Jack Coke
"Happy Birthday Julian!" Inabot ko kaagad ang regalo ko sa kanya. Kulang nalang ay kuminang ang mata niya nung iabot ko ang paper bag.
It's a pink clip board. "For lab classes" Sabi ko.
Isang mahigpit na yakap ang naging pasasalamat niya sa akin.
"Guys! He's the one that sold me his reviewer kaya ako pumasa huhu" Aniya bago ako igiya sa mga pinsan niya.
Pamilyar ang mukha ng iba dahil nakikita ko kadalasan sa mga posts at stories ni Julian.
"Guys, This is AJ." Pakilala niya. "The two guys playing the beer pong that's Kio and Kayden" Busy silang maglaro kaya hindi narinig na pinakilala sila.
"The nonchalants" She paused, Severiano laughed when he heard the word nonchalants. Inulit niya pa.
Baka pa-nonchalant kamo.
"Kuya Julliane but we just call him Jul because our names gets mixed up, Ate Rita is the one wearing a white bandeau top, and Ian wearing that hideous hawaiian board shorts" Kumaway sa akin si Ate Rita, tinaasan lang ako ng kilay ni Jul, at Si Ian naman ay tumayo.
Humakbang siya papalapit sa akin. Nakangiti lang ako pero kinabahan ako sa paglapit niya dahil ang tangkad niya. Seryoso rin ang itsura, walang kahit anong emosyon sa mukha niya.
Idagdag pa ang malaking tattoo na rosas sa kaliwang dibdib niya.
"Ian" May pagbabanta sa boses ni Julian.
He towered over me. Napalunok ako sa kaba. "I'm sorry if my cousins are rude. Nice to meet you" Tsaka siya tumawa.
Pinakaba lang ako!
"Obviously, Severiano is always with Mike" She rolled her eyes before pulling me to the buffet table.
Kumaway ako kina Mike at Severiano na nagkekwentuhan. Kumaway pabalik si Mike "Dito ka tumambay pagkatapos mo kumain" Aniya.
Ngumiti lang si Severiano.
Sinamahan ako ni Julian na kumuha ng pagkain. Nagbidahan lang kami habang nakapila. Nakalabas na nga ang notes app niya dahil pati mga professors na pwede niyang iwasan sa enlistment nakalista na.
I was having so much fun because she's so enthusiastic and i can see how excited she is to go to psychology.
Dalawa't kalahating oras kaming nag uusap kung wala pang mga nagpaalam na bisita niya baka hindi na kami tumigil.
"Tara na, kanina ka pa tapos kumain. Dapat painumin ka na" Natatawang paghatak ni Mike sa akin papunta sa tiki bar kung saan sila nakatambay ni Severiano kanina pa.
Mapula na ang katawan ni Mike dahil sa kalasingan.
White bathing shorts at Gray T-shirt pa naman ang suot niya kaya halatang-halata yung pamumula niya.
"Ikaw lang yata umiinom nung minimix mo" Natatawa kong sabi bago umupo sa isang bar stool.
"Paano ko malalaman na masarap kung hindi ko titikman?" Buhol-buhol na ang dila ni Mike.
Nagtawanan kami.
Nasa tabi ko si Severiano na may hawak na beer.
He's wearing black linen pants, white tank top, and a black balenciaga bucket hat. Compared to Mike, Severiano does not look drunk.
"Nasaan na yung totoong mixologist?" Tanong ko kay Severiano.
"Bumili ng alak" Maikling sagot niya bago namin tawanan si Mike na muntik na maihulog yung baso na may laman ng inumin ko.
"One Jack Coke" Mike served and I happily drank half of the glass.
"Woah, take it easy" Pagpigil ni Severiano sa kamay ko kaya hindi ko naubos. Tinawanan ko lang siya bago inilibot ang paningin ko sa paligid.
Alas otso na rin ng gabi, may mga umuuwi na rin. Nakakalimutan ko na Senior High School palang ang karamihan sa bisita ni Julian.
Julian told me earlier that She's twenty years old already, delayed silang magkambal dahil hindi kaagad nakapasok sa high school si Julian dahil inoperahan siya sa puso.
That's why Julius is so protective over her. Kahit pwede namang mauna si Julius, sinabayan niya pa rin si Julian kahit ba mahuli sila.
Pagdating ng Alas nuebe ng gabi, Si Red at Kale nalang at ako ang natira na hindi Maldova ang apelyido. Nakapalibot na kaming lahat sa isang mahabang table.
"Where's Mike?" Tanong ko kay Severiano. Kami dapat ni Mike ang magkatabi ngayon pero hindi na siya bumalik nung nagsabi na pupunta lang ng CR.
"Huwag mo na 'yon alalahanin, Pinatulog ko na. Naabutan ko kanina sa CR, sumusuka" Sagot ni Ian bago iabot sa akin ang isang shot ng cuervo.
"Una ang bagong salta" Red exclaimed. Everyone cheered for me while Julian rushed to take Mike's seat next to me and started taking a video of me using her phone.
"Let's go Psychological Society" Tili niya.
Nagtawanan ang lahat pero ginaya naman ang sinabi ni Julian.
I took the shot. I was about to reach for the lemon but Ian pulled it away from me.
Napangiwi ako. Ang init! Kung hindi ko pa pigain ang braso ni Ian!
"He's finally one of us" Natatawang pag-abot niya sa akin ng isang baso ng tubig. Kung hindi ko pa diinan ang piga sa kanya!
Agaran kong ininom ang tubig kaya nagtawanan pa sila lalo.
Nakatatlong baso ako ng Jack Coke kanina at nakakaanim na shot na ako ng Jose Cuervo. Ramdam ko na malapit na akong tamaan dahil init na init na ako.
Gusto ko na mag-swimming! Pero mamaya nalang daw pagkatapos.
Hindi ko na nga namalayan na si Ian na pala ang katabi ko. Nasa kabilang ibayo na ng lamesa si Julian. Nasa tabi ko na si Red at Kale na parehas na ring inaasar ako.
"Ian, ang taas naman!" Reklamo ko nung salinan na naman niya ang shot glass para sa akin.
Nagtawanan si Kale at Red.
Dalawang mokong na 'to. Sisiraan ko nga si Kale para hindi na siya crush ni Snow. Nilalasing ako!
"Anong mataas? Hindi pa nga puno 'yan" OA na pagturo ni Ian sa baso na puno na.
"It's pouring out of the glass, it's fucking full" Sabi ko.
"Wow lumalabas na ang pagiging alabang boy" Tukso ni Kale.
Nag-apir si Red at Ian. "Ayoko na, dinadaya niyo na ako! Lalangoy nalang ako" Sabi ko bago tumayo.
Hinatak nila ako paupo. "Saan ka pupunta? Uubusin pa natin 'to" Itinapat pa talaga ni Ian sa bibig ko yung shot glass.
Umiling ako.
"Bakit ba kayo na ang katabi ko? Nasan ang mga original kong katabi?" Lumingon-lingon ako para hanapin si Severiano.
"Si Sev ba?" Si Ian. Tumango ako. "Lumalangoy na kasama mga tropa niya"
Lasing na nga siguro si Ian dahil nagtawanan sila at nag-apirang tatlo kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya.
"Enough with the shots, Mag-swimming na tayo" Pamimilit ko kay Ian sabay tulak ng shot glass na hindi ko na kaya pang iinumin ang laman.
Ilang minuto pa, nagdesisyon na silang maligo lahat sa pool. Diretso pa rin akong maglakad pero ramdam ko na ang kaunting hilo.
I took my shirt off and gently placed it on my chair.
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...