196

194 11 13
                                    

07-05-27

• • •

messenger

Adriel Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILE

Adriel wants to send you a message

today at 4:35 PM

Adriel
my dearest, erine,

i've never been good with words, but there's something about you that makes me want to find the right ones. naks, english!

una sa lahat, congrats baby boss! worth it ang lahat ng iyak, paghihirap, sakripisyo mo kasi nakagraduate ka na at may award pa.

that's my girl! (soon?)

proud na proud ako sa'yo, alam mo ba 'yon? kasi alam ko kung gaano mo gusto 'to eh. alam ko kung gaano kahalaga sa'yo ang mga pangarap mo at congrats kasi natupad mo na 'yung isa. ilan pa ang tutuparin natin? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH

mahirap, sa totoo lang. noong pinagtulakan mo ako palayo kahit ang gusto ko lang ay suportahan ka. pero naiintindihan ko. naintindihan ko. at huwag kang mag-sorry, hm? you don't owe anyone apologies for chasing your dreams and for choosing yourself. naks, english ulit.

kahit ano pa ang maging desisyon mo, rerespetuhin ko. magiging masaya ako para sa'yo. kuntento na akong pinagmamasdan ka sa malayo, sinusuportahan ka nang palihim, basta tuparin mo ang mga pangarap mo. mangarap ka lang kasi maghihintay naman ako. may maghihintay sa'yo. maghihintay ako hanggang sa matupad mo na lahat ng pangarap mo.

'yan talaga 'yung naging desisyon ko noon pagkaalis mo. ang kaso may nagbago noong february 18. tanda mo 'yon? hahahah

ako tandang-tanda ko. hanggang ngayon nga kabisado ko eh. pina-print ko pa tapos naka-highlight 'yung sinabi mong mahal mo ako.

mahal din kita, erine. mahal na mahal.

salamat sa lahat ha? lalo na sa pagmamahal.

your love may not have been enough to choose me then, but it was enough to change me and to inspire me to chase my dreams too.

kaya nandito ako sa labas ng bahay niyo.

kasi ikaw ang pangarap ko.

ikaw ang kinabukasan ko.

nandito na 'yung ticket. uwi muna tayo sa pilipinas habang nagbabakasyon ka pa. uwi ka muna sa pamilya mo at kay lia.

uwi ka muna sa akin.

at sa pagbalik mo, p'wedeng isama mo na ako?

natupad mo na ang isa sa mga pangarap mo nang ikaw lang mag-isa. p'wede bang tuparin pa natin ang iba nang magkasama na tayong dalawa?

with all my love,
aj takahashi

If you reply, Adriel will be able to call you and see information such as your Active Status and when you've read messages.

block   |   delete

whispers of the heartWhere stories live. Discover now