08-23-24
• • •
messenger
Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILEloading previous messages
today at 6:11 PM
Erine
dear jance,sorry ngayon lang. naging abala talaga kami doon sa group project pero tapos naman na kanina kaya pwede na akong huminga 😪
kami ang pinakamataas na grade huhu tapos i have no idea na ako pala ang ginawang leader ng groupmates ko so may plus point ako kasi may plus point ang leaders!
and about pala sa confession ni yohan, hiyang-hiya ako noong wednesday na nagkita kami sa room T__T hindi ko alam paano siya iaapproach pero siya naman unang kumausap sa akin. nag-usap kami then ayon, hindi niya raw intensyon na biglain ako. sinabi ko na i appreciate his admiration pero ayaw ko muna. study first!
mabuti na lang at naiintindihan niya ako pero nakakaguilty pa rin slight dahil alam kong nahu-hurt siya. bakit kasi ako, di ba? i mean, anong nakita niya sa akin? 😅
feeling ko. . . okay naman kami after non? siguro? ganoon pa rin sa dati, parang classmates lang. kinakausap niya pa rin naman ako
sana lang maging okay siya. i mean, sana mag-heal yung puso niyang nasugatan because of my rejection t__t makakahanap din siya ng babaeng tatanggapin nang buo ang feelings niya! hindi pwedeng maging ako yon kasi marami pa akong ibang priorities sa buhay 😌
baka hindi ako makapag-update dito bukas kasi manonood ako ng anime ^__^ me-time after ituon ang buong atensyon sa pag-aaral nang ilang days
bye bye!
love,
erine
sent
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...