09-18-24
• • •
messenger
Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILEloading previous messages
today at 6:18 PM
Erine
dear jance,ang bigat ng pakiramdam ko today :(
may group study kami dapat pero hindi natuloy kasi mas pinili naming i-comfort si faith. she's my classmate and i consider her as my friend na rin kaya it hurts me to see her in that situation T__T
nakipag-break siya sa bf niya kasi hindi na healthy ang relationship nila then itong bf niya, nakikipagbalikan pero tumanggi na siya. sorry siya nang sorry kasi hindi niya na raw kayang itaya pa ulit ang sarili niya 😢
hindi ko alam ang pakiramdam ng ganon kasi hindi ko pa nararanasan pero nafefeel ko yung sakit at panghihinayang niya T__T pero kahit na ganoon, proud na proud ako sa kaniya kasi ang tapang niya. i mean, alam niya sa sariling mahal niya pa yung lalaki but hindi na healthy so kailangan niyang piliin ang sarili niya before pa man sila tuluyan magkasiraan
at alam mo ano ang natutunan ko? matapang iyong mga palaging tumataya pero para sa akin, matapang din iyong mga taong lumilisan.
lalo na kapag alam nilang hindi na tama 🙁
sana mag-heal ang puso ni faith.
love,
erine
sent
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...