Chapter 12 Why Can't You Believe

17 5 0
                                    

Chapter 12
Why Can’t You Believe?

“Ang sakit mo naman, Bruce...”Namamaos na nga ako kasisigaw kanina. ‘Buti na lang ay may natirang boses pa ako. Mukha na akong ligaw na gansa rito.

Tiningnan ko ang mga kaklase kong nag-iinuman.

Umalis ako sa kinatatayuan ko at tumungo sa cottage nina Matthew. Napatigil sila sa halakhakan no’ng dumating ako. Sinuri nilang mabuti ang mukha kong hindi na maipenta dahil sa sagutan namin ni Bruce kanina. Pagod ang mga mata ko. Gusto kong magpahinga at hindi na iisipin pa si Bruce. Parang siya nalang palagi ang laman nitong isipan ko. Nakakaiyak na! Nagawa niya pa akong talikuran ng gano’n na lamang.

“Ayos ka lang?” Nagtatakang tanong ni Matthew habang nakaangat ang gilid ng labi niya. Timawang ‘to! Sarap ihampas sa poste.

I just nodded as a response and dropped myself at the stool that is made of rattan. I took a deep breath and looked away. I just don’t want Bruce to choose Marga after he made me feel like I’m the most lucky person in this world. Isn’t it funny? Imbis na ngingiti kana dahil may inspirasyon ka nang mabuhay sa mundo at labanan lahat ng problema, iyon din pala ang magtutulak sa atin para malunod na tayo. God! I think…I can’t handle this kind of situation.

“Diego!” Hindi ko na pinansin kung sino ‘yong tumawag sa akin. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at dinamdam ang lamig ng beach. I laid my head at the table. It was made of Bamboo.

Maganda ang lugar. Medyo tahimik at malayo sa gulo. Magandang manatili roon ng ilan pa sanang mga linggo pero isa linggo lang talaga ang ibinigay sa amin. Pero susulitin ko na ‘to.

“Diego, wake up!” Niyuyugyog ako ng hindi ko alam kung sino. Nakapikit pa ang aking mga mata nang iniangat ko ang ulo ko.

“Fvck! Get away from me, Marga!” I said. Tinatapik niya pala ang balikat ko at hinahaplos ang magulo kong buhok. Tinulak ko siya dahil sa pagkabigla ko.

Noong umidlip pa lamang ako, hindi siya ang nakita ko. It was Matthew, Yael and Hector. Bakit nandito na siya ngayon? At nasaan na sila? Are they trying to have fun with me? What the hell are they?! Inuntog ko na ang sarili ko sa poste ng cottage. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.

“Arghh!” Galit si Marga at sinubukan akong patayuin. Tahimik ang buong paligid at hindi ko na alam kung nasaan na ang mga tao.

“Is this true, Diego?” Agad kinuha ni Marga ang cellphone ko. Nabuksan niya ito at nakita niya ang convo namin ni Bruce. Para akong sinaksak nang dumilim ang paningin niya sa akin. Nahuli na niya kami.

“Uhm..Yes.” I nodded. I felt sorry. I’m sorry Bruce for not protecting our relationship. Hindi tinanggal ni Margarette ang titig niya sa cellphone ko. Akmang aagawin ko ito nang agad niya namang inilayo sa akin. “But…now, I don’t love him. I realized already that we won’t be together. Hindi puwede.” I denied. Pero ang puso ko, si Bruce lagi ang laman. 

Sa sobrang takot ko, nasabi ko iyon. I was supposed to protect our relationship pero wala na akong nagawa. Siguro maintindihan naman siguro ni Bruce kung bakit nasabi ko ito. Ayaw kong malaman ni Mama na ganito ako. Baka ilibing niya na akong buhay. I'm sorry Bruce! I lied to you. In fact, mahal kita. Mahal na mahal. I love you Bruce since we’ve met. I’m sorry. If you can hear what my heart says, you’ll understand.

Nasasaktan na ako Bruce dahil sa arrange marriage niyo! But I didn’t mean to take everything for granted. I will cherish everything that we had.

“But…we’re arrange marriage already. Nice! You’ve learned. Mabuti nalang at ngayon pa lang, alam mo na na dapat hindi kayo puwedeng magsama sa isa’t isa. You do not suit each other and...hindi ka mayaman.” Umirap siya sa akin. “At…desperado ka.” Nalunod ang mata ko sa luha. Hindi na ako nakapagsalita at tinitigan na lamang siya na umalis sa harapan ko.

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon