Girls
The universe has a funny way of way of saying 'fuck you'
Because who would've thought that the day i swore off men is the day I met the man who's an exemption to be sworn off my life...
I hope that our relationship will not affect my studies, but i promise that if it did affect my studies... I won't immediately break it of
Nakangiti akong lumapit sa mga kaibigan ko.
"Nandito ka na pala nung isang linggo, bakit hindi ka nag aya sa bagong valur?" Taas ang kilay na tanong ni Elene bago bumeso sa akin.
Natatawa akong yumakap kay Dani, Connie, at Snow. "Marami pa akong inasikaso" Pagdadahilan ko.
Pero ang totoo, si Severiano lang naman ang pinagkaabalahan ko mula nung umuwi ako. Isinama niya ako sa three-day trip nila sa Casiguran, Nag-birthday ang kambal kaya overnight na naman. Tapos nung sabado at linggo, nagpunta lang siya sa apartment.
Sasabihin ko rin naman sa kanila pero in-enjoy ko muna. Ewan, parang ang saya lang na wala akong narinig na opinyon tungkol sa relasyon namin.
Wala namang masama kung sa mga kaibigan ko manggaling pero gusto ko lang solohin pa muna ang kasiyahan ko na hindi ko kailangan ipaliwanag.
"Loko talaga si Doc Sera, nagpa-pop quiz daw sa unang period niya" Panchichismis ni Elene sa amin pagkaupo.
Madali lang naman yung pop quiz niya lalo na kung nagbasa ka kahit introduction lang ng unit.
Severiano:
Baby, Naiwan ko ba sa unit mo yung pulang cap ko?Hindi pa rin ako sanay na ganito ang tawag niya sa akin. Sanay ako sa 'Jeo' o 'Alder Jeo'
Alder Jeo:
Yes, daanan mo nalang bago ka umuwi.Hindi na nag-reply, sanay na ako dahil pag ganitong 10am, busy na sa cafe yan. Third year na rin naman siya kaya umunti na ang subject niya ngayong second semester.
Nagkwentuhan pa kami dahil 10:30 pa ang simula ng klase.
"Nagbasa ka ba?" Tanong ni Dani sa akin nung dumating na si Doc Sera.
"Oo, sayang rin plus points sa exam" Sabi ko.
Yung score kasi sa pop quiz laging dinadagdag sa score ng exam dahil lalabas din naman ron ang inaral na introduction.
Tinanong pa niya lahat ng kaibigan namin. "Ako lang ata hindi nagbasa, pakopya nalang" Natatawa niyang bulong sa akin.
Nakatingin naman agad sa aming dalawa si Doc Sera.
"Okay, Pop Quiz. Ten items, graded as your first quiz" Huh?
Pinasa na ang papel ng nasa harap ko. Fuck... Essay type? Minimum of one hundred words.
Familiar lang ako sa concept kaya kailangan kong ma-expound pero paano ko nga gagawin 'yon ng hindi umiikot lang ang sinasabi ko?
"Tangina talaga, dapat pinili na natin yung alas nuwebe ng gabi ni Doc Asuncion kaysa kay Sera" Inis na bulong ni Dani.
Ipo-post nalang sa group chat ang scores namin. Unang araw palang ng klase pero piniga na ang utak namin.
Iniisip ko nalang na ito talaga ang dahilan ng isang daang pursyento ng passing rate nila.
Nag-lunch lang kami, nagpupuyos sa galit si Elene, sabaw naman kami ni Snow. Si Dani at Connie naman, patuloy na pinagtatalunan yung sagot nila sa isang tanong na sila lang dalawa ang nakasagot.
Napagdesisyunan nalang nila na mag-stay sa apartment ko, isa lang kasi ang subject namin ngayong araw. Kung wala nga lang klase bukas, baka tinuloy na namin ang pag aaya ni Dani na uminom.
We watched a movie, played board games, ordered food, and stalk their high school classmates' facebook account and talked about their lives.
