Chapter 10
Hiding the IssueGalit si Bruce habang hinahabol si Margarette. Sinusundan niya ito habang patakbong lumabas sa garden. Tulala ako sa nangyari. Halos sasabog na ang dibdib ko sa ginawa ni Margarette. Tiyak na palalayasin ako ni Mama kapag nalaman niya ito. Hindi na ako mapakali. Sobrang gulo na ang aking isipan kung ano na ang dapat kong gawin.
Napawi lang ang agam-agam ko sa dibdib no’ng nakita ko na si Bruce na tumakbo papalapit sa akin.
“Uhm…we’re now safe.” Bumalik si Bruce sa kinauupuan ko. Humihingal siya at umupo sa tabi ko. Pawisan pa at basang-basa ang kaniyang suot na white t-shirt.
Hindi ko alam na sumunod pala sina Margarette sa kaniya pati si Janine na may bahid na pag-aalala. What’s with that face? Ano na naman kaya ang sinabi ni Bruce sa mga babaeng ito? Bakit bigla na lang nagbago ang ekspresyon nila sa ‘kin?
“Kumusta kana, Diego? Ayos lang ba ang kagat ng bubuyog sa’yo?” tanong ni Margarette. Bahagya akong napangisi sa sinabi niya. Wow, Bruce! What have you done? You really impressed me!
Really? Ano ang sinabi ni Bruce sa kanila? Na nakagat lang ako ng bubuyog? Then…what if they will questioned me kung bakit nagkatapat ang labi namin ni Bruce?
“What the—Namumula ang pisngi mo, baka kailangan mo nang umalis at ipacheck-up si Diego, Bruce. Namumula nga siya at ‘di ba sabi mo, allergic siya sa bubuyog?” ani Janine. As in, nakayang paikutin ni Bruce ang dalawang babae?
Kinabahan ako. Bruce is really a fallen angel for me. He saved me this time. Kumalabog ang dibdib ko nang napakalakas at lahat ng inakala ko ay puro mali. Mabuti nalang at nakausap ni Bruce sina Margarette.
“Sorry for what I’ve done, Diego. Akala ko kasi…”
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Halata namang may pagdududa sa mukha niya na bakla ako, in fact, totoo naman, ‘di ba? Ay, dadyang babae lang ang puso ko.
“Ano? Na bakla ako? No way! Hindi ‘yan mangyayari, Janine...” tama nga siya! Pero ito ako, ipinagtatanggol ang sarili.
“Sorry talaga, Bruce.” si Janine na nakahalukipkip sa tabi ni Bruce at bitbit pa rin ang DSLR niya.
Tinitigan niya pa ako bago bumaling kay Bruce. Tumango-tango ako at ngumisi sa kanila. Tumayo ako at pinantayan silang tatlo. Ngumisi si Margarette sa akin at marahang hinawakan ang aking kamay.
“Let’s go!” Hinila niya ako papunta sa sasakyan niyang kulay puti. Nais ko pang magpaalam kay Bruce pero ito ako ngayon, nagpatianod kay Marga.
Hindi ako dapat umangal. Hindi dapat mabulgar dito na may namagitan sa amin ni Bruce. I need to follow Margarette, I need to be with her today. Siguro alam naman ni Bruce kung ano ang dapat niyang gawin.
“Uhmm…we’ll go. Goodbye Bruce, goodbye Janine!” labag sa kalooban ko ang iwanan si Bruce. Gusto ko siyang makausap at makasama ngayon but in order to protect the relationship we had, I need to sacrifice. No Bruce for this time. Kakayanin ko ‘to for the both of us. For the security of our love.
Kumaway na ako at humakbang papasok sa kotse ni Margarette. She was wearing a jeans, black boots and maong jacket. Ang dala niyang kamera ay binaba na niya sa upuan.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa namin ni Bruce, Marga?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko lang pinapahalata na nanggigil ako sa ginagawa niya ngayon. Hindi ko na nga alam kung saan niya naman ako dadalhin ngayon. Nais ko lang siyang gisahin sa mga tanong ko.
“Akala ko naghalikan kayo. ‘Yon pala ay tinanggal lang ni Bruce ‘yong…” nag-iisip pa siya. Hindi niya natapos ang pagsasalita niya. Tapusin mo babaeta! Ang pangit ng utak mo!
BINABASA MO ANG
Break the Boundary
RomanceJust like sailing at the bottom of the ocean. Sailors cannot assure that the path where they go along has no obstacle because when rain keeps on pouring, the waves will get stronger and might ravage the boat. The only thing that you can do is to gri...