Chapter 8
I Love You“Happy Valentine’s day!” Pagbati sa akin ni Bruce sabay abot ng kulay pulang rosas. Bagong pitas pa lamang iyon. Ang bango at tsaka...ang tingkad ng kulay niya.
I looked around. Hindi ko alam kung bakit maraming bulaklak sa paligid ko ngayon. Halos lahat ay plastik at mamahalin. I was in the forest with him. Pumunta kami dito upang ipaghanda ang dalawang buwan naming pagsasama. Kahit papaano, nagiging panatag naman ang kalooban ko sa kaniya. Simula no’ng binugbog ako ng soccer players, pinagalitan sila ni Bruce at ngayon, closed na kaming lahat. Pinaluhod ni Bruce ang mga iyon sa harapan ko. Nakakahiya pero sabi niya, iyon daw ang tanging magagawa niya upang patunayan sa akin na ako lang ang mahal niya.
“Grabe kana.” Angal ko pero dinampot ko pa rin ang bulaklak. “ Bakit nag-abala ka pang pumitas nito? Tingnan mo, kawawa ang bulaklak.” Sinuri ko pa ang buong talulot ng bulaklak. Inamoy ko ito at kuminang naman ang mga mata ko sa bango at ganda nito. Isip-bata man kung iisipin but honestly...this flower on my hands is the one is the purest among them.
“Huwag kang magtataka kung bakit pinitas ko talaga ang rosas na ‘yan. Kasi kapag plastic ang ibibigay ko, baka sabihin mong plastic ang intensyon ko.” Ngumisi siya sa akin. Bruce naman! Sobra na itong ginagawa mo!
Hinampas ko siya sa braso. Hindi ko alam at kung ano itong gumalaw sa tiyan ko. Nais lumabas at kuwala.
“Totoong bulaklak para sa totoong pag-ibig.” Humagikhik siya habang hinahawakan parin ang aking kamay. Ginapos niya ako sa kaniyang mga palad at hinagkan ako sa batok.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Maganda ang tanawin. Kahit na naglalakihan ang mga puno, matatanaw ko pa rin ang mga ibong nagsisiliparan. Masaya silang lumilipad. Gano’n din ako ngayon. Ang lagaslas ng ilog ay naririnig ko. Gusto ko nga’ng pumunta roon at maligo kaso gusto kong kasama ko palagi si Bruce. Naisipan naming sa gubat ipagdaos ang dalawang buwang relasyon namin para walang makakita. Tiyak na tutudasin ako ni Mama kapag nahuli niya ako rito.
“Ang ganda…” He said while pointing the orchids at the boughs. Nakita ko sa mukha niya ang saya. Gano’n din ang nararamdaman ko para sa kaniya. Masaya ako na nakasama siya.
Tumango ako sa kaniya bilang tugon. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri habang damang-dama ko ‘yong pagdikit ng katawan niya sa akin. He is topless habang pareho kaming naupo sa maliit na ugat ng kahoy. Nakasandal ako doon at nakatutok sa kalawakan ang aking mga mata.
“Ba’t natahimik ka? Uuwi nalang tayo? Hindi mo yata nagustuhan,” binasag niya ang katahimikan. Nais ko siyang sikuhin nang sa gayon ay matahimik siya pero hindi ko nagawa. He’s really powerful. Gusto kong ganito kami palagi.
“Nagustuhan ko, Bruce. Nagandahan lang ako sa paligid.” Namumula na ang pisngi ko at nang ilagay ko ang mga palad dito ay naramdaman kong uminit nga ‘to. Pati siguro ang mga ibon, kinikilig sa amin. Pero ayos na rin na siya na mismo itong naunang magsalita. Para kasing may pumipigil sa lalamunan ko para magsalita. Barado ito at parang kinulong ang mga salitang nais kong bigkasin.
“Ang ganda ng paligid. Gusto mong maligo? Sa ilog. ” Tinuro niya ang kabilang banda ng bundok. Iyon ang dahilan ng pagngisi ko pero napawi narin iyon no’ng may pumasok sa isipan ko.
Maglalakad lang ba kami papunta doon? No way! Nangangalay ang paa ko at daig pa nga ako ng babae. Ayaw kong maputikan at tsaka…baka gabihin kami dahil mahilig iyan si Bruce tumingin-tingin sa paligid.
