24

2 0 0
                                    

Proud

Sunday Morning, We just got home from the mini reunion turned to overnight that me and my friends had. He's watching TV while I'm busy answering some emails on my laptop.

Florian turned the TV off. "Papa, can you buy me an Ipad like Robin's?"

Syempre may kasamang pagpungay ng mata, Parang nagpapabili lang ng chicken nuggets kung makapagpabili ng Ipad.

He went closer to me. I faced him with my serious face. "Give me one reason why I should buy you one"

Kita ko naman na nagseryoso siya kaagad. Nag iisip nang malalim, nakalagay pa hintuturo sa labi niya.

"Sabihin mo sa akin gamit tagalog" Dagdag ko na nagpalukot sa mukha niya. Tignan mo 'to, Anim na taon palang sa Alabang pero hirap na hirap mag tagalog?

"Hi-Hindi ko na mahi----mahihiram ng phone"

This is my fault. Itinira ko ba naman sa mga pinsan niya na walang alam na Tagalog na salita tapos sa school nila Ingles ang lenggwahe.

"I'll buy you an Ipad next Sunday."

Yumakap siya sa akin. "Thank you Papa! I love you!" Saka ako sunod-sunod na hinalikan sa pisngi.

Bakit sa isang linggo pa? Para makapag-research pa ako kung may parental control ba yung gusto niya dahil hindi naman katulad ng Ipad ang phone ko na pwede ko lang siyang bantayan habang ginagamit.

There will be instances that he'll use it while I'm not beside him.

Monday came, I don't have any consults because the private practice had a plumbing problem last night that the whole three-storey building flooded. Of course Dad was the one who told me because he's talking to Tito Dominique every single day.

Hindi rin nawala sa pagtawag niya sa akin na huwag na akong bumalik sa surgery.

If this teaching gig that I applied for works out, I'm leaving the practice.

"Good Afternoon, Parents. I am so happy that we have a full attendance for our very first classroom Parents and Teacher's association meeting." Teacher Ivy.

Katabi ko ang mga kaibigan ko. Snow, Elene, Connie, and Dani. Narito rin si Julian. Nakaupo kami sa maliliit na arm chair. Nasa kabilang classroom naman ang mga bata para hindi makagulo sa meeting.

"The nomination for PTA presiden---"

"I nominate Dani" Connie didn't even let Teacher Ivy finish her sentence...

"Okay, Mrs. Cornejo. Sino pa po ang magnonominate for PTA President?"

Walang sumagot kaya panalo agad si Dani. Nagpatuloy ang nominasyon, lahat kaming magkakaibigan ay mga naging officer pati na rin si Julian.

Elene is the Vice President, Snow is the Secretary, Connie is the Treasurer, Julian is the Auditor, while I'm the Sgt. At arms with Alicia, mother of Florian's classmate.

Naalala ko na ganito kami kagulong magkakaibigan nung undergrad. Masaya at palaging sentro ng atensyon sa classroom dahil isang grupo ba naman kami na parehas malalakas tumawa. Kahit si Snow na dati ay nakatakip pa ang panyo sa bibig pag tumatawa pero ngayon... Nauuna pa siyang humalakhak.

"Julian, Sumama ka na sa amin kumain ng lunch" Pag aya ko kay Julian pagkatapos ng meeting.

Nasa labas na kaming lahat kasama ang mga anak namin.

"Bawal kang tumanggi, tandaan mo na kami ang nagpagaan ng buhay mo sa psych society" Ikinawit ni Connie ang kamay niya sa braso ni Julian.

Nailing nalang si Julian bago tawagan ang driver niya. May isa naman ditong wala sa mood kaya buhat-buhat ko papunta sa parking. Tinanong ko naman siya kung ayos lang siya, tumango lang at tahimik na naupo sa car seat niya.

The Correct Way To Drink An AffogatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon