22

5 0 0
                                    

Hands

The next day, same routine. I got up at six, Took a quick shower then I wake up Florian at seven in the morning to eat breakfast while I prepare his snacks. 

"I hate warm showers" Nakanguso niyang reklamo.

Marahan ko siyang tinapik papunta sa shower. "I know but you hate cold showers more"

He sighed as if showering is the most difficult thing he has to do.

"Are you sure you don't want me to help you?" Tanong ko na inilingan niya bago isara ang shower curtain.

I leaned on the sink and took out my phone while waiting for him to finish.

Hindi ko pa rin binabasa ang reply niya...

Umiling ako. Mamaya ko nalang babasahin pag naihatid ko na ang bata.

I did a good job with keeping my promise to not read it. Napasobra naman dahil naihatid ko na si Florian sa school tapos na rin rounds ko saka ko naisip na basahin ang reply niya...

Sometimes I love how busy I am that I can just forget anything.

Dylan Severiano:
But still, I highly respect your boundaries, Jeo.

I liked his message because I don't know what to reply anymore. Kagabi pa pala niya ni-replyan...

Nagpaalam na ako bago pumunta saglit sa private practice para sa isang konsulta. I ended up referring the client to a cardiac surgeon because the case is not in my specialty anymore.

The practice is pretty much dead so I waited in my consultation room to kill time by looking at the pictures of Florian Teacher Ivy sent me. May mga litrato roon na naglalaro sila ng mga inaanak ko.

"What happened to your uniform?" His gray vest on top of his white polo has a brown stain on it. "I spilled my chocolate drink while playing with Conan" Paliwanag niya habang sinusubukan kong alisin ang mantsa gamit ang panyo ko.

Busy naman sa phone si Florian habang nakaupo kami sa sitting area sa labas ng classroom. Wala yatang nararamdamang pagod, si Conan at Yuki mga nagyaya agad umuwi dahil napagod kaya hindi na kami nakapag-catch nina Connie at Snow.

Bukas, papasok na si Sinta kaya may ka-level na ng energy itong si Florian

"Tito Sevs!" Nagtatakbo palabas si Cali.

Severiano hugged his niece. He squatted just so Cali can reach him. I forgot how he's ridiculously tall. His light brown trousers, white polo shirt, and black loafers made him look young.

He's two years older than me but he looks younger than me who looks like I'm in my late thirties.

Inayos niya ang specs niya. "Are you hungry?" Tanong niya kay Cali tsaka ako tinapunan ng tingin.

I sighed. Sinukuan ko ng alisin ang mantsa. Tsaka inaya si Florian na umuwi na. He's just here to pick up his niece, okay? He's not here to cross boundaries.

"Hi!" Pagbati ni Florian nung malagpasan namin silang mag-tito. Kumaway pa siya. "See you tomorrow, Cali!"

"Florian! Favorite mo rin chicken nuggets diba?" Tanong ni Cali kaya napahinto kami sa paglalakad.

Florian nodded. Hay nako nuggets na naman ang topic kaya buong-buo ang atensyon.

"Tito Sevs, can we buy chicken nuggets with Florian and his dad?" Tanong ni Cali sa tito niya na sa akin naman nakatingin, nanghihingi ng permiso.

Gusto kong tumanggi pero Hinihila-hila na ni Florian ang laylayan ng damit ko na may kasama pang pagpapaawa gamit ang mga mata niya na lagi namang tumatalab sa akin.

He clasped his fingers togethers. "Please, Papa"

"Fine, but you're not allowed to eat it for the rest of the week" Hindi ko na alam kung narinig ba ng anak ko ang kondisyon ko dahil nagtalunan na sila ni Cali.

Pigil naman ang ngiti ni Severiano.

Nagpunta na kami sa parking. Ang dalawang bata lang ang nag uusap habang naglalakad kami. Nakaalalay lang ako at baka madapa dahil busy mag usap na hindi na masyadong nakatingin sa mga nilalakaran nila.

Convoy nalang. Drive thru lang kami palagi pero ngayon na may kasama, sa loob bibili.

Pagka-order, nilabas ko na ang wallet ko pero nauna ng mag-abot ng itim na card si Severiano.

"Ako ang--- si Cali ang nag aya, ako na ang magbabayad"

"Thanks" Walang kwentang sagot ko.

Puro daldalan lang ng dalawang bata ang narinig sa table namin. Sometimes I'll notice him looking and smiles every time our eyes locked. Syempre ngingiti naman ako pabalik dahil ayoko naman masabihan na isnabero.

Pagkatapos kumain nag aya na silang maglaro sa play place kaya mabilis na nagmakaawa na payagan sila.

Who am I to not give in?

Nakatingin lang ako mula sa malayo habang si Severiano naman na napilitan na sundan ang pamangkin niya na napakalikot pala pag naglalaro.

Florian is energetic but he doesn't run around. He plays the games without rushing. Thank God for giving me a son like him. Tatanda ata ako lalo pag hinahabol-habol ko siya.

Naglaro na si Cali at Severiano sa trampoline. Inaya ni Cali si Florian. May tiwala naman ako kay Severiano na hindi masasaktan ang anak ko pero sumunod na ako sa trampoline.

"Careful" Babala ko sa kanya nung medyo tumaas ang pagtalon niya.

Tumigil naman bigla si Cali. Nagtaka naman ako dahil palapit siya sa akin.

She took my hand. "You should try it! It's fun!" Sabay hatak sa akin paakyat sa trampoline.

It's just the four of us jumping. Magkatapat ang anak ko at si Cali na gumagawa ng poses kada talon.

"Let's hold hands and jump together!" Pag aaya ni Florian na ikinakaba ko dahil katapat ko si Severiano...

Magkahawak na ang kamay ng dalawang bata. Nakahawak na sa kaliwang kamay ko si Florian. Ganon din si Cali sa kanang kamay ng Tito niya.

Napansin naman ni Cali na hindi kami magkahawak ng kamay ng Tito niya kaya siya mismo ang nag angat sa kamay ko at ni Severiano. Pinagsalikop niya 'yon at bumalik sa pwesto niya.

Hinahanap pa ng dalawa ang tamang tiyempo para tumalon.

I looked at him and caught him staring at our hands.

His adams apple moved as he averted his gaze and looked at me. "Okay lang?" Tanong niya na may halong pag iingat.

"Ayos lang, ayokong masabihan na kill joy" Natatawa kong sagot bago mag-focus na sa pagsabay sa bilang kung kailan tatalon.

It's okay... I think it's okay to hold hands with your ex-boyfriend?

Diba?

The Correct Way To Drink An AffogatoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon