(Not Edited)
"Baby?"
Muntik nang malaglag ang hawak kong kutsara nang marinig ko ang boses ng asaw— este ni Cornelia.
Giatay.
Phew!
Girlfriend ko pa nga lang pala 'to.
Pa'no ba namang hindi ko iisipin 'yon? Eh binahay na nya ako!
Oo, kinuha na nya ang mga personal kong gamit at dinala dito sa bahay nya. Binayaran nya pa si lola na may-ari ng inuupahan kong apartment ng sobra sobra sa hindi ko malamang dahilan kung bakit, eh nagbabayad naman ako sa tamang oras. Jusko.
Sabi nya, lagi nya daw akong iniisip kapag magkalayo kami at hindi raw sya makafocus sa trabaho matapos nya akong ihatid sa apartment ko kaya ito na raw ang best solution that she can come up with. Ang mag live-in.
Grabe.
"What are you doing at this hour, hm?" pinulupot nito ang kanyang mga kamay sa baywang ko mula sa likod saka hinalikan ang gilid ng leeg ko.
See? That's what I'm talking about! Parang mag-asawa na kami, diba? Eh two weeks palang kaming nagsasama sa isang bahay. After naming mag one week mula ng maging official kaming dalawa, ayun naisipan nyang ibahay na ako. Lakas ng tama nito.
"Iinom lang sana ako ng malamig na tubig kaso nakita ko yung ice cream sa fridge mo kaya napakain ako ng di oras, nagcrave kase ako bigla eh," sagot ko matapos kong dilaan ang tirang ice cream sa kutsara na hawak ko.
Hindi ko na pinansin ang ginagawa nyang pagpapapak sa leeg at balikat ko dahil totoong nagc-crave talaga ako sa ice cream nya habang nasa tapat kami ng bukas na fridge. I mean, yung ice cream na ginawa nya. Home-made, as usual. Allergic 'to sa mga binibili lang na pagkain eh na processed na.
But I'm not complaining okay? This is waayy waayy better than the ice creams you can buy in the groceries or even the ones from high class ice cream shops. And I'm not even referring to just the 'ice creams'. Kahit anong pagkain ang ginagawa nya, parang may magic. Pwede na siguro akong maging tiga-kain lang imbes na maging chef dahil sa kanya.
"Ikaw? Bakit nagising ka?" I asked while still munching on the strawberry-flavored ice cream. "It's just 2:45 am, sobrang aga pa."
"I felt you removed my hand from hugging you while sleeping. I waited until you came back. I thought you were just gonna pee. But it's been almost 10 minutes. Then I heard faint noises here in the kitchen. I got curious, so here I am."
"Eh? Ang oa naman no'n," umikot ako para humarap sa kanya. Tapos itinapat ko ang isang kutsarang ice cream sa tapat ng bibig nya para subuan sana kaso umiling ito.
YOU ARE READING
Burn For Me
Ficção GeralAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
