Erine Jimenez updated her status. only me
dear diary,
it's been two months already since i moved here sa NY. hindi naging madali, gaya ng inaasahan ko. noong unang buwan ko dito, walang gabi na hindi ako umiyak at kailangan pa akong tabihan ng tita para lang makatulog.
ang hirap : (
may times na gusto ko na lang umuwi. gusto ko na lang tulungan si mama sa restau. gusto ko na lang alagaan at asikasuhin ang mga kapatid ko.
i wanna go home.
pero nandito ang pangarap ko.
ang hirap kasi. . . sa tuwing nahihirapan ako, siya ang hinahanap ko. gusto kong magkuwento ulit sa kaniya sa nangyari sa buong araw ko. gusto kong mag-rant sa kaniya sa tuwing may nagsusungit sa akin. gusto kong magpa-comfort sa kaniya sa tuwing hindi ako okay. gusto kong mayakap siya. gusto ko na lang umuwi sa kaniya.
miss na miss ko na ang pilipinas. miss na miss ko na sila mama, ang mga kapatid ko, sina ate raika, sina lia, lahat ng kaklase ko.
miss na miss ko na si jance.
i just hope that he's doing okay. sana maghilom ang puso niya. sana maging masaya siya despite everything kasi deserve niya yon.
sana maging okay rin ang lahat.
love,
erine
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...