166

163 5 5
                                    

04-04-25

• • •

messages

unknown number
+639********* Philippines

today 5:42 PM

unknown
hi. bestfriend 'to ni jance. gusto ko lang sana itanong kung kailan mo balak iwasan ang kaibigan ko? i mean, halata naman na hindi mo siya sasagutin kasi ilang buwan na pero hanggang ngayon nasa ligawan stage palang kayo. kung wala kang balak sagutin siya, pwede bang iwasan mo na?

hindi na rin maganda nadudulot mo sa kanya eh. lagi siyang tumatanggi sa yaya namin ng mga kaibigan kasi gusto niya sayo lagi sumama. paano naman kami? kami ang una niyang nakilala at nakasama bago ka pa dumating kaya sana alamin mo ano ang lugar mo.

pangalawa, kakaturo niya sa inyo nawawalan na siya ng focus sa pag-aaral. hindi maganda ang performance niya ngayon at baka matanggal na siya sa president's lister sa susunod na sem. kung gusto mo ng proof, isesend ko sa kanya mga score mo sa messenger. Franz Gonzales. pakicheck nalang sa message request.

pangatlo, tinanggihan niya ang alok ng mama niya dahil sayo. alam mo ba gaano kagusto ni jance maging doctor? pangarap niya yon at dahil sayo, ayaw niyang matupad ang pangarap niya. lagi nalang ikaw. ang selfish mo naman. sana isipin mo rin yung pangarap ng kaibigan ko.

matalino ka at sana isipin mo na mas makakabuti sa inyong dalawa kung lalayo ka nalang. distraction ka at hadlang ka para matupad ang mga pangarap niya.

whispers of the heartWhere stories live. Discover now