Ex-boyfriend
Kinabukasan, busy ang lahat dahil may Christmas party sina Mommy sa kumpanya. Kasama ko si Kuya Lasty, Mommy, at Daddy.
Naiwan sa bahay si Crying lady AKA my sister Firstel dahil ibebedrest na raw siya pag hindi pa raw nanahimik sa bahay sabi ng OB kasama naman niya si Kuya Vito at Ate Mel na naiwan din para bantayan ang mga bata.
"You rarely see him here because he's studying in Nueva Ecija where I met Samantha" Itinuro ako ni Daddy. Nasa harap kasi kami dahil pinapakilala.
Inabot pa sa akin ang mikropono.
"Kababalik ko lang po galing sa Baler, Aurora kaya po ganito ang balat ko. Ginagamit ko po ang mga skin care products natin." Biro ko na tinawanan naman nila.
Yumuko ako at ibinalik na ang mikropono kay daddy.
"May sinundan bang babae sa Nueva Ecija kaya roon nag-aral?" Tanong ng isa sa board of directors kay daddy habang kumakain kami.
"How i wish that's the reason but he just wants to study in my Alma Mater" Sagot ni Mommy.
"While you're here, You can go on a date with my daughter" Suhestiyon niya. Nginitian ko nalang dahil lalaki ang gusto ko.
Natapos ang araw na 'yon na lahat ata ng investor nireto ang anak sa akin. Pagkatapos ng umagang 'yon, sinundo na ako ng mga kaklase ko nung COED.
"Tucker! Milo! Sami!" Nagmamadali akong tumakbo papunta sa pamilyar na Raptor ni Tucker.
"Aj! Bro! You look so good!" Yumakap ako isa-isa sa kanila.
Tumalon ako paakyat sa likod ni Tucker. Nakalabas na ang phone ni Milo na vinivideohan ang pagkikita naming apat.
"Wow, you're heavier than i remember" Tukso ni Tucker.
"Picture!" Si Sami saka pinindot ang film camera niya. Ngumiti ako habang nakapiggy back kay Tucker.
Buti nga at rito lang din sila mag-stay buong break.
Kulot si Tucker, mas mahaba na nga ang buhok niya dahil pinayagan na siya ng parents niya na pahabain. Minsan lang kami makapag-usap sa messenger tapos ganon pa pinag uusapan namin.
Bumaba na ako mula sa likod ni Tucker.
"Milo huhu" Lumapit ako at yumakap sa kanya.
Hanggang dito ba naman, ako pa rin ang maliit. Mga six footer na soccer players kasi itong si Milo at Tucker. Si Sami naman mas matangkad lang ng onti sa akin. Tucker and Milo is taking management engineering.
Sami is an art student. Nakikita ko nga palagi na maraming heart react pag kasama siya sa mga pictures ng page ng org nila. Masyadong pogi
Hindi na kami magkakaklase nung senior high school dahil science track ako, sila naman management. Ewan ko kay Sami bakit hindi Creative track nung senior high school.
"Sino yung Ian Maldova na kasama mo sa post?" Tanong agad ni Milo nung makaupo kami sa Yabu.
"He's just a friend. I got into a phsyical fight with his boyfriend because of that picture" Kwento ko.
Halata namang inis agad sila.
"I punched him but he didn't land any on me" Agap ko kaya nakipag apir pa sila sa akin.
We catched up, developed Sami's film rolls. After that, we roamed around makati looking for a perfect club to drink pero lahat puno ng tao. Kaya nauwi kami sa condo ni Tucker. Madalas kami rito nung high school para uminom...
"Dude, Are you taken?" Proud kong tanong kay Tucker pagkakita sa isang polaroid picture na may kasama siyang babae.
Nakaakbay kasi siya. Yung babae lang ang nakatingin sa camera samantalang si Tucker, nakatingin sa babae.
"Yeah, six months next week." Sagot niya Tsaka inagaw ang litrato sa akin.
