Useless
_________________________________
"Villanueva, lead our warm-up."
Umugong ang tawanan sa paligid. PE class ngayon at hindi katulad kahapon ay tirik ang araw. Kanina pa dinidiin ni Cazey ang isa naming kaklase para mag warm-up kaya busangot ang mukha niya ng siya ang mapili.
"Everyone, siguraduhin na nakapagwarm-up kayo para hindi mabigla 'yang mga katawan niyo."
Hawak ni Sir Vir ang stick habang iniikot ang linya para tingnan kung sino ang mga sumasali at hindi.
"Aray!"
Nasa overhead shoulder stretch nang biglang may matumba sa likod na sinundan ng mga hagikhik. Napailing ako sa kakulitan ng mga kaklase na kaagad istriktong tinuro ni sir.
"Isang pasaway pa sa grupo niyo Luz at Vemendez, buong araw ko kayong ibibilad dito sa school ground."
"Sir, tinulak ako ng mga 'to, Sir."
Kaagad naman silang nagturuan.
"Ayusin niyo nga diyan! Kayo ipawarm-up ko dito." sigaw ni Cas.
Katrina chuckled beside me, bumaling ako sa kanya na sinalubong niya ng tango. We're doing side lunge at naka-extend ang kanang paa ko sa banda niya.
"Kumusta kahapon?" aniya.
"Ayos lang, ang lakas ng ulan." sabi ko.
Tumango siya.
"Lakas ng buhos, basang-basa ako kahit naka-kapote."
Sobrang lakas talaga ng ulan kahapon. Mabuti nalang at nagpadiretso na ako sa labas ng gate at hindi na hinintay si mommy dahil baka nilamig lang ako.
"Anong oras ka umuwi? Pasensya na hindi na kita na samahan kailangan ko rin talaga umalis kahapon." aniya.
I shook my hand to her. "Ayos lang at maayos naman akong umuwi. At saka..."
Hindi ko pa nasasabi sa kanila na nakasama ko si Ren pauwi kahapon. Pero sinabi na naman ni Cas kahapon kaya siguro alam na niya. And... It's not a big deal.
"Nakasabay ko rin si Javier kahapon." I said, now avoiding the mention of his name.
Hindi ko alam, pero simula kahapon hindi ko na ulit makuhang sabihin pa iyon. I can feel it my heart—the nervousness.
"Oh? Si Ren?" aniya.
Tumango ako. "Cleaners din daw siya at nagkasalubong kami pababa." I said.
Kumunot ang noo niya.
"Alright, makinig na ang lahat. Thank you, Villanueva sa pag lead ng ating warm-up."
Naputol ang usapan namin ni Kat nang matapos ang warm-up. Puno ng pawis ang noo ni Cas nang bumalik.
"Based on what I said last session, we're doing this activity by pair."
Ngayong hapon na pala ang performance task namin sa PE. Sinabihan ko sila Cas tungkol doon sa isa naming kaklase at hindi naman na sila kumontra at silang dalawa nalang daw ang pares.
" Instructions were discussed last meeting so I assume na alam niyo na ang gagawin niyo. Draw lots nalang tayo sa kung sino ang unang mag perform."
Magpe-perform kami ng mga exercise simula sa warm-up at cooldown sa loob ng 5 minutes. We previously had it by group and instead of a quiz we just agreed to have this exercise by pair.
"Write your name and pass it here in front."
Luminga-linga ako para hanapin si Paul sa paligid. Siya nga pala iyong nag-aya sa akin kahapon at akapag-usap na kami sa gagawin ngayon. Nakapag-perform nanaman last week at minor changes nalang ang ginawa namin. Nang makita ako ay tumakbo siya palapit.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...