8

7 0 0
                                    

Happy Birthday

The following day, My only class for today is Sociology. 9am-11am. 8am palang ay narito na kaming magkakaibigan. Na-refresh ko na ang mga pwedeng i-recite mamaya.

Naghihintay nalang kami sa professor.

"Ka-cute nung post ni Ian na kasama ka" Elene said.

Napabangon ako mula sa pagkakadukdok sa arm chair. Nakaharap na sa mukha ko ang phone niya.

Natawa rin ako sa post ni Ian.

Happy Birthday Julian! I met my new besty because of you!

Then our picture with us covering our middle finger, lips are pouted, eyes are not looking at the camera.

Lianmaldovie: Wala naman ako sa pic!
Urdadkio: You look like a wet rat
RMaldova: what's AJ's body lotion? He's so puti!

Iyan ang mga comments.

"Pinagpalit mo na pala ako, ang dami mo agad friends. Tignan niyo yung timeline niya puro tagged posts." Nagtatampo ang boses ni Connie saka pinakita ang profile ko sa mga kaibigan namin.

Nahuli ko naman si Snow na namumula ang tenga nung tinignan ang ibang posts sa timeline ko.

Alam ko namang kay Kale siya nakatingin.

Kale and his washboard abs.

I laughed when i saw her zooming in on his abs.

Alam ko naman na nagkakausap na sila, sekreto palang sa mga kaibigan namin. Hindi ko rin tinanong si Kale tungkol kay Snow dahil gusto kong hayaan sila na magkakilalanlan na sila lang dalawa.

Nalaman ko lang dahil aksidente kong nakita sa phone ni Kale na kausap niya si Snow.

Masaya na sana ako ngayon dahil sa mga nangyari sa masayang birthday party ni Julian pero naaalala ko na naman ang sinabi ni Severiano.

May kaunting guilt akong naramdaman nung tinawag ko siyang Dylan. Dapat nga Dylan Severiano pa dahil Alder Jeo ang tawag niya sa akin pero alam ko sa sarili ko that time na lumagpas na rin ako.

Lumagpas din siya. Dahil tinawag niya akong malandi!

If i was still that atenean senior high school Alder, I'll definitely flirt with Ian just to spite Severiano.

Crush ko pa naman siya! Oo, crush ko siya. Kaya rin siguro hinayaan ko na rin mawala si Oliver dahil kay Severiano ko na-realize na may ibang lalaki pa sa mundo na hindi ako iiwan sa cafe para sa org.

Nadoble ang inis ko nung maalala rin yon.

"Mr. Ogawa. Recite the... "

Lahat ng inis ko ay naibuhos ko naman kagabi sa pag-aaral kaya nakasagot ako nang maayos. Maski yung ibang details ay nirecite ko rin.

Easy 100.

Pero kahit na! Ayoko namang maging motivation lagi ang inis o galit sa pag aaral. Pag nasanay ako, baka hindi na ako mag-function nang maayos sa pag aaral pag masaya ako.

Isang linggong puro lab classes at recitation. Sumunod na linggo naman ay puro long quiz para raw maihanda kami sa paparating na final exams. Tanging motivation ko nalang na matapos ang semester na 'to ay ang Baler Trip naming magkakaibigan pagkayari ng lahat ng problema...

Problema talaga? Eh ginusto ko naman ito.

Nag-message si Ian sa akin before finals week.

Nag aayang uminom sa isang club. Dito lang din sa city. Pumayag ako dahil wala naman akong dapat Ikatakot kahit alam kong andon ang 'partner' niya pati na rin si Severiano na dalawang linggo ko ng hindi nakakahalubilo. Nagkikita lang naman kami pag nagpupunta ako sa cafe niya dahil dito sa school imposible. Sa kabilang ibayo ang business at accountancy kaya safe.

The Correct Way To Drink An AffogatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon