Snatch
"Kain na" Pag aya ko sa kanya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba nung nagsandok ng ulam. Ayos lang ang lasa sa akin ng beef broccoli pero baka sa kanya hindi? Pero kung hindi niya magustuhan, pwede naman siyang umuwi.
Hindi porket may crush ako sa kanya, kailangan ko na ng approval niya sa niluto ko.
Pero sana masarapan siya
"Pag hindi masarap may canned tuna ako rito" Sabi ko.
"Masarap" Sinungaling.
"Totoo ba? Baka naman sinasabi mo lang na masarap dahil may ano ka sa akin" Anong-ano? Alder Jeo?
"May ano?" Tanong niya habang nakangisi.
"May crush" Nahihiya kong sabi.
Feel na feel ko puta.
"Liking someone is so different from a having a crush" Hindi na napigilan na ibalandra ang ngiti niya.
Tuwang-tuwa siya sa ganyan.
Siguro ganito siya nung hindi ako maka-reply sa confession niya? Sino ba kayang mag-reply sa ganon? Sa text nga lang sinabi paano pa kaya pag sa personal na?
"Having a crush is when a guy makes you smile from afar but liking someone is when you want to kiss him, hug him, and make him your boyfriend" Walang-hiyang sabi niya.
"Because I like him so much that I won't settle smiling from afar when I can smile beside him" He continued eating like he didn't just say the most accurate distinction of having a crush and liking someone.
Maldova, i didn't know you have this in you?
Nagpatuloy ako sa pag kain. Kulang na nga lang yumuko ako dahil hindi naman ako tumitingin sa kanya. Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin pero marespeto naman siya at hinayaan ako.
Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang pagpipigil na ngumiti at kiligin.
I like him, I know it. I think he knows it but he wants to hear it exactly from me not from my reaction from his sweet tounge.
Nawala naman yung hiya ko nung taste test na ng cookies ni Mike.
Dalawang cookie 'yon, isang kulay brown at dark brown.
"The customers today said that it was too sweet, Mike realized that he put one cup of sugar when he was supposed to put half cup" Kwento niya.
Tinikman ko na, matamis nga! Dumagdag pa yung chocolate... "Sorry Mike, ang tamis masyado" Sabi ko bago naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.
I like the consistency plus the chocolate melts in my mouth.
Hindi rin agad nadudurog. "This one isn't too sweet"
Pinatikim naman niya yung dark chocolate cookie pagkaupo ko sa tabi niya.
"Hmm! I like this one!" Ligalig ako, favorite ko 'to eh.
Kinuha ko na mula sa kanya dahil masarap. "This is the best seller" Aniya saka kumurot ng kapraso sa cookie ko.
Naubos ko na 'yon ng ilang segundo lang. Medyo nahiya dahil mukhang gusto rin niya tikman ang cookie pero ubos ko na.
"You have something" Turo niya sa bibig ko pero siya rin ang nag alis.
His thumb touch the side of my lips.
Naiwan ang tingin niya roon.
He licked his lips and put down his thumb. Sabay sabing "I should go"
Biglaang uuwi?
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomansaAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...