Puppy
___________________________________"Oh, nandito na pala sila e."
It was Cas that announced our presence. Sabay-sabay silang bumaling sa amin na lumalakad palapit.
"Oy! Dito-dito." paypay samin ni Kat pagkatapos sumubo ng kwek-kwek.
Ngumiti ako at mahinang tumakbo palapit sa kanila, iniwan ang katahimikan na kanina pa namayani sa pagitan naming dalawa.
"Ad!" sinalubong ako ni Cas at ng hawak na kwek-kwek. "Gusto mo?"
"Mamaya nalang siguro, Cas."
"Enzo." sumulyap ako sa banda ni Enzo.
I saw him fist-bump before tapping Ren's shoulder.
"Asan si Spence? Akala ko nagpa-meeting si coach?" si Enzo.
Ren dropped his bag on the bench, meeting my gaze when he raised his head. Tahimik akong nag-iwas ng tingin para ibaling iyon sa maingay na paligid. Noon ko palang nakitang wala si Spencer doon.
Puno ng tao at food stalls, kita na rin ang malaking ferris wheel at iba pang rides sa paligid. It was an almost 30 minutes drive to reach here.
"Nasabi niya kanina sa canteen, may event 'ata na gaganapin."
"Oo nga, akala ko magkasama kayo ni Spence?"
Meeting? May meeting pa sila? Akala ko last na iyong sa kanila ni Paul kanina. Come to think of it, it doesn't look like the practice was ending earlier.
" Nauna na'ko, doon naman si Spencer." he said it dismissively.
Wait, he didn't, did he?
Tumingin ako sa kanya, iniwas niya kaagad ang tingin bago paman magtagal iyon.
"Nakalibot na kayo?"
"Nag-rent kami ng bike, pwedeng iyon muna ang gawin natin." si Enzo.
"Si itlog di na natin antayin?" tanong ni Cassy.
"Palubog na ang araw, sa susunod na pyesta nalang 'yon." sabi ni Kat.
"Palagi namang nandito yon, tara na." ani Enzo.
Tumayo na sila para aalis.
"Iyong mga bag natin?" tanong ko.
Lumingon din sila sa mga gamit na bitbit.
"Ayos lang naman sa' kin, wala namang kanakaw-nakaw dito."
"Mabigat 'ata kung mag-bike tayo."
Ilang minuto pa kami nagtalo kung papaano iyong mga gamit. Nag-volunteer si Enzo na magpaiwan na lang para magbantay ng mga bags.
"Huwag na, dalhin na lang natin para mag-enjoy ka naman, Pres." sabi ko sa kanya.
Bumaling ako sa bench para kunin ang mga gamit at ibigay sa kanila isa-isa 'yon kung hindi lang sa mga kamay na umabot noon mula sa akin.
"Ako na."
Ren stood in front of me. Ang kaninang nakapasok sa bulsa niyang mga kamay ay inabot ang mga gamit na kanina lang ay hawak ko.
"Mauna na muna kayo, hanap ako nang mapag-iiwanan nito." luminga-linga siya sa paligid.
"Ayos! Pano? Sunod ka nalang?" si Kat.
Tumango siya at sinukbit ang iilang gamit sa balikat niya. Naka-uniporme pa kami at ganoon din siya, pero hindi tulad samin, magaan ang itim na shoulder bag sa mga braso niya.
"Mauna na kami kung ganon, sunod ka nalang Ren ha. Ad! Tara na."
Napakurap ako nang tumuon ang tingin niya sa akin.
YOU ARE READING
Love, Alice
Teen FictionAdelei Jannalice Geraldez left her hopeful wishes in the vault of her once-blooming childhood. When the reality of her ideal happiness shattered before her eyes, her world turned upside down. After her father was scammed, they decided to move back t...