10-28-24
• • •
messenger
[ Jance Takahashi ]
active now
today at 12:03 AM
Jance
nakauwi na ako
sana kahit papaano e naging okay ka
magsabi ka sa akin kapag ready ka na
kahit hindi katulad ng kuwento mo dati na masaya, kahit hindi rants, makikinig pa rin ako
nakikinig at makikinig ako palagi sa'yo, erine.
today at 12:15 AM
Erine
thank you, jance
at sorry kasi wala akong masabi. mukhang napanis yata laway nating dalawa kanina
Jance
hindi HAHAHAHAHAHAHAHAHA
naiintindihan kita
Erine
kahit wala pa akong sinasabi?
i mean, ang tahi-tahimik ko lang
alam kong may gusto kang itanong
Jance
naiintindihan na agad kita kahit wala ka pang sinasabi
kaya nga kahit gusto ko magtanong, nanahimik na lang ako kasi ramdam kong hindi ka ready at ayaw mong magsalita e
nandito lang ako ha?
Erine
opo, thank you talaga
Jance
nakakapanibago, walang emoji o emoticon
ganiyan ka rin pala kapag malungkot
Erine
sorry
Jance
gagi huwag ka mag-sorry HAHAHAHAHAHAHAHA
ganito na lang
kada 8 PM, pupunta ako diyan sa inyo. kahit may gawin o wala tayong gawin, pupunta ako
gusto kong maging okay ka pero gusto rin kitang samahan habang nalulungkot ka pa
ano? game?
Erine
you mean, everyday?
hindi ba nakakapagod yon? galing ka pa sa practice tapos ang layo ng binabyahe mo
magpahinga ka na lang, jance
salamat sa concern
Jance
sanay na ang katawan ko sa pagod
atsaka maaga naman natatapos training namin. kadalasan, alas kwatro. may apat na oras pa ako para makapagpahinga bago magpunta sa inyo
kung schoolworks ko naman inaalala mo, hindi sa pagmamayabang pero kaya ko tapusin yon ng isang oras, kapag hindi ganon karami HAHAHAHAHAHAHAHAH
magpapaalam din ako kay tita
Erine
bakit mo ba ginagawa 'to?
Jance
kasi gusto ko
Erine
imbes na magpahinga ka na lang. . .
Jance
makakabawi naman ako HAHAHAHAHAHAH
huwag mo na akong intindihin
ano, payag ka sa deal ko?
Erine
anong gagawin mo naman dito?
Jance
kahit anong gusto mo
kung gusto mo ng ice cream, edi bibili tayo
late night walks? HAHAHAHAHAHAHAHA
stargazing? kahit ano, erine
night drive rin. nasubukan mo na yan?
Erine
hindi pa
Jance
okay okay HAHAHAHAHAHAHAHAHA
mukhang alam ko na
deal na?
Erine
babawi ako sayo pagkatapos nito ha
huwag kang tumanggi!
bawal tumanggi!
Jance
oo na HAHAHAHAHAHAHAHAH
payag na?
start mamaya?
Erine
okay. . .
Jance
yon hahahaha salamat salamat
may three days pa tayo bago break
sulitin na natin
Erine
aalis pala kami dito sa november 1st
Jance
okay okay
kailan uwi niyo?
Erine
3 yata
Jance
okay okay
sa ngayon, magpahinga ka na
ang maga-maga ng mata mo kanina grabe
pero cute ka pa rin HAHAHAHAHAHAHA
Erine
hmp
matulog ka na rin ha
good night jance
thank you sa pagsama sa akin
Jance
wala yon hahahahaha
araw-araw na kitang sasamahan
good night erine
magpahinga ka nang mabuti ha
Erine
ikaw rin jance
Jance
sleep tight
[ 💗 ]
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomansaAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...
