Author's note:
Hi Everyone! This story is about to end, and I would like to apologize for any typographical and grammatical errors that I had made. I am also aware and bothered with my apostrophes in the earlier chapters. sorry naman! HAHAHA
I've been writing this book for almost three years now, and I've noticed that my writing style has changed throughout those years, and sometimes i get really confused on how things or their povs are going to match as before. therefore, I will make a full revision of this story once it's completed.
This is the first ever book that I wrote, so please bear with me with my unending errors. hahaha
lovelots!
—
🔞 hahaha
Alessia's pov:
Hindi rin nagtagal ay nakatulog din siya habang nakadantay sa dibdib ko.
Tinitigan ko ang bawat sulok ng mukha niya at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
Sobrang ganda.
Ang swerte ko, pero hindi ako kumag!
Maganda na siya noon pa, pero hindi ko alam na mas may igaganda pa pala siya. Kahit na katatapos niya lang umiyak at magang-maga pa rin ang mga mata niya, sobrang ganda pa rin niya.
word of the day ko yata ang maganda kapag kasama siya hays—
"Stop staring at me, honey."
Nanlaki ang mga mata ko at muntik pa akong mahulog sa sahig dahil sa pagkabigla.
Gising pala siya? Kailan pa siya natutong umakting?!
Tumikhim ako at umakto na parang hindi niya ako nahuling nakatitig sakanya na parang tanga. "Hindi ako nakatitig ha!" pagde-deny ko pa.
bakit ba?!
Marahan siyang natawa at umayos ng upo. Pagkatapos ay tinignan niya ako, iyong tingin na nakakatunaw at parang umaabot hanggang sa kaluluwa mo.
Tangina! Itong puso ko tuloy kumabog na naman nang malakas. Siya lang talaga ang nakakapagparamdam sa'kin ng ganitong feeling eh. Iyong parang mababaliw ka na ewan.
"You can stare at me now." mapaglaro ang tono ng boses niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil naaakit na ako sa sobrang ganda niya.
"I-I can't" nabulol pa ako. Tangina talaga!
Hinawakan niya nang marahan ang pisngi ko at iniharap ito sa kanya para tignan ko siya.
"Why? Hmm?" tanong pa niya. ganoon pa rin iyong tono ng boses niya.
Tinatanong pa ba 'yan?
"I can face anyone without fear, but you? i don't know.. your beauty still makes me shy." seryosong sabi ko
Nakita ko naman kung paano siya natigilan dahil sa sinabi ko. Napansin ko rin ang mabilis na pamumula ng mga pisngi niya.
Kinikilig ba siya?
"You're enjoying this, aren't you?" tanong ko sa kanya. "You're blushing eh" dagdag ko pa sabay ngisi.
Inirapan niya lang ako at kinurot sa tagiliran, dahilan para mapadaing ako.
"You're so full of yourself talaga!"
Tumawa lang ako at pagkatapos ay hinalikan ko siya sa labi. Hindi naman siya umangal at tumugon din sa halik ko.
Natigil lang kami nang kulangan na kami ng hininga, natawa pa kaming dalawa dahil pareho kaming hinihingal.
YOU ARE READING
My Serendipity
Fiksi UmumWhat if she suddenly shows up? What if she walks into your quiet, almost perfect life and stirs the peace you have? Does her unexpected arrival make her your serendipity? Or is it something else, something in the way she carries herself, something y...
