Name
________________________________
Mabigat ang mga ulap sa langit. It's Monday morning, two weeks matapos ang first quarter. Nakabihis na ako para sa sa eskwela at sasabay ako kay mommy para maihatid niya ako sa school.
Pero mukhang...wag na lang.
"Andrei, it's a stupid decision!" maingay ang tunog ng takong ni Mommy nang bumaba siya sa hagdan—nakasunod siya kay Dad.
"Huwag na muna nating e discuss to ngayon. Mala-late na ako sa trabaho." dad went to pick up his things sa sofa pero nakasunod pa rin si Mommy sa kanya.
"No! What happened back then was already too much of a loss! Isipin mo naman na magko-kolehiyo pa ang anak mo!"
"Do you think I'm not thinking of that? That's basically the reason why I want to do it!"
Nakakabingi ang mahinang pagtunog ng kutsara. I'm chewing slow, I can hear me swallow every bite. Tiningnan ko ang yolk ng sunnyside up sa pinggan. I was going to give it to Dad, he likes it.
" Andrei! Ano ka ba! "
I moved my head to watch them. I saw my mom face palmed.
I don't think he'll like it anymore. We're never gonna have a decent breakfast anyway.
"Ang utang hindi na dapat dinadagdagan pa ng isang utang!" her hands moved, na parang gusto gusto niyang tumatak kay dad lahat ng hinaing niya.
My Dad tried to dismiss her again and went upstairs. My mom's already in the verge of crying habang sinusundan niya sa taas si dad.
Dinampot ko ang baso ng tubig at ininom. Isinukbit ko ang bag at pumunta sa sala. Nakita ko ang isang payong na nakatabi sa gamit ni dad. Lumapit ako doon.
We only have one car left. Iniwan niya iyon kay mommy dahil gabi-gabing umuuwi at nagco-commute lang siya minsan. Pero ngayong matindi ang pinagtalunan nila, I don't think he'll share the same place with my mom just to hear her talk about it the whole drive.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang puting hoodie sa hanger.
This will do. Hindi pa naman umuulan.
Umalis ako sa bahay ng hindi nagpapaalam. Maingat kong sinirado ang gate at naglakad papuntang kanto.
Tiningnan kong muli ang mabigat na ulap na mukhang babagsak na dahil sa tindi nang hampas ng hangin sa mga talahib sa gilid ng daan.
Sumilip ako sa bahay nila Cazey pero mukhang umalis na siya.
Nang umaambon na ay tumakbo ako para makaabot sa waiting shed. May dalawang kakasakay lang ng traysikel.
"Kuya, pwede pa po?" awat ko sa drayber.
"Back ride nalang neng." turo niya sa pwesto sa likod niya.
May kalakasan na ang ulan kaya sigurado akong salo ko lahat ng putik pero umangkas ako. Bahala na at mala-late na ako.
Itinago ko ang bag sa likod para hindi mabasa at hinawakan ang palda para iangat sa talsik ng putik.
Ngunit mga dalawang kanto palang lampas sa amin ay biglaang humina ang traysikel. Tumingin ako sa gilid nang makita ang kamay na nakahawak sa bubong ng traysikel. Hinihingal ang lalaking naka uniporme na humahabol sa traysikel at tuluyang sumampa.
"Cegasco po, Mang Ramel."
Bumangga ang balikat niya sa akin dahilan para medyo bumangga rin ako kay manong.
"Oh? Mukhang late kana, toy? Pangalawang balik ko na sa Cegasco nauna pa iyong kasama mo." kausap noong drayber.
I heard him laugh. Bumangga ulit ang balikat niya sa akin nang dumaan sa malubak na parte ang traysikel.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...