Chapter 9 Was Caught By Her

15 6 0
                                    

Chapter 9
Was Caught By Her

Marami ang tao sa basketball court. Nando’n na si Bruce sa gitna at siya siguro ang center guard. Nakaupo lang ako sa breacher at halos mabibingi na sa hiyawan ng mga babae. May tali na kulay pula ang ulo ni Bruce. Ngumisi ako kahit batid kong hindi niya ako nakikita. Marami ang babaeng nakapalibot sa akin. Hindi lang si Bruce ang chini-cheer nila, pati na rin ako. Naiingayan na ako sa kanila pero hindi ako umalis sa puwesto kung saan ako iniwan kanina ni Bruce. Nag-whistle na ang referee at iyon ay hudyat na magsisimula na. Nakahanda na ang lahat sa loob ng court.

“Peep!”

Agad nagsitakbuhan ang mga kasamahan niya at puwesto sa likod. Unang round pa lamang ay naka-shoot na agad si Bruce.

“Go! Bruce!”

“Shit! Ang pogi mo Bruce!”

“Woho! Bruce!”

Sigawan ng mga babae sa likuran. Hindi ako natinag doon dahil doon kay Bruce ang atensyon ko. Bakit ko naman sila papansinin kung puro mga papansinin lang naman?

“Woy!” Ay butikiNapatalon ako sa sigaw ni Cian sa akin. Nasa harapan ko siya at nakangisi. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at tiningnan ako sa aking mga mata. Lumunok ako at ngumisi sa kaniya. Natulala lang siguro talaga ako kay Bruce kung kaya’t hindi ko siya namalayan. Anak ng tokwa! Ganito pala kapag in love ,‘no?

“Muntik mo na akong mapatay sa takot, Cian.” I pouted. Ginulat pa ako ng babaeng ‘to.

Hinawi niya ang buhok ko at pinunasan ang pawis. Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan sa kaniyang ginagawa. Huwag mo nga akong ma-treating diyan, Cian! You know I hate you!

“Salamat sa cookies.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at umupo naman siya sa tabi ko. Babaneg ‘to talaga. Kapag ako mahuli ni Bruce, malilintikan siya sa ‘kin.

Sumulyap ako kay Bruce na ngayon ay nakatingin sa akin. Pawisan na siya pero ang mga titig niya’y parang wala siyang pagod na nararamdaman. Ngumisi ako sa kaniya bago bumaling kay Cian.

“Samahan mo nga ako, Diego,” she said. Leche ‘to talaga! Kairita na!

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nakangisi sa akin. Hindi ko puwedeng iiwan si Bruce rito. Gusto kong tumingin muna sa laro nila at hihintayin ko pa siya rito.

“Hmm…dito lang ako.” I crossed my arms over my chest. “Saan kaba?” Matanong na nga! Baka kung sakaling importante iyang puntahan niya o kaya’y magpatulong lang siya sa akin.

“Sa Cafeteria, nagugutom ako...” Parang may anong gumalaw sa tiyan ko. Naramdaman ko rin ang gutom.

“Ow? Sige…” Umalis kaming dalawa.

Tinulak-tinulak ko pa ang mga babaeng nagsidagsaan sa aming daan. Tinabig ko ang kamay ng babaeng humawak sa aking abs no’ng dumaan kami at dumiresto sa Cafeteria. Bastos naman ‘yong mga babaeng ‘yon. Kita nang walang laman ang abs ko, e. Mauntog ko ‘yon kapag inulit niya pa!

Agad kaming tumungo sa counter upang bumili. Nakangisi so Cian habang hawak-hawak ang purse niya.

“Ano ang gusto mo?” Tinaasan niya ako ng kilay. Treat na ‘to ni Cian. Nagugutom din naman ako.

“Ano…Uhm…Doon nalang tayo sa tindahan, may bibilhin ako na iba,” angal ko. Siyempre, wala rito ‘yong favorite namin ni Bruce. Balak ko pa naman siyang bilhan.

Gusto ko lang bumili ng fries and mocha. Bibili rin ako ng gatorade dahil ibibigay ko kay Bruce mamaya pagkatapos nila ng laro. Pang-refresh ‘yon sa kaniya. Alam kong bagod na ‘yong baby ko!

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon