Congratulations
"Natatakot nga ako!" Sigaw ko habang nakasakay kami sa motorsiklo niya. I pinched his stomach when he went faster.
"Ouch!" Napaigtad naman siya kaya humigpit lalo ang yakap ko nung maramdaman na gumewang ang motor.
We're riding his motorcycle to go to his half brother's law school graduation party.
Baka ito na rin ang huling beses na sumakay ako sa motor na 'to dahil nananakot pa siya. Binibilisan ba naman pag sinasabi kong bagalan? Siraulo rin eh
Nakarating na kami sa resort. Hinintay pa kasi niya akong matapos sa internship ko ngayong araw. Pwede naman na mauna siya dahil ngayon, kami nalang ang hinihintay. Inintindi ko nalang dahil stressed na rin 'to dahil gusto niya na perpekto lahat.
"Why are you always pinching my abs?" Tanong niya pagkaalis niya ng helmet ko.
Ang kapal ng mukha!
"Feeler ka! Wala ka no'n" Umamba ulit akong kurutin pero lumayo siya at itinaas na ang itim na t-shirt niya.
"See? I have six" Tinuro niya isa-isa ang nonexistent niyang six-pack abs. Flat lang ang stomach niya at may kaunting hulma naman ng abs pero hindi ko sasabihin dahil lalaki ang ulo niya.
"Isa lang, magkakasama" Pang aasar ko na ikinatawa niya naman.
And why are we talking about abs when we're so late?
Tinignan ko nang masama ang motor niya. Hindi na ako sasakay diyan, sasabay ako kay Julian pauwi kahit mag away kami ni Severiano.
Pumasok na kami sa resort. Nakasuot pa ako ng puting uniform ko. Buti at nagbaon naman siya ng damit kong pamalit. Galing na kasi siya rito sa Talavera para ihanda yung surprise para sa kapatid niya. Pinagpilitan na sunduin ako sa Cabanatuan kaya late na.
He went all the way to Cabanatuan just to pick me up.
"Napakatagal" Inirapan pa siya ni Ate Rita pagdating namin.
Our cheeks touched. "He's so stubborn, I said I can drive but he insisted to pick me up" I complained to my Ate Rita.
"Nasa'n na raw si Kuya?" Tanong ni Severiano kay Kio. Inabot ko na ang backpack ko sa tabi ni Kio.
"Malapit na raw, na-traffic eh"
Hindi ko na narinig ang ibang usapan dahil nagmadali na akong magbihis.
I have my usual go-to outfit, white drifit shirt, black cargo pants, and crocs. I can finally put my hair on a bun after two years of growing it out.
Narito ang sling bag ni Severiano, lagi siyang may dalang atomizer kaya nag-spray na ako sa sarili ko. Nilagay ko lang ulit sa cottage ang bag ko. Wala ng tao, lahat ata nagpunta na sa lugar kung saan ang surpresa.
I walked while checking myself on my phone's camera.
Pagdating ko sa function hall, naroon na si Kalen. Nakayakap kay Severiano.
My boyfriend casually tapping his brother's back. Humihikbo habang suot ang toga niya. Kanina ang ceremony, umattend naman si Severiano roon pero hindi siya pinapasok dahil isa lang ang dapat ang kasamang guest.
Kumpleto rin ang magpipinsan. Narito rin si Lukas, Red, Kale, Calvin, Haniel, at Mike.
May isa pang lalaki na hindi ko kilala pero nakasalamin at umiiyak sa tabi ni Kuya Jul.
I saw Severiano smiled at me, I smiled back.
"Thank you" He mouthed.
Ideya ko lang ito pero siya ang nag-execute ng lahat.
He put so much effort on planning this surprise. He really wants to make his brother feel special tonight. I cried the night that Severiano told me he has a half brother. His father sent him to law school to prove to everyone that he's not just a bastard. They never get to bond as kids because their grandmother forbade it.
Sa Muñoz din nakatira si Kalen kaya malayo talaga.
Sa ibang pagkakataon, malalaman din ang storya ni Kalen.
Birthday din kasi ni Kalen kaya may surprise.
Nag message si Severiano, Kuya Jul, at Ate Rita. Sila nalang dahil nahihiya ang iba. Si Julian naman iyak nang iyak kaya hindi magawang magsalita. Nakayakap lang siya kay Kalen.
Nagpasalamat naman si Kalen sa lahat. Nagtawanan pa nga lahat dahil ang dami niyang baon na biro.
"Of course, I would like to thank my brother and his uh--- Where's the guy who smittened you?" Biglang tanong niya, lumibot ang paningin niya sa paligid.
Severiano pulled me from the side.
"There he is" Ngumiti siya sa akin. Just like how his brother smiles... The gentle smile that is infectious.
Severiano stood beside me.
"May bumulong sa akin kanina na idea mo raw pala 'to?" Tanong ni Kalen tapos tinapat ang mic sa akin.
"Idea lang pero siya ang nagbayad ng lahat" Sagot ko na humakot ng tawanan.
He smiled weakly and pulled me for a hug.
Lagi nalang akong hinahatak nitong magkapatid na 'to ah?
He whispered "Please don't break his heart" That sounded like a prayer.
"Congratulations!" My sister hugged me followed by Aki, Her son.
Sumunod naman na yumakap sa akin sina Kuya Lasty at Daddy. "Are you applying for a subspecialty?" Tanong ni Daddy na sinundan agad ng pag iling ni Kuya.
"Dad naman, Let me rest" Reklamo ko na mas lalong nakapag pangiwi kay Daddy.
"Where's Ate Mel?" Tanong ko na nasundan naman agad ng buntong-hininga. "Ariya has volleyball" Tsaka sumimangot.
Napilay na si Aciel sa volleyball kaya pinatigil, pumayag naman dahil ayaw naman ituloy hanggang college pero si Ariya... Ayaw tumigil dahil hindi naman daw siya napilay.
Lumapit na rin si Kuya Vito.
"You have a spot in my hospital" Bulong ni Kuya Vito sabay yakap sa akin. Napailing nalang ako dahil ngayon nalang ako nakatulog nang maayos at sapat na oras pero gusto na naman nila akong puyatin.
"Dad, where's my baby?" Tanong ko nung mapansin wala ang baby ko.
"He's with Aciel, they bought snacks" Sagot ni Daddy.
I nodded and took out my phone to kill time.
Then my baby arrived wearing a red polo shirt, light denim jeans, and white sneakers. "Baby!" I called him. He looked around and when he found me, his eyes filled with joy.
Tumakbo siya hanggang sa makalapit sa akin.
Nagpabuhat agad.
"Congrats po" He bombarded my cheeks with his kisses. Wala naman akong reklamo dahil gustong-gusto ko. "Thanks baby" I whispered on his ear that made him giggle.
Yumakap siya sa akin.
"You're welcome, Papa"
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...