"AJ, may tao sa labas. Ikaw yung hanap, Naka-helmet eh kaya hindi ko kilala" Sabi ni Snow na kasama si Dani. Siya kasi ang lumabas dahil bumili ng wine.
Sumilip ako sa bintana at nakalimutan na dadaanan pala niya ang cap niya!
"Sino ba 'yon?" Tanong ni Dani na sumilip din sa bintana.
Lahat tuloy sila sinilip na yung lalaki na nakatayo sa gate. Nakatalikod na kaya hindi na nila masilip ang mukha. Kahit naman nakaharap, hindi kita dahil mu suot na helmet.
Nilabas ko na.
Lumingon naman siya nung buksan ko ang gate para makapasok siya.
"Hey, I'll just get my cap. I saw you have visitors?" Aniya.
Hinawakan ko ang kamay niya. Paglingon ko sa bintana, mga nagsitago ang mga kaibigan kong chismosa. "Papakilala na kita" Sabi ko tsaka matamis na ngumiti.
"Are you sure? I told you I can wait until you're ready" Malumanay ang boses niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Umiling ako at naglakad na kami papasok sa apartment.
Lahat sila nagpanggap na abala sa salas. Si Connie nagliligpit habang si Elene at Dani naman ay nag papakitaan ng kung ano sa phone nila. Habang si Snow naman kinakalikot ang remote.
"Good afternoon" Pagbati ng nasa likod ko. Pumasok kami, inalis niya ang helmet niya.
Mga nagkunwaring walang narinig pero kitang-kita ko kung paano nagpigil ng ngiti.
"Ah-- Si Severiano..." Uminit ang pisngi ko sa sobrang hiya.
He held my hand tighter. I looked at him and found the courage i need to introduce him to my friends.
"Boyfriend ko"
Nagtatakbo silang lahat at niyakap ako. "I'm so happy for you" Bulong ni Snow habang yakap ako.
Nakipagkamay pa sila kahit kilala na sila ni Severiano. Nanghingi pa sa akin yan ng kopya ng litrato naming lima para kabisaduhin ang itsura at pangalan.
"Severiano but please do call me Sev" Kinamayan siya ni Connie na bumulong pa sa akin na ang gwapo raw.
Syempre proud naman akong ngumiti dahil totoo naman.
"Sinasabi ko na nga ba ikaw yung katabi niya sa mga pictures sa Casiguran! Nakita ko sa post ni Ian" Dinuro pa ako ni Elene.
Nagtawanan kami.
"I made Ian cropped him out because he wants to keep us private that time" He shared while chuckling.
Seeing him interact with my friends makes my heart melt.
"Eh benteng litrato ata 'yon! Nung sa huli ko nga lang napansin dahil kita ko yung pamilyar na shorts tapos binti na nakakasilaw" Kukurutin pa sana ni Elene ang binti ko pero nagtago ako sa likod ni Severiano.
Inirapan naman ako ni Dani pero natawa rin. "Porke may protector ka na"
"Diba ka-close mo si Kale? Ireto mo na si Snow" Si Elene nakaupo sa bean bag malapit kay Severiano.
Kinurot naman siya ni Snow kaya nagtawanan kami.
"Pwede ko naman sabihin kay Julius" Sagot niya na nagdulot na naman ng impit na mga tili.
Nakaupo na kami sa couch. Sinali na nila si Severiano sa hangout namin. Inabutan pa ni Connie ng isang baso ng wine. Samantalang nung nanghingi ako, ako raw ang kumuha ng akin.
"I met him that day when Oliver left him in the cafe." He looked at me and held my hand. "Buti nga iniwan, hindi na kailangan pang agawin"
Nakipag-apir pa si Connie. Si Dani naman tinusok pa ang tagiliran ko.
"Mas gusto kita kaysa kay Oli, iyon kasi kinakausap lang kami pag kukutsabahin kami na tulungan siya kay AJ" Nakangusong kwento ni Snow.
"Totoo, Isang beses lang ata kami nagkausap no'n, tungkol pa sa org" Dagdag ni Dani.
Nakangisi naman itong isa dahil puring-puri siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/329661092-288-k673114.jpg)
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...