(Not Edited)
Napabuntong-hininga ako nang magkahiwalay na kami ng landas ni ma'am nang marating namin ang school. It's a sigh of relief dahil hindi na kami prone sa PDA. Ayaw kong dagsain kami ng tinginang judgemental ng mga estudyanteng makakakita sa amin na magkaholding hands.
Sinubukan ko namang ipaliwanag sa kanya na 'wag muna ipangalandakan sa lahat ang relasyon namin. But she's too hard-headed. She just doesn't give a single fuck.
Sa kabilang banda, hindi ko rin naman maikakaila na kinikilig ako sa ginagawa nya. Sino ba ang aayaw na ipagmalaki bilang isang girlfriend, diba?
Nahihirapan lang ako sa ngayon. Parang hindi pa ako ready sa mga bashing na matatanggap ko kung sakali. At saka, wala pa naman akong maipagmamalaki. Sobrang layo ng estado ko sa buhay kumpara sa mga lalaking na-link na kay ma'am.
Yes, sobrang big deal nito sakin. Call me 'mapride' na tao pero paniguradong maraming makakarelate sa akin kung bakit ako ganito. I want her to be proud of me, not just because she chose me as her partner but also because I am a person who complements her in every way.
Honestly, kita ko naman ang pagbabago sa sarili ko. Isa akong carefree na tao na malayang nasasabi o nagagawa ang kahit na anong bagay nang hindi nagwoworry sa anomang sasabihin ng ibang tao. Ngunit iba na ngayon.
I detest how she inadvertently contributes to my feelings of insecurity. Hindi nya kasalanan na magkaiba kami ng estado sa buhay. And it's very frustrating cause I cannot do anything about this right now.
Mas natatakot ako na majudge si ma'am. Nagwoworry ako na baka magbacklash sa kanya ang pakikipagrelasyon sa akin at sa huli ay marealize nya na isang malaking pagkakamali ang desisyong ito.
Mayroon ba talagang nagwowork na relasyon na katulad ng sa amin?
Kumikirot ang dibdib ko sa isiping iyon.
"You're such an irresponsible owner!" isang batok sa ulo ang natanggap ko mula kung kanino.
"Aray!" napakamot ako sa tinamaang bahagi at umikot upang makita ang may salarin. "Frankie?" patuloy ang paghimas ko sa ulo.
"Where did you go last night, huh? You left Xavier! He's very anxious!" pagalit nitong bulyaw sa akin.
"Hala teka, nasa'n na si Xavier?" nag-aalala kong tanong.
"Why would I tell you? You did not even bother to contact me and ask about his well-being!"
I was teary-eyed. "Sorry naaa!!!!!" nagpeke ako ng iyak. But I am really hopeless. "Hindi na mauulit promise close my heart hope to di—"
"Shut up, you dimwit!" Nag puppy eyes ako sa harap ni Frankie para mawala ang init ng ulo nya, ngunit mukhang mas lumala ang inis nito sa akin. "Don't you freakin use that look on me."
"Frankiiieee!!!" habol ko rito nang mabilis itong naglakad patungo sa classroom.
Nang marating namin ang classroom ay nagkakagulo ang lahat.
"Anong meron?" tanong ko kay Frankie.
"It's Miss Salvacion's birthday today, you don't know?" tanong nya pabalik nang nakataas ang kilay.
"Oh, oo nasabi nya kaga—" nahinto ako dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Yawa.
"Why are you blushing?"
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
