Chapter 9

3 0 0
                                    

Call

_________________________________

"Adelei." mom called.

Bumaling ako sa pintuan ng kwarto nila. Nandito ako sa loob at nakapatong sa upuan para kunin ang spare pillow and pillowcase sa aparador nila.

"Po?" tugon ko.

Pumasok siya para tingnan ako sa loob.

"Nakita mo na?" tanong niya sa ginagawa ko.

Tumango ako. "Ito nalang yellow pillowcase ang gamitin ko, mom." sabi ko.

"Mm. You used to love that before you changed your sheets to muted colors." aniya, itinabi ang hawak na sandok bago inayos ang mga bedsheets na nagkalat dahil sa kakahila ko.

Well, I used to love yellow. Hindi na ngalang ngayon dahil I prefer to use the non-vibrant ones.

" Change your bedsheet also. "

" Huh? Naka-change na ako." sabi ko.

Umiling siya. "Ganiyan talaga kapag may bisita, Adelei." aniya na inayos na ang isang bedsheet na katerno noong pillowcase na napili ko.

Ngumuso ako. Hindi na pinauwi ni mama si Kat at inaya nalang na dito na magpalipas ng gabi. Noong una alanganin pa si Kat pero kalaunan  pumayag naman dahil kay Cas. Aniya'y pupuntahan daw namin bukas sa kanila para mag-review sa exam sa lunes.

"Okay." sabi ko sa kanya. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo kanina?"

"Oh that. Nag-prito ako ng Bangus na na marinate at saka iyong take-out na Sinigang na bili ko kanina. Ayos na ba 'yon for dinner?" aniya.

Ngumiti ako at tumango. "Yes, mom. Thank you."

My mom isn't really a skilled cook. Alam niya ang mga for frying but stew or anything hindi niya alam. My Dad used to prepare those for us.

"Here, dalhin mo na sa room mo then you can go down for dinner." abot niya sa bedsheet.

Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Won't you join us?" sabi ko. Tinutukoy ang pajamas niya na nasa ibabaw ng kama at nakahanda na para magpahinga ngayong gabi.

Sinulyapan niya iyon at tumingin sa akin. Umiling siya. "Huwag na. I'll give this moment to you and your friend. Baka mailang." she said in a teasing manner.

"Pero ikaw?"

"Kumain na ako ng dinner." aniya, hinahanda ang sarili for night bath.

"Nagkita kayo ni Dad?" tanong ko.

She would usually meet up with dad to have dinner before the long drive here. Kaya nagulat ako nang umiling siya.

"He had to cancel last minute kaya kumain nalang ako. Urgent daw sa workplace." aniya.

It took me long enough to give her a small nod. Tumahimik nalang ako. I stopped asking a long time ago. I also...stopped looking at her eyes. Takot na baka masagot ang mga tanong ko.

"Ang sabi niya ay babawi nalang siya bukas. He'll cook us dinner." she said in a sweet voice.

He always cook us dinner. Because mom, you can't cook and dad hates takeout or reheated food.

Ngumiti ako. I gave her a nod.

"Sure, mom." I said. "Ilagay ko na po 'to sa room ko." I said.

"Adelei." tawag niya.

"Hmm?" huminto ako para bumaling sa kanya.

She looked at me before she transferred her gaze towards whatever she's holding.

Love, AliceWhere stories live. Discover now