Truth
Kinabukasan may kopya na ako ng mga pinadevelop ni Sami. Ako ba naman ang pinagbayad niya sa pagpapa-develop nung nanghingi ako ng kopya.
Wala naman akong reklamo dahil magaling kumuha ng mga litrato si Sami.
Apat lang ang pi-nost ko sa Facebook. Yung picture namin nung unang pagkikita, nung kumakain sa Yabu, umiinom sa condo at yung isa na nakangiti kaming tatlo habang tulog na si Tucker.
Christmas eve when my niece hand me my phone.
"Tito Bunny, someone texted you." Tsaka pinakita ni Ariya ang message ni Severiano.
Wala naman akong itinatago roon kaya pinapahiram ko sa kanya. Naka-mute lang ang group chat namin nina Connie, baka kasi mabasa ni Ariya yung mga mura roon tapos gayahin niya.
Severiano:
Can i call you?"Tito, he's rude. It's Christmas eve, why would he he call you?"
I have the same question, Ariya.
Dahil tapos naman na magbukas ng regalo at kumain, pinayagan ko na siyang tumawag. Kuryoso rin kung ano bang sasabihin niya na kailangan niya pang sabihin sa call.
"Merry Christmas, twelve midnight na rin ba diyan?" Natatawa kong bungad sa kanya pagkasagot ko ng tawag.
I heard him chuckle.
"It's ten minutes early here in Bacolod" Sagot niya na ikinatawa ko lalo.
He cleared his throat. "Merry Christmas" Baritonong boses.
"Thank you" Nakangiti kong sagot.
Lumapit na si Aciel sa akin, nagpapabuhat. Binuhat ko naman dahil mahirap tumanggi.
"Who's that Tito bunny? Is that your ex boyfriend Tucker?" Sabay turo sa phone ko.
"I'm not. Open your camera so she can see me"
Kung makautos naman 'to.
Binuksan ko na, natahimik si Aciel. Uminit ang pisngi ko dahil... Nagpunta lang ng Bacolod gumwapo na?
He's wearing a silver earring, i can see his white button down. I think he's also outside because it's dark behind him but i can see some garden lights.
"Oh my gosh, Can you be my prince charming?" Inagaw na ni Aciel ang phone sa akin.
Nakita ko naman na nakangisi si Severiano.
"I can but can i ask what's your name?" Pagsakay niya sa laro ng bata. Nagpakilala naman si Aciel. Kilig na kilig nung sinabihan pa siyang ang ganda ng pangalan niya.
Tinawagan lang ata ako nito para kausapin ang mga pamangkin ko. Sumali na rin kasi si Ariya.
"So I don't have to share Tito Bunny anymore?" Tanong ni Aciel kay Ariya.
"Yes, you can have him" Narinig ko naman na humagalpak si Severiano.
Tawang-tawa pa siya na pinagpalit ako.
Hanggang ala una ng madaling, silang tatlo ang magkausap. I didn't know that he has this side of him where he loves kids. I heard him laughed before but my nieces made him cackle.
Binalik din naman nila sa akin yung phone ko nung tinawag na sila para matulog.
"Sa Cabanatuan ka ba mag-ce-celebrate ng new year?" Tanong ko.
I took a sip of my beer.
"Yes, I'm welcoming the new year with my cousins" Maingat ang pagkakasabi.
Natahimik kami parehas. Mula nung may nangyari sa club, hindi na namin pinag usapan ang nangyari. Ayos lang naman na pag usapan... Pero alam ko na kailangan sa personal dahil may kutob na ako kung bakit mas pinili niyang maniwala sa akin kaysa sa mga pinsan niya.
I'm just trying to think of other reasons for him to believe me over his cousins but there's only one that sticks with how he acts and treats me these past few days.
"Hindi ba magagalit sa'yo ang mga pinsan mo pag nalaman nilang ako ang kinakampihan mo?" Itp ang isa sa tanong na kating-kati akong itanong sa kanya.
"Hindi sila magagalit dahil alam naman na nila ang totoo" I'm surprised how calm he is right now.
"Totoo?" Naguguluhan kong tanong.
"Kayden told Lolo the truth. The lies, the grabbing of your jaw, and the foul words he called you behind your back." Walang emosyon niyang kinwento na parang kaswal lang na chismis.
"Kailan niya inamin?"
"When you moved to your new apartment"
Ilang araw akong nabahala na baka pati si Severiano idamay nila sa pagiging sinungaling ko pero matagal na pala nilang alam ang totoo? Kaya pala mga naka heart react sila sa mga stories at post ko. Lalo na si Ian, Julian, at Ate Rita.
I thought they were taunting me but it's just genuine heart reacts...
Severiano is the only who believed in me this whole time that I was painted something I'm not.
"Lolo threw him to the states, he won't be able to hurt you anymore" Hearing this finally made me feel safe.
Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko sobrang hyperaware ako sa mga tao na nakapaligid sa akin dahil takot na akong masaktan ulit. Lagi akong handang lumaban sa bawat segundo na nasa labas ako.
Lagi akong handa na tumakbo pag pakiramdam ko may nakasunod sa akin.
This is the shit that no one talks about after experiencing violence. The response of your body to danger is altered from being scared to being fearless. Instead of running away, you dove right in it. Because that fight made you feel weak which makes you feel this "it's my opportunity to win this fight because i didn't win the previous one"
"T-thank you" Nautal pa ako. "Thank you for believing in me" I tried my best to smile despite the mixed emotions I'm feeling.
"Are you crying?" Mukhang nataranta siya dahil pinunasan ko ang luhang tumakas sa mata ko.
Wala rin siguro siyang magawa dahil sa video call lang kami magkausap. Parang tanga naman kung aabutan ako ng tissue virtually...
"Okay lang ako, this is just tears of relief" Totoo naman ang sinabi ko, halatang hindi siya naniwala pero hinayaan nalang.
Ganyan sana.
"I'm here for you, you don't have to bear all of it alone." Bakas ang concern sa mukha niya.
Tumango ako kahit sunod-sunod na akong tinraydor ng luha ko. "Thanks for being a good friend especially after what happened"
He nodded and licked his lips.
"Damn, that one hurt" Bulong niya na hindi ko naman naintindihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/329661092-288-k673114.jpg)
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...