Chapter 14 Learn to let Go of Things

13 5 0
                                    

Chapter 14
Learn to let Go of Things

Nagkasakit ako. Mabuti nalang at kasama ko si Francesca. Siya muna ang nag-aalaga sa akin. I already informed my subject teachers na  kailangan ko munang magpahinga dahil nagkasakit ako. Dahil na rin siguro sa kapabayaan ko sa sarili. At first, nagulat pa si  Ceskang kasi may kasama akong bata. Pinaliwanag ko na sa kaniya ang lahat para naman maliwanagan siya. Akala niya, anak ko ito. Well, mukhang anak ko naman talaga siya, e. Ang bait niya sa akin. Tinulungan niya akong mag-ayos sa sarili ko. Sa tuwing nagpapahinga ako sa kama at naiinitan, pinapaypayan niya ako. She’s well-educated.

“Daddy, kapag gumaling kana, punta tayo sa kahit saan ha?”  Ani Jengkey habang hinahaplos ang buhok ko.

Ngumisi ako sa kaniya. Mahina pa katawan ko. Gusto kong pagbigyan kaagad siya pero hindi ko pa kaya. Online class na nga lang ako kasi hindi ako makakapunta sa paaralan dahil nahihilo pa ako.

“Huwag mo munang isturbohin si Daddy, Jeng. Hayaan mo munang magpahinga siya,” si Francesca.

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Jengkey at hinagkan ito. “ Pangako, igagala kita kapag ayos na Ang Daddy mo, okay?”

Tumango siya sa akin. Ngumisi lamang ako sa kaniya pagkatapos ay pumikit. Nagpahinga muna ako at hinayaang lamunin ng dilim. Naramdaman ko ang presensiya ng dalawa sa aking tabi. They love me. I know that if there is someone who will leave, then… someone will come.

Dalawang araw akong nakahiga sa kama. Walang ibang ginawa kundi ang bumangon, mag-unat, sumilip sa bintana, at kumain. Pagkatapos ay matulog, bumangon at activity na naman. Ganiyan ang naging routine ko.

“Ceskang, iiwan ko muna si Jengkey. Total, wala ka nang pasok, ikaw na muna,a ? Babayaran kita kapag may pera na ako.” Tinupi ko na ang mga reports na dapat kong isumite. Mabait ang professor namin at mabuti na lang, nabigyan niya akong paraan para magpagaling.

“Sige po, tulog pa siya. Umalis kana at baka mamaya, hahanapin ka niya.” Nagluluto kasi siya bago ko iniwan.

Sinuot ko na ang uniform kong gusot. Agad aking umalis bitbit ang laptop bag at ang mga report papers. Kailangan ko nang i-submit ito bago pa man ang graduation. May isa pang aktibidad ang dapat naming gawin bago kami ga-graduate.

Late na ako kasi malayo ang hotel sa Paaralan. Sumakay pa ako ng taxi at ilang minuto pa ang biyahe bago makarating doon. Agad akong sinalubong ng guard. Kinuha niya ang ID ko at may warning na ako. Last warning na ito ngayon. Ganito ako noon. Barumbado, womanizer at playful.

Agad akong pumasok sa room. Kahit kumusta man lang mula sa classmates ko ay wala akong natanggap. Mabuti pa si Jengkey, araw-araw akong tinatanong kung okay lang ba ako.

“Good morning, Prof. Larry!”  Binati ko kaagad siya habang may ginagawa siya sa kaniyang laptop. Siya ang nadatnan ko nang pumasok na ako. Naka-abang siya sa pintuan at may bitbit na libro, may lecture siguro.

“Good morning, Mr. Pineda. Kumusta ang results?” tanong niya.

Hindi niya siguro alam na pasmo lang ang sakit ko. Nakamukmok ako sa kuwarto noon at hindi kumain. Dahil doon, humina ang immune system ko.

“A-ayos naman po, Professor Larry. I’m now fine.” Ngumisi ako at umupo sa aking upuan.

Nakatitig sa akin ang mga kaklase ko. Almost all of them were stunned. Nagulat sila na closed kami ni Professor. Naiintindihan ako ni Professor. Unlike them, chismis lang ang ambag. Lalo na itong lalaki sa gilid na malademonyóng tumitig. Ang pangit na nga ng awra, dagdagan pa ng shocked niyang expression. Duh?! Mukhang affected, na bakal naman ang puso.

Hinuli ni Bruce ang tingin ko. Mukhang nag-aalala siya. His eyes look weary but I don’t care. Hindi ako ang dahilan ng mga iyan. That’s Margarette.

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon