Chapter 21 Hope You'll Remember Me

10 4 0
                                    

Chapter 21
Hope You'll Remember Me

“Si Janine ‘yon, ah?” Nahuli kasi ng aking mga mata si Janine na binabastos ng mga lalaki.

Umiiyak ang anak ni Janine habang ang dalawang lalaki ay binabastos siya. Pinahinto ni Bruce ang kaniyang sasakyan sa gilid ng daan at bumaba. Sumunod ako sa kaniya. I looked around us and I found Margarette smoking while leaning on her car. Nakita niya kami at nanlaki ang mga mata niya. Dali-dali siyang pumasok sa kotse niya at pinaandar iyon. May pagdududa ako sa naging reaksyon ni Marga. Is she a gambler? Bakit parang may nakikita na akong tattoo sa makinis niyang balat? That was a snake and a thorny flower. Nakita ko ito dahil bumalandra sa akin ang katawan niya. She was just wore a tube and a black pants. Ang pangit na niyang tingnan. Hindi siya itong Marga na nakikita ko noon.

Si Bruce ay dumaan na sa daan para puntahan si Janine. Binilisan niya ang kaniyang paghakbang. I was shocked when there is a car coming over him. Hindi niya iyon namalayan dahil ang atensyon niya ay nasa kay Janine. Tumakbo ako nang mas mabilis pa kaysa sa isip ko para iligtas si Bruce. Tamang-tama talaga na naitulak ko pa si Bruce bago ako nasagasaan. Mga busina, sigawan at ang tunog ng sasakyan ang aking naririnig. I heard Bruce screams out loud. Naramdaman ko ‘yong pag-agos ng dugo mula sa ulo ko at ang hanging yumakap sa akin kasabay ng nakakabinging tunog ng ambulansya.

“Diego…” He sobbed.“ Huwag mo akong iiwan, dadalhin kita sa hospital…” Iyon ang huling tinig na naririnig ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

The white ceiling, white curtain and the scent of something welcomed me. Isang lalaki ang nakahawak sa kamay ko. Natutulog siya sa aking tabi habang nakaupo. Na-speechless ako sa aking nakita. Parang pamilyar lang siya sa akin pero hindi ko siya kilala. Dahan-dahan akong bumalikwas at nadatnan ko nalang ang sarili ko na may mga gasgas pa sa braso. Umayos ako ng pagkakaupo at tinitigan ang lalaki sa aking tabi. I don’t really know him. Siguro, isa sa mga manggagawa sa hospital? I just averted my gazed from him at inilibot ko nalang ang aking paningin. Nasa tapat ko ang orasan. Bumungad sa akin ang oras. Nasa kalagitnaan ng gabi tapos nagising ako na nasa hospital? Anong nagyari sa akin?

Dahil sa pagtataka ko, hindi ko naiwasang gisingin ang lalaki sa tabi ko. He was surprised no’ng nakita niya ako. Nangunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Mahigpit niya akong niyakap. Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. It sounds weird. Kailan ko ba nakilala ang lalaking ‘to? Hindi ko na naintindihan itong takbo ng buhay ko ngayon. Bakit lalaki ang nasa tabi ko? It supposed to be my mother, siblings, sister or the doctor. Bakit itong hindi ko pa kilala? May pamilya pa ba ako?

“Thanks God, you’re awake Diego…” Hinawakan niya ang kamay ko. Pinipilit kong makawala ang mga kamay ko mula sa kaniya.

What really happened in my life? What my life goes on? Saan naba patungo itong kalokohang ‘to? Who send me this place?

Naguguluhan talaga ako. Puro mga katanungang wala namang sagot ang umiikot sa isipan ko ngayon. Medyo nahihilo na ako sa kaiisip. Hindi ako pinakawalan ng lalaki bagkus ay hinigpitan niya ang pagkulong sa mga palad ko. Kailan ba ako naging baliko? Kailan ba ako napa-ibig sa mga lalaki? Am I alien?

“Who’s Diego?” I asked him. Naalala ko kasi na may binanggit siyang Diego na pangalan. 

Nagulat siya no’ng una at sa kalaunan ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Pinakawalan niya ang mga kamay ko. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at parang sinusuri ang bawat sulok nito.

