12-03-24
• • •
messages
jance
+639********* Philippinestoday 4:36 PM
jance
nandito ako sa babamag-usap tayo
please erine
today 5:13 PM
erine
pwede bang dito na lang tayo sa text mag-usap?jance
okay sigebasta kakausapin mo ako
magrereply ka, okay?
erine
okay. . .jance
okaybakit mo ako iniiwasan?
erine
kasi. . . ewan ko? feeling ko lang kailangannalaman ko na umamin sayo si ate raika. nililigawan mo na ba siya? or kayo na agad? ayaw ni ate rai ng nililigawan 😅
jance
ano bang sinasabi mo, erine?hindi ko nililigawan si raika at mas lalong hindi kami. magkaibigan lang kaming dalawa.
yan ba ang rason kaya ka umiiwas?
erine
siguro?hindi ko talaga alam
jance
i'm sorry, okay? tungkol sa narinig mo na pinag-uusapan namin ni franz, nadala lang siya ng emosyon kaya niya nasabi yon. gusto niya si raika pero ako ang gusto ni raika at hindi ko gusto si raika. sana naman may idea ka na.erine
bakit hindi mo gusto si ate rai?maganda siya at matalino. magaling sumayaw, kumanta, mag-drawing. mabait, mapagmahal na anak at pinsan. nasa kaniya na ang lahat.
hindi mo ba nakikita yon, jance?
jance
eh, ikaw? hindi mo ba nakikita kung ano ang nakikita ko sa'yo, erine? hindi mo ba pansin 'yung saya ko sa tuwing magkasama tayo?oo, maganda si raika at matalino. mabait na kaklase at kaibigan. jimenez din siya pero ibang jimenez ang gusto ko. marami kayong pagkakatulad, sa totoo lang, pero hindi siya ikaw.
ikaw ang gusto ko, erine.
erine
bakit ako?bakit mo ako gusto? paano?
akala ko magkaibigan tayo?
today 5:34 PM
jance
i'm sorryhindi ko alam kung kailan nagsimula. namalayan ko na lang na naghihintay ako ng kwento tungkol sa nangyari sa buong araw mo. hindi buo ang araw ko kapag hindi ka nagkekuwento sa akin. gusto kong nakikita ang ngiti at naririnig ang tawa mo kasi nahahawa rin ako. gusto ko kapag nag-oopen ka tungkol sa pangarap mo, kasi naiinspire akong mangarap din katulad mo.
nasasaktan ako kapag nakikita kong umiiyak ka. nasasaktan din ako kapag nasasaktan at nahihirapan ka. gusto kong kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo. gusto kong alagaan ka kagaya kung paano ka mag-alaga ng iba. gusto kong pasiyahin ka kagaya kung paano mo pasiyahin ang mga taong nasa paligid mo.
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...