20

3 0 0
                                    

Cali

Nakangiti akong lumabas sa building kung nasaan ang private practice ni Tito Dominique. Kakatapos lang ng meeting namin, masaya ako dahil nasunod lahat ng demands ko.

Naintindihan naman niya ang sitwasyon ko na pag nasa school lang si Florian ako pwedeng mag-book ng surgery. The pay is pretty good despite having odd demands like me.

Buti at stay-at-home wife si Connie kaya madali lang iwanan sa kanya si Florian. I could hire a sitter but It's so hard to look for someone whom I'll like. Florian is not a difficult kid but he didn't like all of his yayas or sitters in the past.

Dumaan na ako kina Connie para sunduin siya. Nakapag-enroll na si Conan kaya kami nalang mag-ama ngayon ang pupunta sa school.

Maganda nga talaga yung school dahil maraming mga puno sa paligid. The parking is big, the guards were so nice they even escorted us with an umbrella.

"There's a swing!" Nagpumilit siyang bumaba mula sa pagkakarga ko sa kanya nung makita ang malaking playground.

May bubong ang playground kaya kung pupunta siya ngayon roon, hindi ako matatakot na baka mahilo siya sa sobrang init.

"Enrollment muna" I lightly pulled him.

Mamaya na siya maglaro dahil may interview bago ang enrollment. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko nung makitang nagsisimula na ang interview dahil may kakapasok lang na bata pero hindi kasama ang magulang kaya nagwala.

The mother looks so worried but the staff ensured that it'll be quick.

Florian pulled on the hem of my white polo.

Agad akong lumebel sa mukha niya.

May bahid ng kaba rin sa mukha niya. Kinalma ko na ang sarili ko dahil hindi pwedeng makita niya na pati ako kay kinakabahan. Baka makadagdag pa sa kabang nararamdaman niya.

"Are you okay?" Tanong ko. Tumango siya pero humigpit ang hawak sa kamay ko.

He nodded then looks at me. "What's nine times nine again?" Tanong niya. "Eighty one baby" Sagot ko. Umupo na kami sa waiting area.

Florian is now playing on my phone his elbows on my thighs.

"Ayos lang umiyak pero yung iba kasing bata, pag umiyak na, hindi na nila nai-interview nang maayos dahil puro luha nalang" Rinig ko sa magkatabing babae na nasa harap ko.

"Yung anak ko kasi, sinanay ko na talaga na pag aalis ako e hindi ko siya literal na iiwanan habang buhay. Aalis ako pero babalik din. Diba anak?" Tanong nung isang babae sa anak niya na naglalaro sa Ipad.

Tumango lang yung batang lalaki.

Lumabas na yung batang babae na umiyak, apura naman ang paumanhin nung nanay dahil hindi raw nakausap nang maayos dahil tawag nang tawag para sa 'Mama' pinabalik nalang sila mamayang hapon para sa interview. Papakalmahin muna ang bata.

Tumingin sa akin yung isang staff na kasama nung umiiyak na bata kanina.

"Nakapag-fill-up na po kayo ng form?" Tanong niya.

I nodded. "Yes, yesterday morning" Sagot ko.

"Check ko lang po if nasa name na po ng list si?" She gestured her hand towards my kid.

"Florian Ogawa"

Mabilis naman siyang nakabalik. "Ready na po ba si baby boy?" Nakangiti niyang tanong sabay alok ng kamay niya kay Florian.

"It's your turn, baby" Bulong ko. Kinuha ko na rin yung phone ko. Huminga siya ng malalim bago tanggapin yung kamay ng staff.

"Remember what we practiced" Huling sabi ko bago sila makapasok. Nag thumbsup naman siya at ngumiti sa staff na kasama niya.

The Correct Way To Drink An AffogatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon