Chapter 6 At the Car

22 6 1
                                    

Chapter 6
at the Car

Ang saya ko pagkatapos no’ng reporting. Hindi ako nahirapan dahi sa mga notes na sinulat ni Bruce sa akin. Pinagpawisan man ako pero hindi sa kaba kundi dahil sa sobrang saya ko no’ng confident pa si Bruce na ipagmalaki ako sa kaklase namin. Hindi ko akalaing magagawa niya akong tulungan sa gano’ng bagay. We aren’t yet in a relationship but…we are really good to each other. Palagay ko wala nang puputol sa ugnayan naming dalawa dahil pareho kaming may pagtingin sa isa’t isa. He’s really good to me. Kinausap niya rin si Mama kanina no’ng hinatid niya ako sa bahay kung bakit hindi ako natulog sa bahay kagabi. Takot akong sumagot kay Mama pero dahil kay Bruce, naging maayos naman ang lahat. Hindi niya ako pinagalitan, sinigawan, o ininsulto man lang sa harap ni Bruce. Hindi niya nagawa iyon. Dahil ang akala ni Mama ay barkada lang kami. We aren’t really friends. That’s what we call…friends with affection and intimacy.

“Tita, I’ll take Diego anywhere. May I ask for your permission?” Naka-crossed ang mga kamay ni Bruce sa dibdib. Nakangisi siya habang hinarap si Mama sa sofa. Kahit ano pang gagawing iling ni Mama, tatakas din naman ako, e. Char! Ayaw ko ngang pinapapagalitan niya sa haroanni Bruce kaya silent mode lang ako.

Ngumisi si Mama. Hindi niya alam kung ano ang namagitan sa amin ni Bruce. Abala siya sa pagtitimpla ng kape para sa sarili. Kinuha niya pa ang thermos at nilagay sa harapan ni Bruce. May tasa na doon. Dinampot iyon ni Bruce at nilagyan ng asukal at gatas. Matanda na si Bruce pero gatas pa rin ang iniinom. Mas lalo siyang pumuti no’ng nasinagan siya ng ilaw mula sa bintana. Binuksan ko kasi ‘yon dahil para naman makapasok ang hangin. Mukha na tuloy siyang diyos sa harapan ko. Kumikinang pa na parang bituin.

Tahimik pa rin ako at humalukipkip sa gilid. Nakasandal ako sa couch habang sina Mama at Bruce ay magkaharap sa mesa ng sofa. Hindi ko alam at parang ang seryoso nilang dalawa. Tiningnan kong maigi ang bawat pagsimsim ni Bruce ng tinimpla niyang gatas. Ang ganda ng pigura niya. Makalaglag ng brief. Ang matipuno niyang katawan, ang biceps niyang lumantad dahil sleeveless lang ang suot niya at short na black. Makinis din ‘yong kutis niya. Kahit sinong babae ay mapapaluhod sa kaniya. Parang isa siyang haring pinagsisilbihan araw-araw at hindi man lang napapagod sa buhay niya. Ang sarap niyang kasama.

Ilang buwan nang hindi ako pumapasok sa Bar. Maski sa birthday ng mga kakilala ko ay hindi na ako pumupunta. Ang sarap kasama ni Bruce. He’s my reinforcer. Hindi niya ako nasubukang saktan. Lahat ng pinaranas niya ay kahulugan ng pag-ibig. Gustong-gusto kong siya lang ang kasama ko palagi. Humupa ang galit ni Mama no’ng nalaman niyang naging matino na ako sa Paaralan. Pero ‘yong pamimiliit niyang mag-asawa na ako, ay hindi pa rin nawawala.

“Diego…” pagbanggit ni Bruce sa akin no’ng tumalikod si Mama at tumungo sa kusina. May kinuha lang siguro.

“Ano? Bruce? Gabi na, ah? Ayaw mo pa bang umuwi?” tanong ko sa kaniya. Pero ang mokong, ngumisi lang sa akin na parang hindi takot sa parents niya.

Ngumisi siya sa akin at hinapit ang beywang ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. ‘Yong braso niyang pinulupot sa katawan ko ay dahilan kung bakit parang na-estatwa ako sa aking posisyon. Baka mahuli ako ni Mama, naku! Tatakbo talaga ako sa hindi pa oras. Ayaw kong mahuli ako ni Mama pero mas ayaw kong kumawala sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap at pinakawalan niya lang ako nang dumating si Mama. May bitbit itong supot. Umayos sa pagkakaupo si Bruce habang ako naman ay namumula sa tabi ni Bruce. Sobrang init ng pisngi ko at parang hindi ko na kayang makipagtitigan kay Bruce ng pangmatagalan.

“Sige dalhin mo na si...Diego.” Kumamot sa batok si Mama habang inabot kay Bruce ang supot. I wonder why. Ano iyon? Tsaka ano ang purpose ng supot na iyon? Cookies iyon. Sinilip ko at hinawakan. Mainit-init pa. Halatang bagong luto. Humupa naba talaga ang galit ni Mama? Para kanino ‘yon? Alam naba niya ang namagitan sa amin ni Bruce? Diyos ko na lang!

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon