Move
"Thank God" Eksaherado ko pang kinuha ang susi mula sa driver na nagdala rito ng sasakyan ni Kuya Vito.
"Salamat po, Sigurado po ba kayong ayaw niyong mag-meryenda muna bago kayo bumalik sa alabang?" Tanong ko kay Manong Anthony.
"Nagmeryenda po kami malapit dito Sir, sige po mauna na po kami" Sagot ni Manong.
Nag-convoy pa sila rito para madali itong Navarra.
Oh fuck.
This shit is manual!
Bukas na ako maglilipat ng gamit, paano ko naman matutunan gamitin ito ng isang gabi? Nag-text na ako sa lahat ng kaibigan ko. Marunong daw si Asher kaso nasa Kalibo pa, next week pa ang uwi.
Kaya ko nga hiniram para hindi na magbayad pa sa mga maglilipat dahil maunti lang naman ang gamit ko...
I know this isn't ideal but I need to ask him.
Siya naman nagsabi na mag-message ako sa kanya pag may kailangan ako.
Alder Jeo:
Do you know how to drive a stick?Napakagat ako sa labi ko. Sana marunong siya dahil masasapok ako ni Ate Firstel pag nalaman nilang hindi ko naman pala nagamit ang sasakyan.
Severiano:
Yes, why?Alder Jeo:
Mahirap i-explain sa text, can i call?Pagsagot niya ng 'okay' tumawag kaagad ako.
"I have my brother in law's pick up but I don't know how to drive a manual." Sabi ko tsaka tinignan ang puting pick up.
Kawawa naman ito pag naibangga ko.
"You want me to teach you?" Namamaos niyang tanong. Kakagising lang ata.
"Pwede naman kaso bukas na ako maglilipat ng gamit... Pwede mo ba ako ipagmaneho?" Nahihiya kong tanong. "Hindi mo na kailangan tumulong sa pagbubuhat, kaunti lang naman gamit ko" Agap ko.
Kinabukasan naroon na siya, hinatid ni Mike gamit ang motor.
"Ito na yung susi, pakipasok nalang dito para maikarga ko na yung mga gamit ko." Hinagis ko yung susi, nasalo naman niya.
Mukhang inaantok pa dahil alas otso palang ng umaga.
Nasa labas na lahat ng gamit ko dahil nag-inspect yung landlord. Wala naman akong nasira na kahit ano kaya nakuha ko yung deposit ko. May nagtatanong na nga agad kung may bakante.
Maganda kasi yung unit ko, dulo siya at maraming bintana kumpara sa ibang unit na sa isang side lang meron dahil nakapagitna sa dalawang unit.
Iniisip ko palang na wala na akong curfew, nae-excite na tuloy akong gumala hanggang anong oras kasama mga kaibigan ko. Makakapunta na rin sila sa lilipatan ko.
"Huy, huwag ka na sabi magbuhat. Ako nalang" Masyado akong okupado sa pag daydream na nagsimula na magkarga itong driver ko.
"Alam kong kaya mo pero hindi mo naman kailangan gawing mag-isa" Aniya bago ikarga yung mabigat kong malm drawer.
Kinaya niyang buhatin yon mag isa kahit may laman...
"Put the fragile stuff inside the pick up" Tunog saway pa dahil nakitang inilalagay ko sa likod yung lamp ko.
"Okay" Walang kwentang sagot ko.
Mini sofa, Tulip Dining table, Two dining chairs, One malm dresser, Tatlong boxes ng damit, at Clothing rack.
Napagkasya naman lahat. Mabuti nga at may panali yung pick up na ginamit naman ni Severiano para i-secure yung mga pwedeng malaglag o matumba sa biyahe.
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...