook. I stared at the the question for our assignment. Essay iyon, you have to answer the question and support it.

"Grabe naman sa essay, dapat daw may mga scientific term pa sa supporting details!"

"Nagulat ka pa! Eh, apo ni Einstein 'yon e!"

Love, AliceWhere stories live. Discover now