Chapter 23 Memories Bring Back

31 4 0
                                    

Chapter 23
Memories Bring Back

🎶
There are times when I’m lying in my bed                           
Hug my pillow and cry from this stupid game     
And my eyes are like windshields on a rainy day                  
Almost rubbed down, swelling, as I keep on

Unang linya ng kanta na pumukaw sa ‘kin. Halos gumalaw lahat ng bagay sa paligid ko at unti-unti kong naaalala ang mga kagahapon.

Dipping my face in these cold hands of mine
Heaven knows how bitter I am         

I'm not bitter, okay? Sadyang na-amnesia lang ako dahil naapektuhan ang ulo ko sa aksidente. Mabuti nalang at mabait ang Diyos. Binuhay niya ako kahit sobrang makasalan ko na. I’m sorry but I have to judge myself dahil kahit ako ay alam  ko ang mga ginagawa kong mali sa buhay.

‘Cause this angel has flown away from me            
Leaving me in drunken misery   

No!  Hinatid ako ng isang anghel kanina dito sa kwarto. Inaalagaan niya ako no’ng nasa hospital pa ako. H’'s not flying away from me. He’s just digging my mind to remember everything.
     
I should have clipped her wings and made her mine
For all eternity
Now this angel has flown away from me
Thought I had the strength to set her free
Did what I did because I love her so
Will she ever find her way back home to me

Nagising ako dahil sa ganda ng music. It was entitled “Heaven Knows” by Orange and Lemons. Ito ‘yong madalas pinatugtog sa akin ni Bruce noon. This is one of my favorite songs. The first one is “Angels brought Me Here”. Napangisi ako dahil sa kapayapaang namayani sa buhay ko ngayon.

Nagulat na lamang ako kung bakit parang nasa pangmayamang lugar ako. Sa ganda ng mga decorations ay napanganga na lamang ako. Gabi na at tanging lampshade lamang ang nagsisilbing ilaw sa buong sulok ng kwarto. Bumangon ako at hinawi ang kurtinang nakatakip sa window glass. Tiningnan ko ang sitwasyon sa labas ng bahay. It wa raining. Malakas ang buhos ng ulan. Dumungaw ako at tiningnan kung saang lugar na ako napadpad. Hindi maaninag sa akin ang mga bagay sa labas. Maliban sa lalaking nakatikod at nakapamulsa pa. Parang kinukausap niya ang bawat ulang pumatak sa harapan niya.

Tiningnan ko ang orasan. Alas Dose y media na ng gabi pero bakit may tao pa sa labas? Bumangon ako at binuksan ang ilaw sa kuwarto. Parang nasa aklat lang ako ngayon,  ah? May tao pala na ganito kayaman sa mundo? Na kahit ang sahig ay maaaring masalaminan? I wonder, where’s Bruce? I slapped myself. Nasaan na si Francesca at Jengkey? Patay naba ako? Bago ko lang nakita ang lugar na ito. Hindi ko naranasang tumira sa ganito noon. Sa baba ng kwarto ko, nakabukas lang ang mga ilaw. Hindi ko alam kung saang palasyo ako napadpad. Bumaba na ako at lumabas.

Naaninag ko ang lalaking nakatalikod habang nakaharap sa ulan. May ilaw sa sa tapat niya.  He’s Bruce!

Tumakbo ako at niyakap siya. Mahigpit ko siyang niyakap ngunit tanging ungol niya lang ang naririnig ko. Hindi siya nagsalita. Whatever! I’ll be thankful kasi sa wakas ay bumalik na ang memorya ko. It is just because of the music.

Nagulat ako at napatalon nang humarap sa akin ang lalaki. Halos masupalpal ko na ang sarili ko sa hiya. Akala ko si Bruce…

“Ayos kana? I’m Franceska’d boyfriend.” Naglahad siya ng kamay.

Ngayon ko lang ito nakita. Mala-Amerikano ang mukha niya. Hindi ko naman maikakaila na dalaga si Francesca at binata ito. Normal lang na magkakaroon ng relasyon silang dalawa. Hindi ko rin naitanong ito kay Ceskang noon, ‘no? Normal lang. Dahil hindi naman ako tsismoso.

Break the BoundaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon