030

191 9 2
                                    

08-26-24

• • •

messenger

Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILE

loading previous messages

today at 6:01 PM

Erine
dear jance,

hindi dapat ako mag-oopen dito kasi expected ko walang masiyadong ganap ngayon kasi nga holiday pero hays : (((

umuwi si papa kanina galing canada. ang unexpected ng pagdating niya tapos alam mo kung ano ang sadya niya dito? gusto niyang pirmahan na agad ni mama yung annulment paper nilang dalawa 🙃

hiwalay kasi ang parents ko since 10 years old ako (?) ayaw nila sabihin sa mga kapatid ko ang totoong dahilan, sinasabi lang nila na hindi na raw nagwo-work ganon lalo na't LDR kasi madalas nasa ibang bansa si papa tapos busy sila parehas. pero ang totoo, na-fall out si papa tapos noong nakaraang taon daw, nagkaroon na siya ng bagong pamilya kaya gusto niya agad na mapa-walang bisa na ang kasal nila kasi magpapakasal na yata siya doon sa bago niya T__T

tbh, hindi ko alam anong nafefeel ko. nasasaktan? masama ang loob? nalulungkot? pero sa totoo lang, wala akong mahanap na dahilan kung bakit sasama ang loob ko. kasi wala namang may kasalanan kung na-fall out ka? hindi mo naman kayang kontrolin ang nararamdaman mo para sa isang tao. . . kung wala na, wala na.

naiintindihan ko si papa ☹️ nasasayangan lang siguro ako sa ilang taong relasyon nila. may tatlo pa silang anak. pero hindi naman din dapat yata ako manghinayang? kasi mukha namang masaya rin si mama sa naging desisyon nilang dalawa. pero what if pinapakita niya lang na masaya siya?

ang daming what if. ang daming pero.

ako, naiintindihan ko pero yung mga kapatid ko, hindi ko lang alam ☹️ natatakot ako sa kung ano ang iisipin at mararamdaman nila hanggang sa paglaki. mabuti nga at sa ibang bansa si papa kasi ano na lang iisipin ng mga kapatid ko kapag nandito sila at makikita nila sa ibang pamilya si papa? iniwanan kami at sumama sa iba? ayokong i-hate nila si papa kasi walang may kasalanan

mas lalo ko ring kailangan mag-aral nang mabuti kasi kahit hindi man sinasabi ni mama, alam kong umaasa na siya sa akin. lalo na ngayong may iba na ring susustentuhan si papa. hindi rin naman pang-habambuhay yung sa restau namin kaya kailangan ko talagang makapagtapos

hindi ko alam gagawin ko :(( nahihirapan ako pero hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa.

magiging ayos din ang lahat.

di ba? magiging maayos din ang lahat. hindi pa lang siguro ngayon, pero someday. . . sana. 🙏🏻

si Lord na ang bahala sa amin

love,
erine
sent

whispers of the heartWhere stories live. Discover now