Chapter 5 Moments With You

22 6 0
                                    

Chapter 5
Moments With You

Tahimik ang buong paligid. Nakabukas na rin ang mga bintana. Nakatali na ang kulay rosas na mga kurtina at may tasa na ng kape sa gilid ng mesa ko. Mainit-init pa ito dahil umuusok pa.  Inilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng kwarto ngunit tanging laptop ko nalang na nakabukas at mga notes sa mesa ang nakita ko. Wala na doon si Bruce. Bumalikwas ako mula sa higaan at sinuot ang tsinelas na nakapuwesto sa gilid ng kama. Iniunat ko ang aking mga kamay bago tumungo sa desk kung saan doon nakalagay ang aking mga gamit. Nando’n din ang cellphone kong nakasaksak na sa charger.

Agad akong tumungo roon at tiningnan ang oras. Maaga pa, pero bakit wala si Bruce sa loob? Magkatabi ba kaming natulog kagabi? Hindi ko na alam kung ano pa ang mga ginagawa niya kagabi. Maybe he was sleeping in other room? Kinusot ko pa ang mata ko at binuksan ang cellphone ko. Bago pa man iyon, isang bagay ang umagaw sa aking atensyon. Iyon ay ang sticky notes na nakadikit sa case ng phone ko. Tinanggal ko iyon at binasa.

  Good morning, breakfast is ready…🥰
                                      @husband

Napangisi na lamang ako habang nakatitig sa sulat niya. Maaga siyang bumangon para ipagluto ako? How special I am! Hindi ko na masukat kung gaano ako kasaya gayong nakasama ko na siya. Hindi ko lang inaasahan na makakasama ko itong tinuturing ko lang na best friend. Ilang taon na kaming magkakilala ni Bruce. Madalas ko rin siyang kasama sa kahit saang party kahit ayaw niya naman. Siguro, mutual feelings kami kung kaya’t tanggap namin ang isa’t isa kahit mali. Mali, hindi ba? Kailan mo ba inakala na magkakaroon ng gano’ng relasyon sa mundo? Tama naman ang sinasabi nila na kapag pag-ibig ang maghari, kahit ano pa iyang balakid sa isipan mo, mananaig talaga ang pag-ibig.

Agad kong binaba ang cellphone habang nanatiling nakadikit pa rin doon ang sticky notes. Hindi pa naman full charge kaya iniwan ko muna. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan habang baon pa rin ang ngisi.

“Good morning!” Nakangising bati ni Bruce habang nakaupo sa mesa. Ang tono ng boses niya ang sumalubong sa aking umaga. Ang sarap sa tainga. Ang mga titig nito’y nagpapainit sa buong katawan ko.

I hardly gulped while staring at his body. Naka-half naked lang siya at iba na ‘yong kulay ng short niya. Nakaligo na rin siya at magulo ang buhok. Lantad ang mga abs niya at ang biceps. Gusto kong himasin iyon at titigan nang magdamag ang buong katawan niya.

“G-Good m-morning…” I stuttered. Gusot pa ang damit ko dahil sa sobrang tulog. Hindi pa ako nakapag-ayos ng buhok at magulo rin. Nakakahiyang humarap kay Bruce!

“Upo ka rito.” Ngumisi na naman siya sa akin  . May hawak siyang tasa at ewan ko ba sa kaniya kung bakit siya sa akin nakatingin. Hindi naman yata ako mukhang aswang ngayon, ‘no?

Bitbit ko ang tasa at humakbang papalapit sa kanila. Pagkadatal ko sa harapan niya, umupo na ako sa tabi niya at nilapag ang dala kong tasa. Pareho kaming natahimik pagkatapos no’n. Natutuwa lang ako sa kaniya. Kahapon, sobrang miserable ang buhay ko, tapos ngayon, andito siya at hinainan pa ako ng umagahan.  Parang ang espesyal ko naman para sa kaniya.

Abala siya sa kaniyang cellphone. Doon nakatutok ang atensyon niya. Hindi ko na nga masyadong nagagalaw ‘yong kape ko dahil kay Bruce ang tingin ko. Nakakatawa nga lang isipin na nagawa niya pa akong ipagluto sa ganitong oras. Ang dami ko nang bayarin sa kaniya. Siya pa itong gumawa ng PPT ko at mga notes.

“Ayaw mong kumain?” Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Ilang beses pa akong kumurap bago ako bumalik sa ulirat.

“Uhm…s-sabay nalang tayo.” I was stuttered. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling sa tasa.

