Pain
______________________________
"Oh? Anong nagyari ba't parang nagmamadali ka?"
Huminto ako, hinahabol ang hininga. Lumingon ako pero hindi na siya humabol. Napapikit ako sa paghina ng kaba.
"W-Wala, tara na." umiling ako sa dalawa na nilingon din ang pinanggalingan ko pero kalaunan lumakad na rin.
Buti naman at hindi na sila nag-usisa pa. Pero dahil sa katahimikan hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nakita kanina. What was he trying to pull out of his pocket? The scene was too familiar that I started dreaming like stupid about it. I imagined too much I couldn't think straight. Pero ano nga ba iyon, regalo niya? Kung regalo nga lang iyon hindi ko rin alam kung anong sasabihin gayong wala akong dala kahit pa ako ang nag-open up noon.
"Dito nalang ako. Basta ang usapan sa christmas ha?" bumaba na si Kat.
"Oo ba, sa bahay na tayo." Cas said.
Nagpaalam kami sa kanya. Lumipat si Cas sa tabi ko mula sa likod.
"Sino ang tinatakbuhan mo kanina?" biglang open niya.
"H-Huh? Wala a. Nagmadali lang ako para maabutan kayo."
Tumaas ang kilay niya. "Hmmm..." she meaningfully said.
Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na tingnan ang cellphone para hindi na niya e-open up ulit.
"May tinatago ka no?" Huling hirit pa ni Cas no'ng bumaba na kami. Hawak niya ang paper bag na regalo pero inipit niya iyon sa gilid niya para ituro ako nang may panunukso.
"W-Wala nga!" iwas ko sa kanya. Dumiretso na ako ng lakad papunta sa bahay namin.
"Sus! Walang lihim na hindi ko maaamoy!" aniya pa bago ako tuluyang nakapasok sa gate.
Iniling ko nalang iyon kahit pa kinakabahan na baka may napansin nga siya. Tumunog ang bakal na lock ng gate at kaagad akong binalik sa bahay mula sa iniisip. I eyed the house lonesome house. Hindi naman iyon gano'n kalungkot noon pero ngayon parang ang lungkot lungkot na. Sighing heavily I walked to the door but immediately halted. Nahinto ang akma kong pagpihit sa doorknob nang makita ang sasakyan na naka-park sa loob. Dumagundong kaagad ang dibdib ko at padarag na hinila ang pinto. Nakayuko si mommy sa sofa at kaagad na napatingin sa akin. I saw traces of clothes from the stairs. Nasa sahig lang iyon na parang pinagtatapon, but given that some are all over the place I can say that it was a tough fight trying to carry the clothes from above to here. Tumingin ako kay mommy na mukhang kagagaling lang sa iyak.
"He went here?" all that I can say.
"A-Adelei." my mom wiped her tears when she stood up.
I saw some empty things in the drawer, some stuff that used to fill them is now vacant. Pero hindi lahat, halatang kinuha lang ng nagmamadali.
Ang kaninang mumunting saya parang inihipan ng hangin na agad nawala.
"Mm. He left the car." tiningnan niya ako ng may pananantiya.
"To get his things?" puno ng pait na sabi ko.
Umiling siya. "I made him get some of his things." aniya.
I scoffed.
"Where is he?" I gulped the lump on my throat.
"Ad—"
"Kanina pa umalis?" I tried to calm my chest from the heavy breathing.
Bumuntong hininga si mommy at mahinang tumango. So that's why she's not replying to my texts, my dad was here. Maybe they had a fight but he brought some of his things with him. Nag-usap sila at saka siya umalis.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...
