Expensive gift
I was scrolling randomly on my feed when i saw Julian's Story. Nakapasa pala siya sa entrance exam! May caption pa na "best birthday gift ever!"
Nabilib din ako dahil kaprasong oras lang ang nailaan niya sa pag-aaral para sa entrance exam.
Nagtipa kaagad ako ng congratulatory at birthday greeting ko sa kanya. May kakambal nga pala siya na pogi kaya in-add ko sa Facebook kaya ngayon ay friends na kami. Si Julius naman ay nakapasa sa business management.
Alder Jeo Ogawa:
Congrats and Happy Birthday! See you at psych society!Nagtipa rin ako ng greeting para kay Julius.
Alder Jeo Ogawa:
Happy Birthday!Naunang mag-seen si Julius, GIF lang na like sign ang reply samantalang si Julian naman ay typing pa rin.
Julian Maldova:
Huhu thank you so muchy! Anong see you sa psych society?! Ngayon na tayo magkita! I have a pool party here at my village at 6pm, invite your psych friends ha?? Para ma-prep niyo na ako sa psych!Sumunod na chat ay address pati na rin ang theme ng party.
Napakabilis naman niya mag arrange ng party? Mamaya na agad...
Finorward ko kaagad sa GC naming magkakaibigan ang chat ni Julian sa akin. Dani and Elene is in Rizal while Snow is not allowed to go out at night... Si Connie naman ay ayaw raw niya uminom.
Nagpunta nalang ako sa mall para mapag isipan kung pupunta pa ba ako at para maghanap ng isusuot dahil nasa Alabang lahat ng swim shorts ko na bagay sa theme. Black lang ang meron ako, Pastel ang theme.
Julian Maldova:
Kuya Jul will pick you up!Alder Jeo Maldova:
Huwag na, Mag-Grab nalang ako, malapit langJulian Maldova:
He's going to pick up his friends near your place. On the way ka naman so please let him pick you up?I just replied 'okay' in defeat.
Ngayon ay wala na akong choice kundi pumunta dahil nakakahiya naman sa kapatid niya na susunduin pa ako...
"Debit card" Sabi ko at inabot na ang card ko.
I bought a light blue and white striped bathing shorts and a plain oversized white t-shirt. Baka isuot ko nalang din ang birkenstocks ko mamaya dahil mukhang bagay naman.
I also got a haircut.
Nakauwi na ako sa apartment. May sinesermonan na naman yung Landlord dahil nagpapasok yung isang tenant sa unit niya na walang sinusurrender na ID.
Buo na talaga ang loob ko na lumipat ngayong christmas break. I might move to a condo unit because my car needs parking! Pero sa February ko pa yon makukuha sa casa huhu
Nilapag ko lang sa lamesa ang napamili ko ay nag-message na kaagad sa akin si Julius.
Julius Maldova:
6:10, I'll be waiting outside.Alder Jeo Ogawa:
Sige Jul! Thank you!Again, Like sign na naman.
4:30 na ako nakauwi kaya nagmadali na akong maligo. Sinabihan pa akong parang tanga ni Connie dahil bakit ako naligo kung ang pupuntahan ko naman ay pool party... Kailangan ko maging presentable!
Nung isinukat ko na ang t-shirt na nabili... Agaran kong hinubad, Connie said that my oversized shirt will devour me if it's wet. Naghanap pa ako ng ibang white t-shirt. Fitted na ito kaya mas bagay na sa akin. Semi Cropped din kaya nakalitaw ng kaunti ang tiyan ko.
6:02 pm nung bumaba ako. May dalang white tote bag, white baseball cap, at regalo ko. Kaya ako natagalan sa mall dahil nahirapan akong bilhan ng regalo si Julius!
Pagkalabas ko, nakaparada na ang puting Land Cruiser. Binuksan ko na ang pinto ng magarbong sasakyan. I am sitting on the front. "Happy Birthday" Pagbati ko.
He nodded and maneuvered the car. Nahiya tuloy akong iabot ang regalo ko dahil sa mabilis niyang pagmamaneho.
The entire drive was so silent!
Mabuti nalang at huminto na ang sasakyan sa isang mala palasyong bahay. Habang nakahinto, kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para ibigay sa kanya ang regalo niya.
Ngumiti ako at inabot ang maliit na kahon.
"You didn't have to" Aniya.
"We're not that close but i tried looking for the perfect gift" He made me shut up by putting his index finger on my lips.
Why was that kinda hot?
He opened the box. Ibinaba niya ang kahon sa cupboard. "Are you courting my sister?" Biglang tanong niya.
Nakakunot pa ang noo. Seryoso ba siya?
May kumakatok na sa pinto pero hindi niya pinagbuksan, inilock niya pa ang pinto.
"Hindi! Bakit ko naman liligawan si Julian? Atsaka hindi ba pag nanliligaw, yung mismong nililigawan ang bibigyan ng regalo? Hindi ikaw na kapatid" Ang assuming naman nito.
Nanliit ang mata niya. "Her suitors usually give expensive gifts to me as well"
Natawa ako. "Pati ikaw nililigawan?" Mas lalo akong natawa dahil tumango siya.
Dumiin ang tingin niya sa pen na bigay ko.
"Fountain pens are usually gifts that i received from her suitors" Nag reminisce pa, baka baliin yung pen! Mahal yan!
"Plus, you're new in my sister's circle. Who knows that you're making a move at her secretly" Julius unlocked the door.
Nagrereklamong pumasok ang dalawa niyang kaibigan. "Dude! Kanina pa kami kumakatok, alam naman namin na ito ang kotse mo pero bakit ang tagal?" He's friends with Kale?!
"Soundproof na rin ba itong LC?" Tanong nung isa na hindi ko kilala.
"I'm not courting your sister because I'm gay." Sabi ko bago lumingon sa mga nasa likod.
"Hi, I'm Alder Jeo but please call me AJ" Sabay kaway.
Laglag panga silang dalawa. "Hi!" Sabay pa sila nung makabawi.
"Red nga pala bro" Team mate ni Kale na nag-chat kay Connie.
Syempre attitude si Connie, blocked agad dahil mukha raw fuck boy. Porma lang naman niya siguro ang nagpapamukha sa kanyang ganon? Nakasuot ng bull cap, white muscle tee, at red jersey.
Maraming tattoo sa hita.
"Kale" Tinanggap naman niya ang kamay ko.
Gwapo talaga siya lalo na sa malapitan. Lalo na yung porma niya ngayon. Loose white linen polo and red shorts.
Pagkatapos Magkakilalanlan, buong biyahe ay siniraan lang nila sa akin si Julius kung bakit lahat nalang ng lalaking umaaligid kay Julian, pinagbabantaan niya.
I also am comfortable around them. Parang si Reese at Asher lang sila, mga makukulit pero marespeto.
Naglagay ako ng bag sa kwarto kasama ang mga gamit nina Julius, wala naman akong balak mag overnight pero dito na pinalagay ni Julius sa akin.
Kale and Red immediately run when we heard the booming music and lots of people are already having fun in the gazebo in the middle of the large pool.
In-expect kong maraming tao pero wala namang lalagpas sa singwenta.
"You made it!" Tili ni Julian.
Tumakbo siya palapit sa akin, nasa likod lahat ng pinsan niya kasama si Severiano.
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...