11-16-24
• • •
messenger
[ Jance Takahashi ]
active nowtoday at 9:12 PM
Erine
free ka ba?magbasa ng diary ko?
Jance
palagi, erinebabasahin ko
makikinig ako
Erine
dear jance,pinapa-stop ako ni mama mag-aral
noong time na down na down din ako? yan ang reason. sabi ni papa, gusto niyang kunin yung pangalawa namin. pumayag si mama kasi pangarap din ng kapatid ko makapunta sa ibang bansa kaya kailangan namin ng pera pang-asikaso sa mga papel at hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumigil sa pag-aaral
as much as i wanted to understand them, hindi ko mapigilan na masaktan kasi bakit ako?
bakit ako na naman ang kailangan umintindi at mag-adjust? para matupad ang pangarap ng kapatid ko. alam ko kung gaano ka-gusto ng kapatid ko ang makapunta sa ibang bansa pero alam din naman nila kung gaano ko ka-gustong makapag-aral at makapagtapos
pwede naman akong pumayag, kasi makakapag-aral din naman ulit ako pero hindi ba p'wedeng humanap ng ibang paraan? bakit pakiramdam ko walang halaga sa kanila yung gusto at pangarap ko?
naintindihan ko sila noong panahon na hindi nakakapunta si mama sa card day at recognition ko kasi nagkakasabay kami ng dalawang kapatid ko. naintindihan ko sila noong panahong hindi ako sumama sa field trip kasi nagkataon din na may camping sila. naiintindihan ko sa tuwing sinasabi ni mama sa akin na marami pa namang next time. bakit. . . bakit hindi niya kayang sabihin yon sa kapatid ko?
bakit kapag ganito, nababalewala na lang ako?
today at 9:23 PM
Jance
sorry, hindi ko napigilan na yakapin kahindi ko kayang nakikita kang umiiyak
kung kaya ko lang kunin yang sakit e
i'm sorry
ang hirap non
yung lagi nalang ikaw ang nag-a-adjust. yung kailangan mong isuko ang kasiyahan mo para lang makuha nila yung gusto nila
naiintindihan kita erine. bilib ako sayo kasi ang understanding mo pero sana huwag mo kakalimutan na minsan ayos lang din na hindi mo sila maintindihan. nakakapagod kasi yon
sana hindi lang puro sila ang iniisip mo. may sariling buhay ka rin. sundin mo yung gusto ng puso mo. tuparin mo yung mga pangarap mo.
ayos lang maging selfish minsan lalo na kung kasiyahan mo naman ang pinag-uusapan. oo, pamilya mo sila, pero huwag na huwag mong kakalimutan ang sarili mo.
mahalaga ka rin, erine.
huwag mo sana yan kakalimutan.
seen
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...