“I want you to stay with me,” sabi niya. Ngumisi ako sa kaniya at pinigilan ang sarili na matawa. Wala namang nakakataw doon lalo na't seryoso niyang binigkas yaong mga salita.
“So I,” I responded. “But I was afraid that you might let me fall behind you while you are searching for the truth.” Suminghap ako, samantalang ang puso ko ay medyo kumirot.
“The truth are lying ahead. Saan ko hahanapin ang katotohanan kung naghari ang pag-ibig? Could there be any reasons? No! Wala nang rason Diego para iiwan kita,” he said with sincerity in his voice. Kahit papaano, sinabi niya sa akin na mas mananaig pa rin ang pag-ibig. Masaya lang ako!
We both stood at the wood. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. It is really calm and heart whelming place. I wish I could visit there often so that I will be able to overcome my loneliness. Kahit hindi na ako makakapunta sa lugar na ‘to, basta kasama si Bruce ay ayos na ako. No other choice to leave this sadness behind. The only thing I need is... Bruce.
“Ang susunod na pupuntahan natin ay sa Cotabato City. Maganda ang lugar doon, Dieg…” Kumislap ang mga mata ni Bruce habang binabanggit iyon.
“Cotabato City? Malayo ba sa Manila?” tanong ko.
Sabik din ako na makapaunta sa iba’t ibang lugar. ‘Yong peaceful, malayo sa gulo, no hassle, less pollution and stress-free places. Gusto kong maayos ko muna ang sarili ko at nang magkaroon na ng magandang plano. I want Bruce to be with me kasi nawawala ako sa sarili ko kapag hindi ko siya nakikita.
“Hindi naman masyado. Eroplano lang ang sasakyan natin, hindi naman aabot ng ilang oras,” tumingin siya sa akin habang ang mga mata niya’y tila pagod.
Should I convince him to go home? Baka pagod na siya at gusto na niyang magpahinga dahil ilang oras na rin ang lumipas habang kami ay nag-uusap lang dito. Wala masyadong ginagawa.
“Uhm…may bahay akong binili doon. Sa Pantar. Malayo siya sa daan pero makakadaan naman ang BMW kong sasakyan doon,” parang ang sarap puntahan ang lugar na ‘yon ,ah? Sa sinabi pa lang niya, naka-e-excite na.“ Hayaan mo, pagkagraduate natin, doon kita dadalhin.”
Mas lalong lumundag ang puso ko sa excitement. I want to travel with him! Gusto ko ‘yong igugol ko lang ang oras ko sa kaniya.
“Yes! I'm so excited na!” Halos tumalon-talon na ako sa saya dahil sa sinabi niya. That’s awesome, right? Gustong-gusto kong pumunta doon sa Cotabato City.
“But…’’ Ayan na naman siya!‘Wala ng buts-buts.
“Shall we go home?” I asked. He just stared at me at hindi na nagsalita. “Bruce?”Para kasing natulala lang siya sa sinabi ko.
“Uhm…I love you!” He said and planted a kiss on my forehead.
He hold my hands. Marahan niyang hinawakan iyon at hinila papunta sa sasakyan niyang nakaparada sa katamtamang espasyo ng gubat. May daan kasi doon. Bale iyon ang humati sa bundok. May dumadaan kaso nasa sulok kami banda kung kaya’t malayo sa mga tsismosa.
“Walang reply?” Tinaasan niya ako ng kilay. Ay, oo nga pala. Hindi pala ako nakatugon sa sinabi niya. Whaha!
Akala ko ayos na siya, pero humingi pa ng tugon.
“I love you too!” Niyakap ko siya at gano’n din ang ginawa niya. Ang sarap sa pakiramdam. Para lang akong lumulutang sa hangin tapos kayakap siya.
Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at umupo na nga siya sa driver’s seat. Ngumisi siya sa akin habang hinahaplos ang aking magulong buhok. Gusto ko pa sanang maligo kanina kaso nga lang…hindi ako marunong lumangoy kaya tanging lagaslas lamang ng tubig ang tangi kong naririnig.
Pero at least...nag-enjoy ako. Not just only for watching the views but...being with Bruce, too. Kasi siya naman ang bida ro’n.
BINABASA MO ANG
Break the Boundary
RomanceJust like sailing at the bottom of the ocean. Sailors cannot assure that the path where they go along has no obstacle because when rain keeps on pouring, the waves will get stronger and might ravage the boat. The only thing that you can do is to gri...