Chapter 2
“Cian left already. Bakit ngayon kapa bumaba?” Iyon agad ang sinalubong ni Mama sa akin.
Bago lamang ako nakatapos sa pagligo at pag-aayos ng sarili pero hindi ako kumain. Nag-toothbrush na ako diretso at bumaba sa kusina. Uminom lang naman sana ako ng tubig pero naabutan ako ni Mama doon.
“I never ask. Wala akong pakialam kung aalis siya. Sino naman ang nag-utos sa kaniya na dito matulog?” Galit kong wika at uminom ng tubig. Hindi ko kayang titigan si Mama nang gano’n katalim. Kahit na ano pa ‘yong ginawa niya sa akin, she’s still my mother. Pero grabe na ‘yong pangmamaliit niya. She don’t trust me. Hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataon na maging masaya.
“Ayaw mo bang kumain? Siya ang nagluto niyan.” She said habang sumimsim ng kape. Ang sosyal pa niyang tingnan habang nakaupo sa silya, nakade-kwatro pa nga.
If Cian is mad at me, gano’n din ako. Wala siyang karapatan na puntahan ako sa bahay at magtapat ng gano’n kadali. I am playboy pero hindi ako katulad ni Cian Pearl. Hinahayaan kong babae ang lumapit sa akin at mag-alok ng halik, mag-alok ng kahit ano basta mapansin lang. Unlike Cian…she loves chasing and I hate her for chasing a person like me. She will just left behind if I will let her fall. Hindi ko siya sasaluin at kung sakaling mahulog man siya, tatawanan ko. I swear that! She's like a kid. Chasing for the sun and thought that it is moving without knowing that only his mind who keeps on thinking that the sun is moving but…it definitely not.
“Ano paba ang dapat naming gawin sa ‘yo para magka-asawa ka? Gusto namin ng ama mo na magtayo kana ng sarili mong pamilya,” her eyes remain in me. Lumunok ako sa sinabi ni Mama. I won’t waste my time for this kind of shit.
I'm sorry Mama, but I have to go now.
Tumalikod ako pagkatapos kong uminom at tumungo sa tapat ng pintuan palabas. Agad kong pinihit ang doorknob at umalis nang walang paalam. Sa puso ko, kahit galit ako kay Mama, gusto kong magpaalam ng maayos bago man lang tumalikod. But…pride won’t let me. It always driving me crazy!
Naglakad ako palayo sa bahay at hindi na nag-commute. Medyo nasa kalayuan ‘yong Paaralan pero kaya lang naman lakarin. My mental is unstable. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Dagdagan pa ng doubt kung lalaki ba talaga ako o baliko? Ewan ko!
“Hi Diego!” Isang babaeng nakasuot ng stiletto at scarf sa leeg ang bumati sa akin. I act normally. Maganda siya. Makulot ang buhok niya, matangos ang ilong at matangkad. Naglakad lang siya at pumunta sa kinaroonan ko.
“Hi!” I waved my hands to her. Her smile shown up. Kainggit! Gusto kong tularan siya. ‘Yong kahit kaunting pansin lang ng iba ay ngumingisi na.
“I’m Janine…” She laid her hands on me. Agad ko namang dinampot iyon at nakipagkamayan. Halos marinig ko na ‘yong pintig ng puso niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Namumula rin ang pisngi niya.
Sabay kaming naglakad. I felt my heart didn’t beat that fast. Normal lang.
Maybe she’s also a student. But…why wearing stilleto? Gusto kong tanungin kung saan siya pupunta nang malaman ko kung ano ang trabaho niya. Hindi naman halata na estudyante ako kasi hindi naman ako nagsusuot ng uniporme. Pero may dala akong bag araw-araw. I often disobey the Campus rules kasi para sa akin, mas maganda ‘yong gano’n kaysa sa puro obedience ang ipapakita. Wala kang memories na maga-gather kung puro katinuan lang ang alam. That’s my principle.
Napatalon kaming dalawa ni Janine nang marinig ang tunog ng busina sa likuran namin. Hindi ko masasabi na ‘yon ay karaniwang tunog lang. Para bang galit ang may-ari ng sasakyan dahil sa sunod-sunod ang pagbusina niya.
BINABASA MO ANG
Break the Boundary
RomanceJust like sailing at the bottom of the ocean. Sailors cannot assure that the path where they go along has no obstacle because when rain keeps on pouring, the waves will get stronger and might ravage the boat. The only thing that you can do is to gri...