08-27-24
• • •
messenger
Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILEloading previous messages
today at 6:07 PM
Erine
dear jance,hello! kauuwi ko lang
mamayang 10 ang alis ni papa. nag-stay siya for two days para maka-bonding kami ng mga kapatid ko ☺️ sa huling pagkakataon?
hindi ako makaiyak kanina sa bahay kaya nagpunta ako sa beach mag-isa. doon ako umiyak nang umiyak at ang sarap sa pakiramdam kasi feeling ko, dinadamayan ako ng waves t__t sumasabay yung tulo ng luha ko sa paghampas nila sa dalampasigan. ang therapeutic! 🤧
look
sakto rin ang paglubog ng araw kaya lalo akong naiyak kasi. . . masakit? kapag tuluyan nang lumubog ang araw, tuluyan na ring aalis si papa at hindi ko alam kailan ulit namin siya makikita. siguro kapag kukunin kaming ninang ng mga anak niya sa anak non??? 😅
ang lungkot pero kahit na nakakalungkot, tuloy pa rin naman ang buhay. parang yung paglubog ng araw. hindi naman por que lumubog ngayon ay hindi na siya sisikat ulit.
at ang pagsikat ng araw ay patunay na may panibagong araw at panibagong pag-asa. . .
hindi pa naman natatapos ang lahat.
hindi matatapos ang buhay namin dahil lang sa pag-alis ni papa. tama! sana lang kaya ko itong ipaintindi rin sa mga kapatid ko :((
hays. fighting pa rin, erine! 💪🏻
love,
erine
sent
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...