Perya
___________________________________
"Ta-da!"
Tumambad sa harapan ko ang ice cream bar habang nakaupo sa bench ng English Park. Recess ngayon at katulad ng dati ay nakaupo lang kami at tanaw ang malawak na school ground.
Lumingon ako kay Cazey na hindi katulad noong lunes ay palangiti ngayong araw.
Nakabukas na ang ice cream at nakangiti itong nag-abot ng para sa akin.
"May ice cream na pala ulit?" tanong ko sabay tanggap no'n. "Thank you."
"Pina-reserve na namin 'yan kanina nang magkasalubong kami nina Manang Jane sa gate pagkapasok ko. Sinabihan nitong si Cali." tukoy niya kay Kat na may ice cream na kagat at tatlo pa ang nandoon sa bitbit na plastik.
Minsan kasi wala ng ice cream doon dahil nabibili na rin ng iba at late nakami kaya paminsan minsan nalang din nakakatikim.
" Cheese ang paborito mo?" Cas asked.
Tumango ako. "Yes! Gustong gusto ko ang cheese flavored." I enthusiastically exclaimed. Nagulat naman siya sa biglang sabi ko.
Tumawa ako. "Ikaw?"
"Kahit ano lang sa'kin. Si Cali gusto niyan pinipig." turo niya kay Kat na nilalantakan iyong dala.
I inwardly smiled. Gusto ni Kat ng ice cream, favorite niya 'yon.
"Ito lang ang babaeng side ni Cali." tukoy niya sa ice cream na paborito nito.
"Oa." maikling sabi ni Kat.
"Kaya nga tinatawag kitang Cali kasi para girly pakinggan!" singhal niya dito.
Cali is a short nickname for Kat's full name—Katrina Ali. Ang sabi ni Cas ay gusto niya iyon dahil siya lang tumatawag noon kay Kat.
"Pinayagan lang kita kasi naawa ako noon sa manika mong nawala."
Humagalpak ng tawa si Cas na sinabayan ko na rin. I know about that story! Cazey used to own a doll named Cala. Nawala iyon kaya noong naging magkaibigan sila ay Cali ang tinawag niya kay Kat bilang nickname sa pangalan nito.
"Tuwang-tuwa ka pa e binibraid mo 'yong buhok ko noon."
"Hindi naman halatang denidesisyonan ko na ang buhay mo simula pa noon, ano?" sundot niya kay Kat.
Ngumiti ako.
"Siya nga pala, may pa rentahan ng bisekleta sa bayan mamaya. Bukas na ang perya kaya siguradong madaming tao."
"Bakit? Anong okasyon, Cas?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin. "Fiesta sa bayan, halos isang linggo rin kaya parte ng opening ang perya at iba pang mga pakulo."
"Talaga? Nakapunta na kayo?"
Halos mag a-anim na buwan palang ako dito at simula noong dumating ako last summer ay nasa bahay lang naman ako at walang kasama para libotin ang buong bayan.
Tumango si Kat.
"Alam mo ba?" lumapit sa akin sa Cas na may pilyong ngiti sa labi.
"One time, umeskapo si Cali dahil diyan sa perya sa bayan."
"Cas!" hatak ni Kat pabalik kay Cazey.
Tumakbo naman si Cas sa likod ko. I laughed at the two.
"What’s this? Nag-eskapo ka, Kat?" dagdag na tukso ko pa.
Lumapit siya at tinakpan ang bibig ko.
"Halos maging sikat na siya doon dahil sa isang linggong on-going ang pyesta ay regular na siya sa perya."
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...