"How come na hindi ko alam? Ikaw ah, hindi ka na nagsasabi sa akin" Kunwari pa akong ngumuso para magmukhang nagtatampo.
He just chuckled. "She's in US right now, we have to keep it private because she's not allowed to have a boyfriend"
Kahit nakangiti, kita ko ang pagiging peke no'n.
"E'di pag pinakilala ka, sabihin kamo boy bestfriend lang" Panunura ni Milo na inakbayan pa si Tucker.
Nagtawanan tuloy kaming tatlo.
"Are you happy with her?" Seryosong tanong ni Sami.
Natahimik naman kaagad kami ni Milo.
He slowly nodded. "Of course"
"Mamaya tanungin mo ulit pag nakasama na niya ang tunay niyang girlfriend" Si Milo na inilabas at inangat ang isang bote ng Jim Beam.
Napailing nalang ako.
It was a chill drinking session. RnB music playing in the background. Not loud enough so we can still talk to each other.
"My brother is down stairs. After Christmas nalang ulit?" Tanong ko tsaka tumayo.
Tulog na si Tucker. Dito matutulog si Milo kaya kami lang ni Sami ang uuwi. Sinabay ko na siya dahil along the way naman ang bahay nila kaysa mag-grab pa siya pauwi.
Umiiling-iling si Kuya Lasty nung makita kami ni Sami. Pulang-pula siguro ako ngayon dahil si Sami na moreno, namumula rin. Tahimik lang umatake yung Jim Beam kaya hindi ko rin namalayan na nahihilo na ako.
Buong biyahe pagkauwi, nagkwento lang si Kuya kung ilang beses na niya akong sinundo sa condo ni Tucker. Madalas kaming uminom pag bored o pagkatapos ng exams... Tumino naman kami nung senior high school dahil takot din na ma-disappoint ang magulang.
Kumaway ako kay Sami pero lumapit siya sa akin. Nakalapit na ang kamay sa tainga ko, may ibubulong.
"You're ex is unhappy. Do him a favor and swoop back in" Natatawa niyang sabi tsaka kumaripas ng takbo papasok sa gate.
Dapat hinatak ko na ang tainga ng bwiset na 'to!
"What did he say?" Kuryosong tanong ni Kuya.
"Huwag na, magagalit ka pa" Natatawa kong sabi bago ibaba ang backrest.
Paglabas sa sasakyan, sinalubong ako ng dalawa kong pamangkin. "It's midnight, why are they still awake?" Gulat na tanong ko kay Kuya Lasty.
Buhat ko na silang dalawa. Napakabigat kaya nakaalalay yung mga yaya nila.
"Hinihintay ka, baka raw napaano ka na" He yawned and tried to take Ariya but the little girl just put her arm on her father's face.
"Tito Bunny, you smell bad" Walang prenong kumento ni Aciel. Inamoy pa ang kuwelyo ng puti kong polo shirt.
Sinuway naman siya ng yaya niya pero walang nadinig.
"Aciel! You're mother is looking for you!" Pagalit ng inagaw ni Kuya Vito si Aciel pero mahigpit niya ako niyakap sa leeg.
"No! Tito Bunny will tuck me to bed!" Sagot niya sa ama niya. Napasabunot nalang si Kuya Vito.
Awang-awa na ako sa kanya... Parang tumanda na siya sa sobrang stressed sa kapatid at pamangkin ko.
"Sige na, I'll tuck you to your beds. I can't carry you both upstairs" Sabi ko tiyaka sila marahang kinurot sa pisngi.
Tig isa naman sila na nakahawak sa mga kamay ko nung paakyat kami sa hagdan. "Tito Bunny" Tawag ni Aciel. "Aciel, don't!" Pigil ni Ariya
"Tito Bunny, did you have fun hanging out with your ex-boyfriend?" Tanong ni Aciel na tinawanan ko nalang.
Mga chismosa talaga.
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...