Sumimsim muna ako at inubos ang kape.  Tumayo ako at nilagay sa lababo ‘yong baso. Naghilamos ako at dahan-dahang humakbang pabalik sa inuupuan. Kitang-kita ko ‘yong hulma ng likod niya. Ang sarap yakapin patalikod. I can’t imagine na nakakasama ko ngayon itong parang fictional character. Sa libro ko lang naman ito madalas nakikita. Mas maganda ‘yong hubog ng katawan niya kaysa sa akin. Wala pa akong abs. Flat lang ‘yong tiyan ko. Parang cola-body ‘yong hulma ng katawan niya. He has a slim waist and broad shoulders. Samantalang ako, ang payat na, kinulang pa sa aruga. At least, kapag nakikita ko lang si Bruce, busog naman ako sa pagmamahal. Whaha! Landi mo self!

“Gusto mo bang kumain?” Napatalon ako sa tanong ni Bruce. Bigla siyang lumingon sa akin at tamang-tama, nagsalubong ang aming mga mata. Tatakpan ko pa sana kaso hulin na. Baka sabihan niya akong ‘late reaction’. ‘Lang ‘ya…nahuli pa ako ni Balbon!

“Uhm…sabay nalang tayo,” kahit nahihiya na ako, go pa rin.  Pumwesto ako sa tabi niya at binuksan ang hinain niya. Sa amoy pa lang, ang sarap na. Paano nalang kung akin nang matikman?

Pritong itlog at hotdog tapos noodles. Ngumisi ako. Bumaling ako sa kaniya at nakita ko ang seryoso niyang titig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang ngumiti. Oo nga pala, hindi pala siya marunong magluto, whaha!  De bale, lahat ng hinain niya sa akin ay espesyal. Walang basura doon. He woke up earlier just to cook for me and…I appreciate it. Daig pa namin ang mag-asawa. Pero diyan din naman patutungo kaya…hindi ko na sasayangin ang mga sandaling ito.

“Ayos lang ba ang luto ko? Nabusog kaba?” Lumalamon pa ako pero iyon agad ang tanong niya. Ilang subo pa lang ‘yon, e. Grabe naman ‘tonf Bruce na ‘to. Pero oo, busog na busog ako—sa mga titig niya.

“Oum…delicious…” OA ko ano? Hotdog, itlog tsaka noodles lang, nasasarapan na. pero kahit na itlog lang ‘yong niluto niya, ayos na sa akin iyon. Hindi naman ako masyadong choosy sa mga pagkain lalo na ngayong siya ang nagluto nito. Hinding-hindi ko ito sasayangin.

“Siya nga pala. Nakita mo na ba ang PPT mo? Goodluck ngayon!” Inabot niya sa akin ang kanao niya. Hindi naman siya nag-ambang suntukin ako, kaya kinuyom ko rin ‘yong kamao ko at dinikit sa kaniya. That’s…okay sign!

“Ayos naman iyon. Siyempre ikaw ang gumawa.” I smiled. “Tsaka…may notes pa. Thank you, ah?” I munching cookies na nasa tabi ng plato ko. Patay-gutom ka talaga Diego!

Puwede na kaming magiging bida sa pelikula. Kaso nga lang, mandidiri ‘yong viewers namin. They’re not the barrier of what’s between us. Kaya ko naman siyang ipaglaban. I can fight for the sake of Bruce. I can’t live without him. Siya lang ‘yong pumapawi sa lungkot na nararamdaman ko. My Mom is always against me and so was Dad. Wala akong ibang kakampi kundi si Bruce lang. Wala akong masyadong kaibigan dahil noon, babae ang umaaligid sa akin pero nilalaro ko lang.

“Woho! Ang galing mo, Diego! Nagbago kana talaga! Pomopogi ka na lalo dahil sa presentation mo kanina!”

“OMG?! Si Diego nagiging matalino bigla!”

“Natamaan kaba ng kidlat kaya naging matalino ka?”

Diyos ko! Ang iingay ng paligid. Dahil lang naman iyon ni Bruce kung bakit maayos kong naipaliwanag ang slides. Ang ganda pa nga ng animation at transition. Lalo tuloy akong nai-inlove kay Bruce dahil dito. I can’t stop myself smiling. Tumabi na ako ngayon kay Bruce sa upuan niya. Siya naman itong ngisi ng ngisi sa hindi ko alam na dahilan.

“He was just studying. Ang OA niyo talaga.”Giit ni Bruce sa kanila habang nilalaro ang ballpen sa mga kamay niya. Woho! Ayan Bruce, ipaglaban mo ako!

“Wee….” Sabay sabi ng Powerpuff girls sa room. Including Cian, Margarette, and Ylez. Nakakabuwisit na nga tingnan iyang mga cheer-cheer nila. Hindi talaga nakakatuwa. Mga chaser nga naman. Halatang-halata sa mukha.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang titig ni Bruce. Hindi ko siya magawang tingnan dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sa tuwing kasama ko si Bruce sa tabi ay kinakabahan ako. Namumula ‘yong pisngi ko at bigla na lamang uminit. Minsan nararamdaman ko na lang na kumalabog nang malakas ang aking dibdib at halos maririnig ko na nga ito.

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon