04-13-25
• • •
messenger
[ Jance Takahashi ]
active now
today at 5:25 PM
Jance
erine
nandito ako
usap tayo? please?
today at 5:32 PM
Erine
dito na lang tayo mag-usap, jance
hindi ko kayang harapin ka ngayon
Jance
bakit?
Erine
idk
Jance
okay sige
basta kakausapin mo ako
anong problema natin, erine?
sabihin mo naman sa akin oh? please? para maayos ko kung nasa akin man ang problema
Erine
tumigil ka na sa panliligaw
Jance
huh? bakit?
kaparehas lang ba 'to noong nag-trend? yung pinapatigil niya na manligaw yung lalaki sasagutin niya na? HAHAHAHAHAHAHAHAHA
anong problema? bakit ako titigil?
Erine
basta
tumigil ka na manligaw
walang pupuntahan 'to
Jance
anong basta?
bakit mo ako pinapatigil manligaw?
paano mo nasabing walang pupuntahan?
Erine
gusto kong mag-focus sa pag-aaral ko
Jance
hindi ka ba nakakapag-focus sa ngayon?
nahihirapan ka ba ulit?
saang subject? tutulungan kita
Erine
layuan mo na lang ako please
Jance
bakit?
hindi ko maintindihan erine
bakit ako lalayo?
Erine
gusto kong mag-focus
hindi ko kayang hatiin ang oras ko sayo at sa pag-aaral ko jance kaya please tama na
Jance
maghihintay naman ako
take your time, okay?
huwag mo lang akong palayuin
Erine
hindi kita gusto
huwag mo nang sayangin ang oras mo sa akin kasi walang pupuntahan 'to, hindi kita sasagutin
wala akong nararamdaman sayo
Jance
hindi ako naniniwala
hindi naman ako manhid
huwag ganito, erine
pag-usapan natin 'to nang maayos
Erine
huwag ka nang makulit jance
huwag ka na ring pupunta dito
wala ka nang dahilan pa para gawin yon
Jance
ganon nalang yon?
sa ganito nalang tayo magtatapos?
hindi ko maintindihan pucha
ipaintindi mo naman sa akin oh
okay naman tayo nitong mga nakaraan
bakit biglang ganito?
Erine
kailangan ko pa bang ulitin?
gusto kong mag-focus lang sa pag-aaral ko
at hindi nga kita gusto
itigil mo na lahat yan
hindi na magbabago ang isip ko
Jance
erine please
ayoko
hindi ako lalayo
susuportahan naman kita kung gusto mong mag-focus sa pag-aaral mo. hindi kita guguluhin.
huwag mo lang akong palayuin
Erine
i'm sorry
thank you for everything
mag-iingat ka palagi
Jance
[ • • • ]
You blocked Jance.
unblock
something's wrong
YOU ARE READING
whispers of the heart
Roman d'amourAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...
