Fault
_____________________________________
"Pass your miniature project."
Nagsitayuan ang mga kaklase ko bitbit ang miniature na kanina pa dala-dala ng lahat. Halos bulto noon ang makikita sa writing desk at kung hindi naman doon ay sa sahig.
"Wala na ba kayong idadagdag dito? Pass ko na 'to."
Nakatayo si Katrina at bitbit ang project namin. Noong nakaraang linggo ay hindi na nakameet si sir sa second meeting dahil sa sick leave pero ibinilin niya pala kay Miss Aby ang instructions para sa project.
" Teka, ayusin mo muna yong laser medyo tabingi e."
Tatlo kaming magka-group para dito. Minimum group of 4 or 3 ang pwede at napagdesisyonan naming gumawa ng miniature model for bending light. Lasers ang nilagay namin sa loob at iilang mirror sa loob ng box. We also prepared something to make a smoke and stuff if inside for the lasers to become transparent later in our showcase.
"Ayos na 'yan, nandito na naman lahat ng materials."
Tumango si Katrina at lumakad para ibigay ang project namin.
"Sa'n tayo mamaya sa lunch?" tanong ko kay Cas.
Bumaling siya sa akin na punong puno pa ng chocolate biscuit ang bibig. Natapos na ang recess pero hindi na ako nag-abala pang lumabas, sila Kat lang.
"SSG Office, napilit ko si Enzo kanina sa canteen, pwede naman daw."
Bahagyang pumanis ang ngiti ko. Tinikom ko ang bibig at tumango.
"Sama ka sa'min? Bili ulam mamaya?"
Umiling ako. "Nakapagbaon ako e. Hintayin ko nalang kayo sa bench?
Umiling siya." Sa office nalang, do'n nalang kami didiretso. "
Tumango ako at bumaling sa harap. Nagsimula na ang pagcall-out sa pangalan ng mag group.
Isang linggo na pala simula nong huling nangyari. I haven't seen him that much since then, ang sabi ay nagsimula na ang selection for sports participants noong Thursday at may practice na sa covered court every after class. Pagkatapos ng panghapong klase ay dumidiretso doon ang mga babae kong kaklase na bukambibig ang pangalan niya. Kahit sila Kat ay pumupunta doon but I always find a reason to go home.
"Very Good! Such a great presentation and accurate explanation. Good job sa inyong tatlo." puri ni sir Jongco sa project namin.
"Thank you, Sir!"
Ngumiti ako at nagpasalamat na rin. That night we proceeded to Spencer's house. Hindi pa kami handa noon at nag connect pa sa wifi nila for research para sa kung anong ipe-present ngayon. Mabuti nalang at tinulungan din kami nila Spencer para gawin itong miniature at ganoon din kami sa kanila.
Enzo even helped us sa explanation at kung paano madeliver iyon ng maganda. It was a collaborative night. I stayed later than usual. I was suppose to leave before seven but 30 minutes later I was still there.
"Congrats, Ad! Ang ganda ng presentation." It was Paul when I'm fixing my bag to get ready for lunch.
Ngumiti ako sa kanya. "Maganda rin iyong sa inyo."
"Oy, Paul! Ano 'yan?"
"Tama na 'yan, Paul!"
Bumaling ako sa mga lalaking nakaabang sa hamba ng pintuan ng classroom. Nakadungaw ang mga ito at mukhang hinihintay si Paul. Umalis na si Kat at Cas para bumili ng ulam at papunta palang ako sa office para antayin sila.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...