Chapter 7
I'm sorryHinatid lang ako ni Bruce sa bahay. Wala si Mama kaya naghanda na lang ako papasok sa paaralan.
Marami ang babae sa daan. Nando’n sina Cian at Margarette. They’re also beautiful but I hate them for being a chaser. Ewan ko ba talaga sa sarili ko kung bakit ni minsan nagagalit na lang ako sa mga babae. I need to fight with this feelings. Naiinggit lang talaga siguro ako sa kanila.“Hi Diego!” Nakangisi si Margarette at lumapit sa akin. Yumakap siya at tiningnan ako sa mata.
“M-Margarette...” Nakipag-shake hands lang ako sa kaniya. Ang lambot ng kamay niya, pero hindi ko keri ang kaniyang titig sa akin.
“Ang gwapo mo, Diego!” Tili pa niya. Nginitian ko lang siya at naglakad papasok sa Campus. Bahala na nga siya. Ayaw ko nang nay babaeng umaaligid sa akin. Kasi...I meant only for Bruce and nothing else.
Agad kong hinanap si Bruce. Wala siya sa loob ng Classroom. Classmate kami sa iilang subject kaya madalas ko siyang nakikita. Pero ngayon, wala siya. Siguro late lang o kaya’y may ginawa pa sa bahay nila. Umuwi na siguro ang mga magulang niya.
Binuksan ko ang aking bag upang kunin ang cellphone ko nang makita ko ang cookies na pinadala ni Mama kay Cian. Nakalimutan ko palang ibigay sa kaniya dahil gabi na no’n at may nangyari pa sa amin ni Bruce sa sasakyan niya. Umuulan din at pumunta pa kami sa Finland’s View. Hindi ko iyon makakalimutan. Gusto ko siyang makausap ngayon at makasama. Sabik na akong makita ang mga mata niyang mapupungay at ang mapulang labi.
Tahimik ang buong Classroom. Bruce still wasn’t around. Absent siya sa mismong major subject niya. Inilibot ko na ang aking paningin at dumungaw pa ako sa bintana sa kahahanap lang kay Bruce. Wala talaga siya. Nagkasakit ba siya? Hindi panatag ang kalooban ko ngayong hindi ko siya nakita. Gusto ko siyang mayakap sa mga oras na ito. Gusto kong magpasalamat sa lahat. Sana hindi siya nanlamig sa akin. I want him forever.
“Diego!” Cian Pearl is on my front. Tinaasan ko siya ng kilay.
Naisipan ko ‘yong cookies. Agad kong kinuha iyon sa bag at iniabot kay Cian.
“Bigay ni Mama sa ‘yo.” Wika ko at humalukipkip. Hindi na ako umimik dahil wala talaga ako sa mood. Gusto ko makita ang taong palaging nagpapangiti sa akin. Bumusangot nalang ako at hindi man lang nakipag-socialize sa mga kaklase ko. Kung sabagay, mga maligno naman ang mga ‘to. Mga hayok sa gwapo!
“Hala? Ang sweet!”
“Swerte mo Cian!”
“Kayo na ba?”
Mga sigawan ng kaklase namin. Sobrang sakit sa tainga. Hindi boses nila ang gusto kong marinig. Kundi ang boses ni Bruce Dela Cruz. Binuksan ko ang cellphone ko at wala talaga akong nakitang tawag ni Bruce o nakitang text man lang. Wala siyang update sa akin. Pagod naba siya sa akin?
Buong araw akong tulala dahil sa hindi ko siya nakita. Hanggang ngayong uwian na ay wala siya. Ayos lang ba siya? Diyos ko naman. Sana walang nangyari sa kaniya.
Binaybay ko na ang soccer field. My eyes are wandering. Where’s really is he? Bakit hindi siya nagpakita sa akin ngayon? There are many negative thoughts comes up on my mind. Ayaw kong mabigo dito at ayaw ko ring mawala si Bruce. Naisipan kong bisitahin ko nalang kaya siya mamaya? Umupo muna ako sa tabi habang dinadama ang ihip ng hangin. I’m not really satisfied without Bruce beside me. Muli na naman akong binisita ng aking lungkot. He’s really my remedy.
Napadaing ako sa sakit no’ng tumama ang sa akin ang soccer. Gusto kong bugbugin ‘yong nagspike no’n. Gusto kong hawakan ang ulo niya at iuntog. Tangina ang sakit! Pero hindi ‘yon nakakalahati sa sakit ng puso ko. Hindi ko kasi nakita ang aking Prince Charming.
BINABASA MO ANG
Break the Boundary
RomanceJust like sailing at the bottom of the ocean. Sailors cannot assure that the path where they go along has no obstacle because when rain keeps on pouring, the waves will get stronger and might ravage the boat. The only thing that you can do is to gri...