Mini crush
That night, i slept like I baby. Perfect ang score ko sa Laboratory Class nung umaga. Nagtataka nga ang mga kaibigan ko dahil tuwing may Lab, busangot ako palagi.
"May bago ka bang lalaki?" Tanong ni Con habang kumakain kami ng celebratory korean samgyupsal lunch.
"Wala!" Sagot ko na pinagsisisihan ko rin dahil tunog nagsisinungaling.
"Eh bakit ang saya mo? Alangan naman tungkol sa score mo sa lab ang rason? Eh lagi ka namang mataas" Dagdag ni Elene. Nangunot naman ang mga noo nila.
Snow looked at me with curiousity in her eyes. Nakapangalumbaba naman si Asher at Dani sa akin. "Umamin ka na habang hinihintay natin maluto ang baboy" Seryoso pa si Elene na itinutok sa akin ang thong na hawak niya.
"Wala nga!" I denied for the second time.
"Seryoso na siguro kayo kaya ayaw mo na mag-share" Nagtatampong reklamo ni Dani saka umukyabit kay Reese. Her Boyfriend.
Akala mo hindi nila itinago yung mga boyfriend nila?
"Con, may alam ka siguro" Snow pointed at Connie with her chop sticks.
Con rolled her eyes. "Wala nga akong alam, kaya nga ako nagtatanong"
Friend kong laging galit sumagot.
Mabuti nalang at dumating ang panibagong batch ng pork kaya nawala na sa akin ang usapan. Inilabas ko na lang ang cellphone ko at nag-chat kay Sev.
Alder Jeo Ogawa:
I got a perfect score on my Lab because you forgave me, thank you Sev!That was the message i sent on his messenger.
Pag kasi text, hindi siya nag-rereply.
Severiano Maldova:
I said thank you, not apology accepted.Napanganga ako sa message niya. Nonchalant na ba ang peg niya?
Alder Jeo Ogawa:
I'm sorry. I thought you forgave me.Again, no reply.
Kaya nagpasya na akong pumunta sa Cafe niya. Nagpahatid pa ako kina Asher para lang makarating agad. Wala naman na silang karagdagang tanong pero nakangisi silang umalis.
Akala mo titiglan kita? Kailangan patawarin mo ako.
Pumasok ako. Si Mike lang ang nasa counter. "Hi Mike, si Sev?"
Nagulat pa siya sa akin. "Nasa office niya, tawagin ko lang saglit"
"Puntahan ko nalang siya. Baka busy ka" Inunahan ko na siya papunta sa maliit na hallway sa may gilid ng cafe.
There's a door that says employees only.
I knocked. "Bukas 'yan" Rinig ko sa boses ni Sev.
Binuksan ko ang pinto. Bumungad agad ang mala bodegang ayos ng mga folder. May maliit na bintana at window type na aircon. Nakaupo siya sa isang gaming chair habang nakaharap sa desktop niya.
He's wearing his school uniform. Powder blue polo and black slacks. Some of the buttons are undone, revealing a bit of his chest hair.
It smells like coffee in here.
Bumaling ako sa kanya at bakas ang gulat sa mukha niya.
"Alder Jeo, What are you doing here?" Malamig ang ekspresyon niyang tanong.
Grabe. Nonchalant na nga talaga.
"Humihingi ng tawad" Sabi ko bago umupo sa isang monoblock sa harapan niya. "Sorry"
Nakita ko na may multo ng ngiti na pilit niyang tinago.
I smiled when i noticed it!
Ang gwapo niya pala magtampo. Nung unang kita ko sa kanya, napaka mature tignan dahil may sariling negosyo at hands-on pa. But seeing this side of him... Ang cute!
I like tending to him, As if he's like my boyfriend who's mad at me...
Inis na inis pa ako nung ayaw niya akong patawarin pero parang ang saya pala niya suyuin? Parang ang laki niyang bata... Pero hindi niya pwede malaman itong mga iniisip ko dahil baka magtampo na naman.
I opened my wallet, naroon ang ID niya. Luma na ata yung ID dahil mahaba pa ang buhok niya. Ngayon kasi ay buzz cut na ang gupit niya.
"Yung ID mo, hindi mo na nakuha dahil nagmamadali kang umalis" I paused when i realized i was about to say the reason why he left.
He took the ID.
Nilamon na kami ng katahimikan, tanging aircon lang ang rinig.
"Akala ko ba manghihingi ka ng kapatawaran ko? Bakit ang tahimik mo ngayon?" His lips curved suppressing his smirk.
Napaiwas ako ng tingin. Syempre nahiya na naman dahil naalala ang pagkakamali.
"I'm sorry, okay... I should've taken your warning seriously" Sa magkasalikop kong kamay ako nakatingin.
Fuck, I swore men off of my life but why am I here asking forgiveness from one?
Hipokrito ata talaga ako.
Hindi! Ako ang may kasalanan. Kaya normal lang ito. Walang factor ang pagkakaroon ko ng mini crush sa kanya.
"My Dad is the only one who calls me Dylan" He smiled at me but it looked forced.
His usual smile is with his teeth showing.
"We're not in good terms. It's been two years and I still don't talk to him..." Nagsimulang manginig ang boses niya kaya napahinto.
"You don't have to force yourself to explain, Okay?" I smiled.
He nodded. Umiwas ng tingin sa akin bago tumingin ulit sa desktop niya.
"Sorry dahil pinag alala kita."
Umiling ako. "You were mad, it's okay"
"Hindi! Basang-basa sa ulan yung phone ko. Nung binasa ko yung message mo, ayaw mapindot ng phone ko." He explained...
Mike called out Sev's name. Naputol tuloy ang usapan namin dahil lumabas na si Sev kasama siya.
Tumayo na ako. Sumunod na lumabas.
The place is packed! Kanina naman ay halos walang tao. Pagkalabas ko, nakita kong nakasuot na ng apron si Sev.
I waved goodbye and pointed at the door to let him know I'm leaving. He quickly glanced at me and started receiving orders from customers with his gentle smile.
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...