“You’re name is Diego…” he said. Namuo ang luha sa mata niya. Is he my brother? Kapatid ko ba siya kaya niya nagawa ito?

“Who are you?” I asked him.

He scratched his head. Pinunasan niya ang kaniyang mga luhang nagsilandasan at muling ibinalik ang titig sa aking mga mata.

“I am Bruce Dela Cruz. You were accident 3 days ago. Don’t you remember me?”

I was accident? Saan? Sinusubukan kong alalahanin ang lahat. Medyo lumaki na ang mga eyebags niya. Halatang-halata na parang wala siyang tulog. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at iyon ay cellphone. May pinakita siya sa akin. No’ng una, hindi ko sila nakilala ngunit no’ng pinaharap niya ako sa salamin ay nakita ko ang sarili ko sa imaheng pinakita niya.

“It was me and you. Are you my brother—”

“Pahinga kana muna, Diego. Baka kapag magising kang muli ay maalala mo  na ‘ko.” Utos niya sa akin at inayos ang unan ko.

Hinilig niya ang ulo niya sa hinihigaan ko ngunit hinahawakan niya pa rin ang aking mga kamay.

“I’m Diego and you are Bruce. What are we?” Kahit gusto kong magpahinga ulit, tinanong ko siya.

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. “We’re…Uhm…matulog ka na lang muna. Saka ko na sasabihin.” Nakita ko sa kaniyang mga mata ang puyat. I was comatose for 2 days? Tapos bakit wala talaga akong maalala? Ni kahit kaunti lang, wala talagang pumasok sa aking memorya.

“We’re lovers...” Iyon ang katagang binanggit niya.

Bahagya akong napatawa. Lovers? Ano ako…bakla? What the fuck!

Pinikit ko na ang aking mga mata nang maramdaman ang antok. Komportableng-komportable ako sa ginawa ng lalaking ‘to. Hindi ako nakaramdam ng kahit ano sa kaniya. I am not mad at him kasi hindi ko naman talaga siya kilala. Pero…bakit parang magaan ang loob ko sa kaniya? Sana naman ay may maalala na ako. Sana bumalik na ang memorya ko. Siya siguro ang nagligtas sa akin kung kaya’t nandito ako ngayon.

I woke up with him. Nakangisi siya sa akin habang tangan ang food tray. Nilapag niya iyon sa tabi ko at sumandok ng pagkain. Bumalikwas ako at umayos ng upo.

“Pagaling ka Diego, ah?” Wika niya at inangat ang hawak niyang kubyertos.

Sinubuan niya ako. Siya ang nag-alaga sa akin buong araw. Napangiti ako sa ginawa niya. Mas naging masaya at thanful ako sa kaniya dahil kahit papaano, hindi niya ako iniwang mag-isa sa loob ng hospital. Sinamahan niya ako at inaalagaan. Ang swerte siguro ng magiging asawa niya. He looks elegant pero nangangayayat nga lang.

“Kapag maka-recover ako—”

“Maka-recover ka Diego, okay? Don’t think anything, ah? That might affect your recovery.” Ngumisi siya sa akin. His words gave me some ideas that maybe we had really connection to each other. Those words coiling inside my mind. I heard him heaved a deep sigh.

Namula amg pisngi ko. Naramdaman kong gumapang ang init sa aking mukha sa ginagawa niya.

“Kapag bumalik na ang memorya ko, paglingkuran kita…” Wasayang wika ko at uminom ng tubig.

Tinitigan niya ako sa bawat paglunok ko ng tubig. I saw him gulping. Nakatingin ako sa mga mata niyang pagod at parang ilang araw na walang magandang tulog. I am fine now pero ang memorya ko lang ang problema ko.

“I was the one who promise na paglingkuran kita, Diego. Kaya huwag kang mag-aalala dahil hindi kita pababayaan. Katulad ng ipinangako ko sa ‘yo, paglingkuran kita bilang aking reyna.”

Hinawakan niya ang aking mga kamay. Sinubo niya sa akin ang gamot at pinainom ng tubig. Hindi mapait ang nalalasahan ko sa gamot. Ito’y kasintamis ng mga salitang binitawan niya. So lucky to have him as a stranger who took care a patient.

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon