133

167 9 1
                                    

12-03-24

• • •

messenger

[ Raika Jimenez ]
active now

today at 10:25 AM

Raika
janceee

pwede mo ba akong samahan mamaya?

today at 11:02 AM

Adriel
sila noriel? may gagawin kasi ako raika

Raika
busy kasi sila eh

please?

alam kong hindi mo ako matitiis

sa SU tayo pupunta

Adriel
sige

Raika
thank youuuu

today at 2:49 PM

Raika
thank you ulit jance

nakuhanan kita ng pic kanina

ang cute ng smile mo dito

Raika sent a photo.

gawin kong wallpaper ha?

Adriel
bakit? kapag nakita ng mga tao yan baka magkaroon sila ng ibang ideya, raika.

Raika
akala ko... hindi ba?

Adriel
hindi at wala talaga. huwag mo na sanang bigyan ng malisya yung actions ko, raika. nilinaw ko naman na sa'yo lahat noong nakaraan di ba?

ngumiti lang ako noong gabing yon kasi ayaw kong mapahiya ka sa mga taong nandoon pero hindi ko matatanggap ang feelings mo para sa akin. kinakausap pa rin kita pagkatapos non kasi nakiusap kang huwag kitang iwasan. sinamahan din kita kanina kasi wala sila noriel at may gusto akong makita doon.

pasensya na raika pero hindi ko na kayang higitan pa ang pagkakaibigan natin. hanggang kaibigan lang talaga maibibigay ko.

Raika
yung pinsan ko talaga ang gusto mo 'no?

si erine talaga?

si erine pa talaga?

Adriel
si erine lang talaga

Raika
paano kung inaway ko siya? dahil sayo?

Adriel
hindi ka ganoon kababaw at alam nating pareho na mas mahal mo ang pinsan mo kaysa sa akin.

pero kung gagawin mo yan, ewan ko nalang

Raika
nasasaktan ako hahahaha pero ayos lang

ang totoo niyan, noong nakita ko kayo ni franz noong birthday ko na magkausap, nakita ko rin siyang nakikinig. kilala ko ang pinsan ko at alam ko kung kailan siya nasasaktan. hindi ako naniwala na sumama ang pakiramdam niya kaya siya umuwi agad. nasaktan siya dahil sa narinig niya. nasaktan siya sa sinabi ni franz na huwag mo na siyang gustuhin at ako nalang dahil ako yung matagal nang nandito.

Adriel
kaya niya siguro ako iniiwasan

salamat sa informations raika

Raika
wdym? iniiwasan ka niya?

Adriel
oo, tatlong araw na. kanina nakita ko siya pero hindi niya rin ako pinansin

Raika
wala ako sa lugar para sabihin 'to pero baka gusto ka rin niya? hindi siya maaapektuhan sa narinig kung kaibigan lang ang turing niya sayo aj

gusto kita pero kung gusto ka rin ng pinsan ko, wala na akong ibang magagawa pa. nasaktan lang din ako kaya pinush kong umamin pa rin sa harap ng maraming tao.

i'm sorry, aj.

suyuin mo si erine. alam ko gaano ka-selfless yon at kahit gusto ka niya, kasiyahan ko ang iisipin at uunahin niya. huwag mo siyang sukuan.

Adriel
alam kong masakit para sa'yo ito pero salamat, raika. pasensya na rin. don't worry, sisiguraduhin kong magiging masaya ang pinsan mo.

Raika
keep your promise, aj.

huwag mong sasaktan si erine

Adriel
wala yan sa plano ko hahahaha

i'll make her the happiest.

i promise

Raika
dapat lang.

kung sinaktan at pinaiyak mo na ako tapos gagawin mo ulit kay erine, edi gago ka

sige na, suyuin mo na si erine

Adriel
thank you ulit raika

ingat ka lagi

makakahanap ka rin ng taong gugustuhin ka pabalik. malay mo nandiyan lang pala sa tabi-tabi at hinihintay na tignan mo siya.

Raika
ewan ko sa inyong mga lalake
[ 😆 ]

whispers of the heartWhere stories live. Discover now