Manual
"Napaka OA naman niyan. Teacher na teacher" Sabi ko nung makita siyang nakasuot pa talaga ng black-rimmed glasses.
He boyishly chuckled. "So you'd take me seriously"
Seseryosohin naman.
Dalawang gabi lang akong natulog sa bagong apartment pero iba na ang kahulugan ng mga sinasabi niya sa akin.
Pagdating sa medyo underdeveloped na parte ng subdivision nila, ako na ang nasa driver's seat. Marunong naman na ako magmaneho ng manual kaso nakalimutan ko na nung nasanay sa automatic.
This is just a refresher course.
With a cute teacher.
Ay nabangga na siya sa kaharutan niya.
"Hey, are you listening?" Pagpitik niya sa harapan ko.
Tumango ako kahit walang narinig. "You'll drive this in an expressway, so it's easy but the hard part is to drive it during traffic."
Buong umaga, naalog na ata ang utak namin kakapreno ko dahil mali ang pagbawas at dagdag pero nung malapit na mag-lunch, kaya ko na imaneho.
May mga mali-mali pa rin pero diretso ko na gamitin.
"Drive us back to your place" Hamon niya.
"Maraming tricycle na nakaparada" Sabi ko nung papasok na kami sa street ng apartment.
Kaliwa't kanan pa ang pagparada.
"Always be ready to step on the break if you're not confident" Paalala niya.
Ang galing, ibinaba ang sandalan ng upuan niya at ginawang unan ang dalawa niyang kamay. Nagawa pa niyang mag-relax? Ngayong mababangga kami?
"I'm tired of teaching, I know you can do it" Aniya saka Inilabas ang phone niya.
Nagawa pang magbukas ng mobile legends?!
Hindi ko na siya pinansin, wala namang dumadaan kaya madali lang 'to sa akin. May dalawang humps na nadaanan, sa una pangit ang pagkakabawas at dagdag pero naayos ko naman nung sa pangalawa na.
"Open the gate" Mayabang kong utos sa kanya.
Malawak ang ngisi niyang bumangon saka nagmadaling lumabas para buksan ang gate. Ako na rin ang nagpasok dahil confident na ako.
"Sabi ko sa'yo para lang siyang katulad ng automatic, may nadagdag lang na gagawin" Aniya.
"Thank you!" Sabi ko tsaka siya binigyan ng side hug.
Ginulo niya ang buhok ko. "You can now drive it yourself. You don't need me as your driver anymore" Natatawa niyang sabi na ikinalungkot ko.
Sinundo na siya ni Mike. Aalis na rin kasi siya papuntang Bacolod bukas para roon magpasko. Dito naman siya sa mga Maldova mag celebrate ng new year.
Ako, parehas sa alabang magce-celebrate.
Pagpasok ko sa kwarto ko. Iba ang naramdaman kong lungkot dahil ilang araw kaming magkasama. Wala pa yatang araw mula nung insidente sa club na mag isa lang ako.
Meron man pero nung dalawang araw kami ng mga kaibigan ko sa Baler o si Mike na magtatagal ng kaunti pag nagpapadeliver ako ng kape sa bahay.
Kahit nagpunta na si Connie at Elene rito, hindi nila alam ang nangyari sa club. Kahit nung nagkaroon kami ng open forum nung Baler trip, hindi ko pa rin kinwento. Ayoko ng ikwento dahil isa rin ako sa may kasalanan kung bakit nagkagulo.
Nag-practice pa ako ng ilang beses bago naging confident na imaneho ang pick up. Huminto ako sa gas station, nag-send ako ng picture kay Severiano.
Severiano:
Congrats
![](https://img.wattpad.com/cover/329661092-288-k673114.jpg)
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...